Sumpa ng Ikapu: Doble Kara

Ang paghahalo ng tama at mali ay tulad ng paghahalo ng pampa-alsa sa harina, sabi sa Gal. 5:9, “A little yeast works through the whole batch of dough.”

yeast.pngHaluan mo ng kakaunting kamalian ang katotohanan makakabuo ka ng hidwang katuruan. Ganyan ang babala ni Pablo sa mga taga-Galacia dahil hinihikayat sila noon na magpaka-Judio.

Ganyan din ang isa sa manipulative tactics ng mga proponents ng prosperity preachers para obligahin ang mga tao na mag-ikapu sa kanila. Si Abraham umano ay kusang-loob na nag-iikapu kay Melchizedek bago pa ibinigay ang utos sa pamamagitan ni Moses.

Kung gayon naman pala, bakit nila ginagawang obligasyon ang ikapu kung si Abraham ay nagbigay ng kusang-loob? Hindi ba pagiging doble-kara ang ganyang pamamaraan? Oobligahin mo ang mga tao samantalang ang ginagamit mong basihan ay kusa namang nagbigay?

Maliban sa hindi inobliga ninuman si Abraham na mag-bigay ng ika-sampung bahagi sa Gen. 14:20-24, ang kaniyang ibinigay ayon sa Heb. 7:2-4, ay “tenth of plunder” o “spoils of war.” Hindi naman niya talaga pag-aari ang mga ito kundi mga nasamsam niya sa pagkikipag-laban.

Ang kusang pinag-bigyan ni Abraham ng ikasampung bahagi ng samsam sa labanan ay si Melchizedek samantalang ang ikapu naman para sa angkan ni Levi ay obligatory dahil ito ay ipinag-utos sa batas ni Moses.

Kung idadahilan din lang nila si Abraham, hindi nila dapat gawing obligatory ang ikapu dahil maliban sa hindi naman sariling pag-aari ni Abraham ang kaniyang pinagkunan ng ikapu, yan lang ang una at huling pagkakataon na nabasa nating nag-ikapu si Abraham kahit pa pinag-yaman siya ng Dios bago at pagkatapos nyang makipag-digma (Gen. 12:16; 20:14; 35).

Dapat nga magpasalamat pa sila sa halip na ipangaral ang Mal. 3:10-11 dahil siguradong hindi rin naman sila papayag na “mabalatuhan” lang sila sa tuwing mananalo kayo sa anumang labanan.

Si Abraham ay nagbigay ng kusa, ang mga Kristiano ay malaya ring magbigay ng may kasiyahan mula sa sarili nilang pasiya. Tinukoy ito ng?apostol na “this grace of giving” sa 2 Cor. 8:7.

Basahin ang Sumpa ng Ikapu Series: Part 1 Part 2Part 3 Part 4Part 5 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther