Recently nag-conduct ako ng survey sa 3?Christian forums. Nagbigay ako ng 10 common excuses na naririnig ko sa tuwing may napupuna dahil sa maling pananaw o paniniwala at pinapili ko sila. Ganito ang naging resulta sa 168 na boto:
Samantala, narito naman ang ilan pang mga alibis na hindi nakapasok sa top ten:
“Postmodernism” na nga talaga ang?umiiral. Dahil?sa philosophical climate na ito, ang katotohanan para sa isang tao ay nagiging subjective na lamang. Mas pinaiiral at pinahahalagan na kasi ngayon ay ang pansariling damdamin kaysa sa katotohanan.
Kaya kapansin-pansin sa?pinaka-popular na excuse kapag pinupuna ay ang paghingi o pag-demand ng respeto dahil sa sariling?pananaw o paniniwala.
Anumang puna ay tinuturing nilang pambabastos o kaya, gaya ng sabi ng iba, ito raw ay kawalan ng good manners & right conduct.
Kapag ikaw ay nagpahayag ng iyong puna?sa?taong emotional, sa halip na siya ay?mag-reflect at kung tama naman ang puna ay mag-pasalamat sana sa nagbigay ng puna, sa halip na?magalit.Ngunit para sa isang mananampalatayang Kristiyano, ang katotohanan ay hindi subjective o relative lamang sa isipan ng isang tao. Ang katotohanan ay katotohanan paniwalaan man ito o hindi. Para sa isang mananampalatayang Kristiyano?ang pamantayan kung ano ang totoo at?hindi totoo ay nakasalalay sa Dios na ipinahayag Niya?sa kaniyang salita.
Recent Comments