“A time to tear down and a time to build,” Eccl. 3:3b.
Para makapag-tayo ng tamang pundasyon dapat talagang gibain muna ang maling pundasyon.
Masakit malaman ang katotohanan, yan ang una mong natutunan nung nakilala mo ang tunay na Kristo, na ang kinagisnan mong paniniwala ay nalilihis pala sa sa tunay na Ebanghelio (Gal. 1:8) pero anong ginawa mo? Inakap mo si Kristo at tinalikdan ang maling nakagisnan.
Ngayon, nalalaman mo na marami ka pa palang dapat malaman, marami palang naituro sa iyo na hindi batay sa katotohanan. Iiyak ka na naman, ayaw mo na atang matuto. Inaaway mo pa ang nagsasabi sa iyo (Gal. 4:6). Inaakusahan mong naninira sila lang sila. Ano bang sinabi sa 2 Cor. 10:5?–
“Aming ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo.”
Kung ganun din lang pala ang gusto bakit di ka na lang bumalik sa dati mong simbahan, yung simbahan o paniniwala mo bago mo nakilala si Kristo?
Pero hindi eh, pinili tayo ng Dios sa una palang upang maligtas sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan (2 Thes. 2:13) upang makilala natin ng lubos ang tunay na Dios at?ang Kristo (John 17:3) sa pamamagitan ng tunay na Ebanghelio.
Wala nang mas mahalaga pa kundi ang makilala natin ang tunay na Siya upang lumago (Eph. 4:13) at upang sambahin ang Dios sa Espiritu at KATOTOHANAN. (John 4:23-24).
Ang nasa tunay na nasa Espiritu Hindi nawiwili sa kasinungalingan (1 Cor. 13:6) kundi umiibig sa katotohanan (2 Thess. 2:10). Kaya sana tumahan ka na. Punasan mo na ang luha mo. Alam mo namang alam ng Dios ang makakabuti para sa iyo. Kahit nga ang medisina ay mapait pero pinapa-inom pa rin ng mga doktor. Pag-isipan mong mabuti ang mga pangaral sa iyo, hindi lang ang galit sa puso ang pairalin mo kundi ang matinong?pag-iisip (2Tim. 1:7). Suriin ang bawat espiritu sabi sa 1 Jn. 4:1, subukin ang lahat ng bagay at panghawakan lamang ang mabuti sabi naman 1 Thes. 5:21. Saliksikin sa kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na sinabi sa iyo (Acts 17:11) saka ipamuhay ito (Luke 6:49).
Recent Comments