Sa John 15:1-17 mababasa natin ang metaphor ng vine and the branches. Masasabi nating metaphor ito dahil indirectly ihinambing ni Lord ang sarili sa isang vine at ang Ama sa isang hardinero.
“I am the true vine, and my Father is the gardener.”
Ang aral na ito para sa mga alagad ni Jesus ay bahagi ng mga aral nung “huling hapunan” (John 13:1) wala na sa eksena si Judas (John 13:2, 30) at tapos na ring hugasan ni Jesus ang paa ng kaniyang mga alagad (John 13:3-17). Sa John 14:1-14 ay binilinan Niya silang magtiwala sa Dios at sa John 14:15-31 naman ay Kaniyang ipinangako ang Banal na Espiritu.
Ang “metaphor” ay isang “figure of speech” na ginagamit upang maipaghahambing ang likas na magkakaiba ngunit mayroong pagkakatulad. Sa John 15:1-17 ay itinulad ni Jesus ang sarili sa isang vine o puno ng ubas at ang Ama sa isang hardinero (John 15:1). Itinulad din Niya ang mga alagad sa mga sanga (John 15:5). Ginamit din ni Jesus ang salitang “True Vine.” Madalas gamitin ni Juan ang salitang “true” na mayroong spiritual significance. Makikita yan sa maraming bahagi ng Gospel of John:
Bilang tunay na ilaw, tinapay, puno ng ubas, pagkain, at inumin, hindi sinasabi ng Panginoon na Siya ay may bumbilya sa noo na nagliliwanag sa gabi o kaya ay pwede mo na Siyang kagatan kapag nagutom ka o kaya pitasan ng ubas para may panghimagas ka. Ang mga ito ay paghahambing lamang. Sa ganitong paraan itinutulad ng Panginoon ang kaniyang sarili sa mga bagay na alam natin na may katangiang katulad niya.
PANANATILI KAY JESUS
Itinulad ng Panginoon ang sarili sa puno ng ubas dahil tulad ng isang puno ng ubas, ito ang daluyan ng sustansyang patungo sa mga sanga. Kaya sa tamang panahon ang mga sanga ay namumunga ng wasto. Kapag naputol ang sanga sa ubas, ito ay nawawalan ng sustansya at natutuyo kaya pinupulot ito at sinusunog ng tagapangalaga ng ubasan.
Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, ipinapabatid ng Panginoon sa kaniyang mga alagad ang kahalagahan ng pananatili nila sa Kaniya (John 15:5) nang sa gayon ay makagawa sila ng mga bagay na ikalulugod ng Ama (John 15:8). Ang pamumunga nila ay magsisilbing patunay na sila ay tunay ngang mga alagad Niya (John 15:8). Magagawa nilang manatili kay Jesus sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kaniyang mga pangaral o utos (John 15:10). At ang kanilang pagsunod ay magpapatunay rin na sila ay mga kaibigan ni Jesus (John 15:14).
“If you obey my commands, you will remain in my love, just as I have obeyed my Father’s commands and remain in his love.”
“You are my friends if you do what I command.”
Ang utos na tinutukoy Niya rito ay ang sila ay mag-ibigan sa isa’t-isang katulad ng pag-ibig ni Jesus para sa Kanila (John 15:12; 17). Ang klase ng pag-ibig na ito ay masasabi nating “sacrificial love,” ang dakilang pag-ibig na hindi na mahihigitan (John 15:13), ang ipaglilingkod ang sarili o buong buhay para sa kaniyang mga kapatid tulad ng ipinakitang halimbawa (o demonstration) ng Panginoon sa kanila noong hinuhugasan Niya sila ng paa (John 13:5-17).
“I have set you an example that you should do as I have done for you.”
“My command is this: Love each other as I have loved you.”
“If you obey my commands, you will remain in my love, just as I have obeyed my Father’s commands and remain in his love.”
Sa isa pang aklat ni Juan inulit niya ang ipinangaral sa kaniya ni Jesus. Sabi ni Juan ang nananahan kay Jesus ay lumalakad sa nilakaran Niya (1 John 2:6). At iyon ay sa pamamagitan ng pagsunod sa utos Niyang mag-ibigan sila sa isa’t-isa (1 John 2:7; 3:11; 4:20-21). Ayon kay Juan ang pag-ibig na iyon ay naka-pattern sa pag-ibig ni Jesus sa kanila (1 John 3:16; 23; 4:7, 10). At ang pag-iibigang iyon ay hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa gawa at sa katotohanan (1 John 3:18). Sabi pa ni Juan na nagsisilbing patunay iyon na sila nga ay mga anak ng Dios kung sila ay nag-iibigang magkakapatid (1 John 4:7; 3:10).
BABALA at PANGAKO
Totoong lahat ang sinabing ito ng Panginoon, babala man o pangako. Ang babalang hindi mamunga kapag hindi sila mananatili (John 15:2, 4-6, 10). Ang pangakong mamumunga kapag nanatili; pupungusan pa nga sila ng Ama para lalo pang mamunga (John 15:2), ang kagalakang lubos (John 15:11), ang tugon sa kanilang mga kahilingan (John 15:7), at higit sa lahat, ang pangakong mamunga ng bungang mananatili (John 15:16) dahil sila ay hinirang at itinalaga.
Noon, marami tayong makakausap na mga taong naniniwala lang sa mga pangako ng Salita ng Dios pero binabaliwala naman ang mga ipinaguutos Niya at mga babala. Marami na rin tayong makakausap ngayon na naniniwala lamang sa mga babala ngunit hindi naman naniniwala sa mga pangako ng Salita ng Dios.
OSNAS at OSAS
Ang mga Once Saved Not Always Saved (OSNAS) ay naniniwala sa lubos na kagalakan sa pag-sunod sa utos ng Panginoon at sa tugon sa mga panalangin. Naniniwala rin sila na ang totoo ang babala sa John 15:2, 4-6, 10. Kaya nga lang hindi sila naniniwala sa mahalagang pangako ng Panginoon na mababasa sa John 15:16,
“You did not choose me, but I chose you and appointed you to go and bear fruit–fruit that will last. Then the Father will give you whatever you ask in my name.”
Para sa kanila, may mga dating alagad na naligtas pero kalaunan, dahil tumatalikod, sila ay nawawalan ng kaligtasan. Nakasalalay sa pananatili nila bilang alagad ang pananatili nila sa kaligtasan.
Tulad nila, ang Once Saved Always Saved (OSAS) ay naniniwala rin sa babala ng John 15:2, 4-6, 10. Ang kaibahan nga lang, ang mga dating alagad na tumalikod ay pawang mga alagad lamang sa salita pero hindi pa talaga tunay na naliligtas. Maaring nagpapahayag ng pananampalataya at kinakikitaan ng pag-sunod sa simula pero ang totoo ay hindi naman talaga sila mga tunay na mga alagad ng Panginoon. Mababasa natin sa John 6:25-71 kung paanong itinaboy ng Panginoon ang mga huwad na mga alagad (John 6:66). Kilala ni Jesus ang tunay na mga alagad, yung lamang ipinagkaloob sa Kaniya ng Ama (John 6:65). Maging isa rin sa mga pinili niyang upang maging Apostol ay alam rin Niyang sa Diablo naman talaga (John 6:7) at hindi pa talaga tunay na nalinis (John 13:11). Para sa Panginoon, ang tunay na alagad ay yung inilapit sa Kaniya ng Ama at ang mga inilapit sa Kaniya ng Ama ay garantisadong ibabangon Niya sa Wakas ng Panahon (John 6:44).
Di tulad ng OSNAS, ang OSAS ay naniniwalang tunay ang pangako ng Panginoon sa John 15:16 na kapag inilapit sa Kaniya ng Ama (John 6:44), Siya na pumili ang nagtalaga sa kanila upang mamunga ng bungang mananatili (John 15:16). Para kasi sa OSNAS, ang tao ang pumipili muna kaya pinipili sila ng Dios. Pero para sa OSNAS ang Ama ang naglalapit kay Jesus at si Jesus ang pumipili muna saka palang nakakasampalatayang totoo ang isang nagiging alagad. Isa pang pinaniniwalaan ng OSAS maliban sa pagpili ni Jesus ay ang katotohanan na ang itinatalaga ni Jesus na mamunga ng bungang mananatili ay hindi mababali (John 15:16).
Tungkol naman kay Judas, oo nga, siya piniling maging isa sa labing dalawa upang ganapin ang nasusulat (John 6:7; 13:11; 17:12). Pero hindi siya katulad ng mga itinalaga ni Jesus na mamunga ng bungang mananatili. Iba ang pagkakapili kay Judas. Ang pinili at itinalaga ni Jesus para mamunga ng bungang mananatili ay iniingatan din Niya kaya walang mapapahamak sa kanila (John 17:12; 18:9) wala ring makaka-agaw sa kanila (John 10:28-29). Isang halimbawa nito ay si Pedro na bagaman katulad ni Judas na nagkanulo kay Jesus, si Pedro na tumatwa kay Jesus ng tatlong ulit ay iningatan ni Jesus kay Satanas (Luke 22:31-32) samantalang si Judas ay pinasok ni Satanas (John 13:27). Si Judas ang halimbawa ng sangang nahiwalay habang si Pedro naman ang sanga na hindi nahiwalay dahil itinalaga siya para magka-bungang mananatili.
Ipinahayag ni Juan sa 1 John 2:19 ang tunay na kalagayan ng mga tumatalikod o humihiwalay kay Jesus. Para kay Juan ang mga tumatalikod o humihiwalay kay Jesus ay hindi naman talaga tunay na napabilang. Para sa kaniya ang tunay na kabilang ay nananatili. Ngunit sa mga umaalis, nahahayag lamang na sila ay hindi talaga kabilang.
BUOD
Totoong lahat ng mga babala ng Panginoong Jesus: Ang mga humihiwalay sa Kaniya ay hindi mamumunga. Ngunit totoo rin ang kaniyang mga pangako: Ang mga mananatili sa Kaniya ay garantisadong mamumunga. Higit sa lahat, totoo rin ang Kaniyang sinabi na ang mga pinili at itinalaga Niya ay garandisado ang bungang mananatili. Sa madaling salita, hindi sila hihiwalay sa Kaniya.
Recent Comments