Tornado, Hurricane or Fairweather Waterspout?

May kumakalat na namang superstitious?video. Basahin itong tungkol sa video ng?kabayong itim na kamakailan lang ay nagpakalat-kalat din.

rabashika

Ayon sa video na ito ay na-published noon pang?Oct. 16, 2014, “hurricane” ang napatigil sa pananalangin sabi?owner ng video.

http://www.youtube.com/watch?v=eMM06CdPC4o

Isa pang video na-published din on the same date, ang claim naman ay “tornado” ang?napatigil sa pananalangin,

Mula naman sa ibang source natin sa FB,?ang video ito ay galing sa?kay Eddison Jaudian?sa “Assembly of God” church sa Manticao. Ang Manticao ay malapit sa dagat (makikita sa inset ng larawan).

Exaggerated ang claims ng mga ito. Una sa lahat, hindi sya hurricane at hindi rin siya tornado. Isa syang non-tornadic or fair-weather waterspout.

Sa video na ito na nakunan sa ibang?angle makikita natin na nagmula ang waterspout sa dagat malapit sa beach ng Manticao, ayon sa nag-publish noong?Sep., 26, 2014 ito ay nakunan sa “MSUN Campus” tinawag siyang “buhawi.”

http://www.youtube.com/watch?v=pdNsuZRPM3o

Pero dito sa isa pang video published on the same date, noong Sep. 26, 2014. Makikita kung paano sya nagsimula ma-buo.?Ito rin ang confirmation na isa talaga siyang fair-weather waterspout.

http://www.youtube.com/watch?v=5goWTRuebsU

Ang fair-weather waterspout ay non-tornadic, nabubuo ito sa tubig. Ngunit kapag nakarating sa lupa ito ay nanghihina at tuluyang namamatay, Ayon sa NOAA,

“fair weather waterspout develops on the surface of the water and works its way upward. By the time the funnel is visible, a fair weather waterspout is near maturity… waterspouts dissipate rapidly when they make landfall, and rarely penetrate far inland.”

Anong aral ba mapupulot natin?sa fair-weather waterspout na ito?

Of all people, tayong mga Kristiyano dapat ay hindi superstitious. Alamin muna natin ang facts bago tayo magkalat ng information. Dahil kung mali ang ipinamamalita natin, nagiging accessory or ahente lang tayo sa?kasinungalingan at pamahiin.?Lalo na kapag binibigyan natin ng credit ay si Lord. Wag tayong matulad sa iba na may zeal pero walang knowledge (Rom. 10:2).

Hindi naman natin sinasabing hindi kayang gawin ito ng Panginoon. Of course kaya Niya! Ang danger kasi nito maliban sa nagkakalat ka ng false information, nago-glorify yung mga taong nag-pray umano para mapatigil ang fair waterspout gayung kusa naman pala itong titigil kapag dumapo na sa?pampang. Hindi tayo dapat uto-uto sa pamahiin. Binigyan tayo ng sound-mind para makapag-discern ng katotohanan o kasinungalingan, sabi sa?2 Tim 1:7 (KJV),

“For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.”

Basahin din itong tungkol sa Biblical na Gift of Tongues.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther