Malamang na-enkwentro nyo na ang mga ito sa mga lansangan at bus. Minsan nakikipag-talo pa nga kapag sinisita sila sa kanilang panghihingi ng pera habang nangangaral. Basahin ang karanasan ng iba pang street preachers na nangangaral ng salita ng Dios pero hindi nanghihingi ng pera dito sa?Filipinostreet?Preacher.
“Kaya nga, napakaliwanag na tanda ng tunay na mangangaral ang ‘Public Offering.’ Sapagkat ang mga tunay na mangangaral ay may pagkasugong gaya ni Christo.”
Yan ang opisyal na pahayag nila kung bakit nila ginagawa ang panghihingi ng limos sa lansangan. Mababasa iyan sa kanilang sariling magazine na kung tawagin ay “The Word,” (Vol.9, ISSN 94, 1998, p.26). Kahit nga sa pagsapit ng kapaskuhan nangangaroling din sila.
Hindi lamang taliwas sa pangaral ng mga apostol ang ginagawa nilang ito lalo na sa 2 Cor. 2:17 nakakasira pa ito sa imahe ng mga Born-Again Christians. Akala tuloy ng iba normal ang ganitong gawain. Lingid sa kanilang kaalaman ang gumagawa lamang nito ay ang samahang kung tawagin ay?Pentecostal Missionary Church of Christ or Fourth Watch.
Ayon sa 2 Cor. 2:17 (NIV),
“Unlike so many, we do not peddle the word of God for profit. On the contrary, in Christ we speak before God with sincerity, like men sent from God.”
Akala siguro nila?na?sa tuwing nangangaral ang mga apostol ng?Ebanghelio noong una ay sinasabayan din ng?panghihingi?ng pera. Sa Acts 17:17 ay mababasa nating nangaral si Pablo sa sinagoga at sa pamilihan pero hindi sinabing nanghingi sya ng limos habang nangangaral,
“So he reasoned in the synagogue with the Jews and the God-fearing Greeks, as well as in the marketplace day by day with those who happened to be there.”
Katunayan binawalan pa nga ng Panginoon ang mga alagad na magdala ng sisidlang ng pera sa ?Luke 10:3-4 nang una silang mangaral wala pa si Apostol Pablo,
“Go! I am sending you out like lambs among wolves. DO NOT TAKE A PURSE?OR A BAG?or sandals; and do not greet anyone on the road.”
Kaya, paano naman kaya naging palatandaan yun ng pagiging tunay na mangangaral? Ang naging malinaw lamang dito ay kung paano nilang binaluktot ang?Kasulatan para sa kanilang pansariling kapakinabangan.
Ganun pa man, may mangilang-ngilang nagtatanggol pa rin sa ginagawa nila. Sabi ay pabayaan na lang raw tutal ang mahalaga ay ipinapangaral nila?si Kristo at ang Ebanghelio base sa?Phil. 1:18,
“But what does it matter? The important thing is that in every way, whether from false motives or true, Christ is preached. And because of this I rejoice. “
Ang kaso mo, ang premise ng talatang yan ay?tunay na?Kristo ang ipinapangaral. Pareho ba ang Kristo nila sa Kristo ng Biblia? Hindi. Dahil ayon sa kanilang latlahain na “The Word,” Vol. 9, ISSN 65, p.13, ang Kristo nila ay tao lamang nung nasa lupa,
“What then is the form of Christ before He has taken the form of man? In Phil. 2:6 it is stated that He took off the form of God. And when he took the form of man, He was born of Mary and Joseph.”
Kung ibang Kristo ang ipinapangaral nila dapat ba natin itong ipagbunyi? Ano naman ang Ebanghelio na kanilang ipinapangaral? Ang mabuting balita para sa kanila ay kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, Mula sa “The Word,” vol.9, ISSN 38, 1998, p.27,
“Ang sabi ng kasulatan ay iisang pagtawag — ?tinawag sa pamamagitan ng apostol (Rom. 1:5-6), iisang pananampalataya — aral ng mga apostol (Rom. 18:8; Acts 2:42), iisang bautismo- bautismo ng mga Apostol.”
Para sa kanila, ang apostol ay si Arsenio T. Ferriol, ang pananampalataya ay 4th Watch, ang aral ay pangaral ni Ferriol, at ang bautismo ay bautismo ni Ferriol.
Kaya ang pinapalaganap nila sa kanilang pangangaral ay hinango man sa Salita ng Dios ngunit may sangkap na ng pangaral?ng kanilang apostol. Hindi na ito ang purong Salita ng Dios. Ang ipinapangaral nila ay hindi na Ebanghelio kundi ibang-helio (another gospel,?2 Cor 11:4;?Gal 1:8). Tagubilin ng mga tunay na apostol ay huwag silang tangkilikin sa 2 Cor. 11:13-15
For such men are false apostles, deceitful workmen, masquerading as apostles of Christ.?For such men are false apostles, deceitful workmen, masquerading as apostles of Christ. 14 And no wonder, for Satan himself masquerades as an angel of light. 15 It is not surprising, then, if his servants masquerade as servants of righteousness. Their end will be what their actions deserve.
Hindi na rin siguro?nakapagtataka kung bakit may mga?Ebanghe-liko, o yung mga nagpapakilalang Evangelical?na?baliko o paliko-liko rin ang ipinanapangaral ay tumatangkilik sa kanila tulad ng mga nasa larawang ito,
Hindi ata nila alam ang sinabi sa?Eph 5:11,
“Have nothing to do with the fruitless deeds of darkness, but rather expose them.”
Recent Comments