Pastors Provide and Protect
Hindi lamang pagpapakain ang ginagampanang papel ng mga pastol sa?iglesia?(John 21:15), inatasan din sila na ingatan?ang kanilang mga pinapastol (John 21:16).
“When they had finished eating, Jesus said to Simon Peter, ‘Simon son of John, do you truly love me more than these?’ ‘Yes, Lord,’ he said, ‘you know that I love you.’ ?Jesus said, ‘Feed my lambs.’?Again Jesus said, ‘Simon son of John, do you truly love me?’ ?He answered, ‘Yes, Lord, you know that I love you.’ Jesus said, ‘Take care of my sheep.'”
Ingatan saan? Ingatan sa maraming bagay ngunit kasama rin ang pag-iingat sa kanila laban?sa?mababangis na lobo.Mababasa sa?Acts (Acts 20:28-32) ang mga tagubilin ni Paul sa mga elders sa?Efeso (Acts 20:17),
“Keep watch over yourselves and all the flock of which the Holy Spirit has made you overseers. Be shepherds of the church of God, which he bought with his own blood. I know that after I leave, savage wolves will come in among you and will not spare the flock. Even from your own number men will arise and distort the truth in order to draw away disciples after them. So be on your guard! Remember that for three years I never stopped warning each of you night and day with tears. Now I commit you to God and to the word of his grace, which can build you up and give you an inheritance among all those who are sanctified.”
Sa tagubiling ito ng Apostol, hindi lamang ang mga?sarili nila ang dapat nilang bantayan o ingatan kundi ang tupa ng Panginoon (Acts 20:28a).?Ipinabatid din sa pamamagitan ng tagubiling ito na?bilang mga pastol, ang pananagutan nila ay sa Dios:
- Una, dahil ang Dios, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ang nagtalaga sa kanila (Acts 20:28b).
- Pangalawa, dahil ang halaga ng mga tupa ng Panginoon ay ang sarili Niyang dugo na ipinambili sa kanila (Acts 20:28 cf. 1 Pet?1:19).
Dahil sa dalawang ito, malaki ang pananagutan nila sa Dios na ang kanilang kawan?ay mabantayan nilang mabuti.
Ngunit bakit maraming nagpapastol ang nagpapabaya sa tagubiling Ito? Narito ang apat?dahilan:
- Ang sabi ng ilan sa kanila,?“Ipangaral na lamang?natin ang?salita ng Dios.” Para bang sapat na na ang kanilang ipinapangaral?sa?mga tupa at napapakain nila ito. Ngunit mababasa natin sa Acts 20:27, ani Pablo, ay?ipinangaral niya ang BUONG KALOOBAN?ng Dios, hindi siya nagkulang sa kanila. Masasabi ba nating ipinapangaral ng mga pastol na ito ang buong kalooban ng Dios kung hindi nila binabalaan ang kanilang mga tupa laban sa mga maling paniniwala at masasamang gawa? Hindi ba’t?ibinilin din naman ng Panginoon na huwag na huwag silang padadaya (Mat. 24:4-24)? Hindi ba nabasa?rin natin na naging bahagi rin ito ng?tagubilin ni Apostol Pablo sa Acts 20:28-32?upang kanilang mabantayan?ang iglesia laban sa mga mapanilang?mga?lobo?
- Ang sabi naman?ng iba sa kanila, “Hindi kasi nakaka-edify (build up) sa Katawan.” Ngunit sinabi naman sa Acts ?20:32 na ang makakapagpatibay sa kanila ay ang “salita ng?biyaya” ?(word of his grace)?ng Panginoon. Hindi dapat magkulang na ipangaral ang buong kalooban ng Dios (Acts 20:27) dahil kasama sa salita ng biyaya ng Panginoon ang mga tagubilin at mga babala laban sa mga mababangis na lobo na maaring magpahamak sa mga tupa ng Panginoon, mga lobong mula sa loob at labas ng kawan.
- Ang sabi pa ng iba, “Hindi dapat naninira.”?Totoong masama ang manira ng kapwa. Sa Matandang Tipan ipinagbawal ito sa Israel?bilang?isa sa sampung utos na huwag magiging sinungaling na saksi laban sa?kapwa. Ganitong klaseng paninira ang?masama. Ang paghahayag ng katotohanan ay hindi paninirang-puri sa kapwa kundi pagtataas-puri sa Dios. Ang tanging nasisira ng paghahayag ng totoo o ng pagiging totoong saksi ay ang kasinungalingan. Sabi sa 2 Cor. 10:3 na ang sandata natin sa sanlibutang ito ay hindi makasalibutan kundi nakapaninira ng matibay?na espirituwal na mga kuta (“strongholds” 2 Cor. 10:4), gumigiba (demolish) sa “mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Dios” (2 Cor. 10:5). Sa madaling salita, hindi paninirang-puri sa kapwa?ang pagsasabi ng katotohanan. Ang nasisira sa paghahayag ng katotohanan?ay yaong mga kasinungalingang nagsisilbing hadlang sa tunay na pagkilala sa Dios.
- Ang sabi naman ng iba pa sa kanila, “Magmahalan na lamang tayo.” Totoong ang iniutos ng Panginoon na sila ay magmahalan nang makita?ng lahat na sila nga ay tunay Niyang mga alagad (John 13:35). Iniutos din ng Panginoon sa kanila na mahalin ang?mga umaaway at umuusig sa kanila (Mat. 5:44). Ngunit hindi naliligtas?ang hindi?umiibig sa katotohanan (2 Thes. 2:10). Hindi sila?inatasang?magmahal lamang sa gawa ng walang?katotohanan (1 John 3:18). Ang pag-ibig ng Dios ay?sumasa-atin hindi kasama ang kasinungalingan kundi ang katotohanan (2 John 1:3). Ang bilin ay?magbantay, hindi makiisa sa gawa ng dilim. Sa halip, sila ay dapat pa ngang ilantad (Eph. 5:11). Hindi rin sila dapat?patuluyin?sa kanilang mga gawain (2 John 1:10-11) dahil pakiki-isa ito sa kasamaan. Katotohanan ang dapat ipagdiwang at hindi ang kasamaan??(1 Cor. 5:2; 13:6).
Ang pastol na tunay na nagmamahal sa Panginoon ay umiibig sa iniibig ng Panginoon, ang Kaniyang kawan.?Hindi?lamang niya?pinapakain ang mga?tupa ng Panginoon (John 21:15) kundi?iniingatan din niya sila?(John 21:16) laban sa mga panganib sa loob at labas ng kawan.
About the Author
"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther
Recent Comments