Paano Ba Yung ‘Slain in the Spirit’?

Ang “slain in the Spirit” ay isang pentecostal o charismatic practice kung saan pagkatapos?ng pangangaral,?ang isang preacher ay nananawagan sa kongregasyon ng sinumang gustong?lumapit?sa harapan ng pulpito (altar call) at?isa-isa niya silang papatungan?ng kamay at ipapanalangin. Sa?likuran ng mga nilalapitan ng preacher ay ang?kaniyang mga?assistants na handang?sumalo?sa?sinomang matutumba?o hihimatayin ng patalikod.

slain

Ang practice na ito ay bago lamang. Wala tayong mababasang katulad nito sa unang apat na Siglo. Ngunit ayon sa kasaysayan nagsimula ito sa mga Revivalist movements noon lamang?18th Century sa America at Europa at nagpapatuloy ngayon sa pamamagitan ng mga Televangelists.

Sa kabilang banda, umani rin ito ng batikos sa?ibang mananampalataya na nagsasabing demonic umano ang ganitong practice dahil pinanghihina nito ang tuhod ng isang tao para matumba o kaya biglang winawalan siya ng?ulirat at inilalagay sa?panganib na pagkakabagok.

Ayon sa Dictionary.com, ang salitang “slain” ay past participle of “slay” na ang ibig sabihin ay “to kill; to strike.”?Sa Acts 5:1-6 ay mababasa natin na may ini-slay ang Holy Spirit dahil sa salang pagsisinungaling: si Ananias?at?ang asawa niyang si Sapphira (Acts 5:7-11). Ito ang pinakamalapit na example sa Bible ng slain ng Holy Spirit sa harapan?ng isang preacher gaya ni Pedro.

Then Peter said, “Ananias, how is it that Satan has so filled your heart that you have lied to the Holy Spirit …?What made you think of doing such a thing? You have not lied to men but to God.” ?When Ananias heard this, he fell down and died. And great fear seized all who heard what had happened.

May ibang mga natutumba sa Biblia gaya ng mababasa natin sa?Mat. 28:2-4 ngunit ito naman ay sanhi ng lindol at pagkatakot. Sa John 18:3-6 naman ang mababasa natin ay ang pagkatumba ng mga darakip kay Jesus nang Siya ay magpakilala sa kanila. Habang?sa Acts 26:13-14 naman natumba si Pablo dahil sa pagkasilaw sa liwanag o kaningningan ni Jesus.

May iba?pang talata ngunit pagpapatirapa naman ang kahulugan tulad ng sa Mat.?17:5-7; Gen. 19:1; Ruth 2:10; 1 Sam. 20:41, at marami pang iba. Ngunit wala sa mga ito ang?katulad ng ginagawa ng mga Televangelists ngayon na kung tawagin nilang “slain in the Spirit.” Ang pinaka-malapit talaga na mababasa natin sa Bibliya “slain by the Holy Spirit for lying.”

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther