Mga Tanong Tungkol sa Prosperity Gospel

TANONG #1: ANO BA ANG PROSPERITY GOSPEL?

Ito ang mabuting balita na kapag ikaw ay sumapalataya sa ebanghelio at naghahasik ng binhi sa mga ministro o sa iglesia, ikaw ay magkakaroon ng masaganang pamumuhay sa pamamagitan ng malusog na pangangatawan at material na kasaganaan. Dahil ang kahirapan at sakit umano ay sumpa at tanda ng pagka-alipin sa Kaaway at ang mga ito ay pinawi na raw at mapapakinabangan sa pamamagitan ng pagko-confess laban sa mga sumpa upang mapapalitan ng mga pagpapala sa pamamagitan din ng pagko-confess upang ang mga ito ay makamtan.

prosgos2

TANONG #2: ANO NAMAN ANG GOSPEL?

Ang tunay na gospel ay ang mabuting balita ng kapatawaran ng Dios dulot ng pagsampalataya kay Kristo na namatay at nabuhay muli para ilapit ang tao sa Dios. Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan sa kaharian ng Dios (1 Cor. 15:1-11).

TANONG #3: MERON BANG BABALA LABAN SA PANGANGARAL NG IBANG GOSPEL?

Meron. Sabi sa Gal 1:8, “But even if we or an angel from heaven should preach a gospel?other than the one we preached to you, let him be eternally condemned!”

Kahit pa raw po anghel mula sa langit ang mangangaral ng ibang ebanghelyo (tawagin na?lang nating “ibang-helyo” for short) siya nawa ay sumpain ng Dios. Iyan ang sinabi ng?Apostol.

Ang diwa o konteksto ng kaniyang pahayag sa mga taga-Galatia ay ganito: may mga Judio kasing nangangaral sa kanila na kailangan daw sundin ang Batas ni Moses para ariing-ganap (Gal. 2:16; 3:11, 24; 5:4). Kaya ipinaliwanag sa kanila ni Pablo na si Kristo ay naging sumpa na nga para sila ay matubos (Gal 3:13) at nang sa gayon, ang mga pagpapala kay Abraham ay matamasa rin ng mga Hentil at upang kanilang matanggap ang pangakong Banal na Espiritu (Gal. 3:13-14). Sinabi pa nga ni Pablo na ang nakasalalay sa batas ni Moses ang nasa sumpa (Gal. 3:10) dahil sa kanilang ginagawa ay binabaliwala nila ang halaga ng mga pagtutubos ni Kristo, ang biyaya ng Dios (Gal 2:21).

TANONG #4: ANONG KINALAMAN NG SUMPA SA GALATIA 1:8 SA PROSPERITY GOSPEL?

Malaki ang kinalaman nila sa isa’t-isa. Dahil kung aaralin natin ang mga pinapangaral ng mga prosperity gospel preachers, sa Batas ni Moses nila kinuha ang mga tinuturo nila tungkol sa “seed”, “curse” at “blessings.” Lalong lalo na sa paborito nilang “proof text” sa Malachi 3:9-11 kung saan pinahayag ang buong bayan ng Israel ay nasa sumpa dahil sa hindi pagsunod sa batas ng Dios na ibinigay sa pamamagitan ni Moses hinggil sa ikapu.

TANONG #5: MERON KA BANG MAIBIBIGAY NG HALIMBAWA NG MGA PROSPERITY GOSPEL PREACHERS?

Sa kapanahunan ng Panginoon sila ay yung mga Fariseo. Sa Asia at Australia naman ay si Joseph Prince at Brian Houston. Sa Pilipinas ay sila Oriel Balano, Chinkee Tan, Mike Velarde, Renato Carillo, Arsenio Ferriol, Apollo Quiboloy, Eddie Villanueva at si Bo Sanchez. Sa mga Pinoy, si Apollo Quiboloy lang ang may sariling private jet at helicopter service.

pros_local

Di tulad sa Pilipinas, mas open sa Estados Unidos ang mga prosperity gospel preachers dahil madaling malaman doon ang kanilang networth tulad halimbawa nila Joel Osteen (40 US$M), Benny Hinn (40 US$M), Pat Robertson (30 US$M), Creflo Dollar (27 US$M), Kenneth Copeland (25 US$M), Joyce Meyer (25 US$M), TD Jakes (18 US$M) at Paula White (5 US$M). Ang sources natin ay mula sa TheRichest.com at CelebrityNetworth.com. Sila Benny Hinn at Joyce Meyer naman ang?alam kong may sariling private jets.

pros_imported

Makikita rin natin na ipinapamuhay nila ang kanilang pagiging marangya bilang patotoo sa kanilang ipinapangaral na prosperity gospel.

TANONG #6: GAANO KALAWAK ANG IMPLUENSYA NG PROSPERITY GOSPEL PREACHING SA PILIPINAS?

Malawak na malawak. Dahil ang mga binanggit nating personalidad ay kadalasan may programa sa telebisyon na pinanonood, pinakikinggan at ginagaya ng mga mangangaral sa Pilipinas. At dahil sa mga “undiscerning” na mangangaral, madaling makapang-akit ang tawag ng kayamanan. At dahil na rin pinagkakatiwalaan ang mga “prosperity preachers” na nabanggit sa akalang sila ay nangangaral talaga sa salita ng Dios, marami sa Pilipinas ang gumagaya sa kanila kahit hindi nila nauunawaan ang matinding implikasyon ng pangangaral ng ibang-helyo or “false gospel”.

TANONG #7: KUNG MALI ANG PROSPERITY GOSPEL PREACHING IBIG BANG SABIHIN MALI ANG MAGSIKAP PARA MAGING PROSPEROUS? MASAMA BANG MAGING PROSPEROUS MATERIALLY?

“Not necessarily.” Ngunit ang sabi ng Panginoon mas madali pa ang kamelyo na makapasok sa butas ng karayom kaysa sa mayayaman (Mat 19:24). Ipinangaral Niya na ang pagsikapan ay ang mga pagkaing mananatili sa walang hanggan (John 6:27) at ang mga kayamanang hindi masisira at maaring nakawin sapagkat hindi maaring paglingkurang pareho ang Dios at ang salapi (Mat. 6:19-24). Sa kabilang banda, sinabi ni Pablo na may ibang pinasasagana ang Dios upang sila ay makatulong sa kanilang mga kapatid na nanganga-ilangan (2 Cor 8:14). Sa 1 Tim. 6:17 naman, ang mga masagana sa iglesia ay pinapangaralang, “Command those who are rich in this present world not to be arrogant nor to put their hope in wealth, which is so uncertain, but to put their hope in God, who richly provides us with everything for our enjoyment.”

Pero hindi ito katulad ng mga prosperity gospel preachers na nagsasabing lahat ng mananampalataya sa pamamagitan ng “positive confession” ay pagyayamanin at hindi na magkakasakit. Dahil mababasa natin sa Heb. 11:33-34 na may mga nagtagumpay man dahil sa pananampalataya, mayroon ding dahil sa pananampalataya ay nagtiis, nagpakasakit at pinatay (Heb. 11:35-37). Sila ay naging mahirap (Heb. 11:38) at di nakatanggap ng ipinangako sa kanila sa buhay na ito (Heb. 11:39) ngunit may higit na nakalaang mabuting bagay ang Dios na magpapaging-ganap sa kanila kasama natin (Heb. 11:4). At ang isang mabuting modelo natin ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus na nagsabing Siya mismo ay walang sariling matulugan (Mat. 8:20; Lk. 9:58). Siya ay nagpakasakit hanggang kamatayan sa pagsunod sa utos ng Ama (Phil. 2:5-8).

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther