Sadhu, Ang Propeta ng Tsamba

Noong February 24 ay nag-ulat ang ABS-CBN BANDILA na may header na ?MISTERYOSONG SAKIT NA TILA KUMAKAIN UMANO SA BALAT NG TAO, UNTI-UNTING KUMAKALAT SA LALAWIGAN? at hash tag na #MisteryosongSakisaBandila.

Mabilis na kumalat ang balita sa social media at iniugnay ng nagbabalita sa propesiya umano ni Vincent Selvakumar ayon sa interpretasyon ni Sadhu Sundar Selvaraj noong April 24, 2013. Sabi ng News Anchor?na ito,

http://youtu.be/FXuedEHf6Po

?Isang misteryosong sakit ang kumakalat ngayon sa Pangasinan, isang sakit na tila kumakain umano ng balat at laman ng tao??

Ang Special Report ni Ms. Jasmine Romero ay una muna Santa Barbara,

?Sa kabila ng tahimik na mukha ng Pangasinan, walang kamalay-malay ang marami sa misteryosong sakit na kumakalat sa ilang bayan dito sakit na kumakain umano sa katawan ng tao at nakakapagpabago sa kanilang dating anyo. Nilakbay naming ang bayan ng Santa Barbara kung saan naninirahan ang 21 anyos na si Claire. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Wala nang paglagyan ang patong-patong na sugat sa kaniyang katawan. Mula sa kaniyang braso, kamay, katawan hanggang sa kaniyang mukha namamanas ang ilang bahagi ng kaniyang katawan hindi na rin halos makilala ang kaniyang mukha dahil tila kinain na ng mga sugat ang kaniyang kagandahan? Dinala na sa magagaling na doctor si Claire: sa Pangasinan, Baguio, at kahit sa Maynila. Samot-saring gamot ngunit pabago-bago raw ang diagnosis ng duktor mula ketong, skin-allergy, kalaunan ay hindi na raw maipaliwanag??

Sinundan ito ng pag-uulat nya mula sa Villasis,

?Mula sa Villasis naman, nakilala naming ang binatilyong si Joseph, apat na buwan pa lamang ang kaniyang sugat ngunit sa bilis ng pagkalat nito sa kaniyang katawan, hirap na syang makatayo? Ngayon pati ang kaniyang ulo, kinakaliskis na at unti-unti na ring dumadapo ang kaniyang sugat sa kaniyang makinis na mukha. Ang kaniyang mga kuko, unti-unti na ring nalalaglag?? ayon sa nanay ni Joseph, paiba-iba raw ang diagnosis ng mga duktor?? dahil sa kawalan ng pera iniuwi na lamang si Joseph? aminado ang health office wala pa silang alam kung ano ang sakit ni Joseph, duda lamang sila na hindi ito munting lupos o psoriasis.?

Ngunit sa kaniyang panayam sa OIC ng Municipal Health Office ng Villasis wala namang sinabing hindi ito lupus o psoriasis, sa halip ang sabi lamang ni Dr. Gloria Araos- Liberato,

?Parang nanghihina tapos ang mga vesicular rashes nya paarng tumataas, dumarami from the lower extremities up to the, sa ulo, kaya kailangan sigurong ipa-work-up natin, para matulungan natin yung pasyente.?

Matapos mag-ulat si Ms. Romero, sinabi ng News Anchor na si Julius Babao,

?Ano nga ba ang sakit na ito, at may kaugnayan nga ba ito sa isang propesiya. Ano nga ba ang masasabi ng mga duktor dito at maging ang simbahang Katolika, abangan bukas ang part 2 ng special report ni Jasmine Romero. Dito lamang sa Bandila.?

Hindi na natin napanood ang Part 2 ng Special Report ni Jasmine Romero dahil dagilang umaksyon ang Lalawigan ng Pangasinan at humingi ng Public Apology dahil sa paglabag umano ng ABS-CBN sa sarili nitong CODE OF ETHICS.

Kinaumagahan ng February 25, ang Governor ng Pangasinan na si Hon. Amado Espino, Jr ay inutusan ang Provincial Health Officer na si Anna Teresa De Guzman ng mabilisang imbestigasyon tungkol sa ulat ng ABS-CBN BANDILA (https://www.facebook.com/pangasinan.gov.ph/posts/827471300612269). Kaya inilabas ng Official Page ng Province of Pangasinan ang ulat ni Dr. De Guzman,

?Patients are now admitted at the Pangasinan Provincial Hospital to undergo further treatment and medical diagnosis. She further added that both cases are controllable and there is no truth to the rumor that the so called ?flesh-eating? illness is fast spreading in the province.?

Sa Press Conference nung hapong yun ay pinabulaanan ni Dr. De Guzman ang ulat ng ABS-CBN BANDILA (http://www.pangasinan.gov.ph/2014/02/mysterious-skin-disease-in-pangasinan-not-true-pho-chief/),

?It is unfounded, not true, and baseless. There is no such thing as a mysterious skin disease nor a flesh-eating bacteria spreading in Pangasinan.?

Naglathala rin ng ulat ang Department of Health (DOH) patungkol dito at sinabi,

The Department of Health today belied rumors about a ?flesh-eating? skin disease, following reports of two alleged suspected cases in Pangasinan.

?There is no reported case of ?flesh-eating? skin disease in the country yet. Absolutely no reason for the public to panic,? Health Secretary Enrique Ona clarified, as he allayed fears that may have been caused by the reports.

Health officials reported that ?Case (1)? refers to a woman, 21 years old, from Sta. Barbara, Pangasinan, who is on multi-drug therapy for leprosy at a regional health unit. Dr. Myrna Cabotaje, Regional Director (Region I), added that the said patient, who was initially treated in another private health facility, has now completed the treatment but may still need debridement for her skin lesions. The patient is now being assessed on current drug reaction and for work-up for tuberculosis.

The provincial health officer also checked on the second case?reported, ?Case (2),? from Villasis, Pangasinan. Clinical examination confirmed that the patient has a case of severe psoriasis, a chronic skin disease characterized by red patches covered with white scales.

?There are a lot of diseases that may manifest through changes in the skin. It is good to consult our doctors or go to the nearest barangay health unit when we need medical advice and treatment. Let us avail of the free healthcare service in our health facilities,? the Health Chief reminded the public.

Kinabukasan naman ay humingi ang LALAWIGAN NG PANGASINAN hindi lamang ng PUBLIC APOLOGY mula sa BANDILA for violating their own ABS-CBN?s Standards Ethics Manual,

?The story was in violation of ABS-CBN?s own ?Standards Ethics Manual? Responsibilities to the Public Sections, which declare that the news must ?(i) avoid needless pain and offense (iv) Avoid sensationalism and hype ; (v) Seek clear, unambiguous accounts of facts; and, (vi) Be on alert for spin and other forms of media manipulation.?

The Province also asked ABS-CBN to ?correct the damages caused by false mysterious disease story? (http://policeheadlines.blogspot.com/2014/02/apology-of-abs-cbn-not-enough-gov-espino.html)

Sa ulat na ito ng GMA NEWS NETWORK ?24 ORAS? mapapanood na ang mga health officials at ang reporter ng GMA NEWS ay hindi nakasuot ng anomang personal protective equipment or PPE. Ang panayam na ito kay Dr. Ana De Guzman ay di katulad ng pagbisita nila Jasmine Romero at Dr. Gloria Araos- Liberato na nakasuot pa noon ng PPE. Sabi ni Dr. De Guzman, ayon sa ulat ni Kara David,

?Hindi raw nakakatulong ang ganitong pagkakalat ng maling impormasyon. Unang una, hindi raw dapat pandirihan ang dalawa dahil ang sakit ng dalaga at ng binata ay hindi raw nakakahawa. Wala ring dahilan para tawagin itong misteryosong sakit, lalo pat may paliwanag naman dito ang siyensiya.?

ANO NGA BA ANG SAKIT NA ITO, AT MAY KAUGNAYAN NGA BA ITO SA ISANG PROPESIYA?

Yan naman ang sinabi ni Julius Babao ng ABS-CBN BANDILA noong February 24, 2014. Matapos mag-ulat si Jasmine Romero at nangakong sasagutin ang tanong sa Part 2 sana ng Special report sa February 25 ngunit tila hindi na ito ipinalabas. Ano ?bang propesiya ang tinutukoy ni Mr. Babao?

Ang propesiyang tinutukoy niya ay yung ipinahayag ni Vincent Selvakumar na isinalin ni Sundar Selvaraj noong ika-24th National Prayer Gathering sa sa Cuneta Astrodome (April 9-12, 2013) narito ang kanilang sinabi,

?And Pangasinan in the North will be affected with a terrible disease. And when the disease comes, it affects them, it will touch the skin, the flesh, and the bones. It will affect them. Now you may wonder what is so great about all this sickness and disease because they are also happening everywhere all the time. I would like to humbly if not sadly tell you that there is one big difference. God is going to pour out his anointing in seven cities of this nation like never done before anywhere else in the world.?

Ngunit ang nakakaligtaan ng marami ay ang iba pa niyang mga sinabi, tulad ng paglaganap ng salot sa CEBU at sa BOHOL bago ito kumalat sa buong mundo,

?the punishment will be the first of its kind so the plagues that will strike Pangasinan will be nothing that the world? has ever seen. The skin, the flesh, the bones will be corrupted and melt and will rot away. Next, Cebu, another peculiar disease, a plague will arise from Cebu and spread all over the world and Bohol. From Bohol, another plague, another disease will arise and spread all over the land and all over the world.”

Maliban pa sa salot, una na niyang ipinahayag ang pinasala sa malakas na hangin. At pagkatapos ng salot ay pinsala sa matinding pagbaha,

So the first is destruction through winds, the second is destruction through diseases and the third is destruction through floods? these are the things we need to fear, we need to fear God.?

NATUTUPAD NGA BA ANG KANILANG MGA PROPESIYA?

Lingid sa kaalaman ng marami, may mga ipinahayag pa sila na hindi naman natupad. Tulad ng mga kababalaghang maararanasan sana ng iglesia sa Pilipinas noong October 2011?at mga detalye ng propesiya na kadalasan inaangkin na natupad sa pamamagitan ng bagyong si Yolanda na pinag-aralan ni Dr. Doy Castillo ang propesiya nila Selvakumar at Selvaraj, sa kaniyang PASTORAL GUIDANCE para sa kanilang iglesia, at ito ay nailathala sa? NABUENYO noon pang Novermber 23, 2013 na nailathala sa 7 bahagi.

10565738_875474445820357_1854354145_nDoon ay nagbigay si Dr. Castillo ng mga sumusunod na paraan ng pagsusuri:

  1. Technical precision
  2. Geographic precision
  3. Date precision
  4. Accuracy of the message

Sa kaniyang pagsusuri, sinabi ni Dr. Castillo,

Without making a judgment as to whether the prophets are genuine or false, we have noted?that the prophetic messages have shown a consistent pattern of inaccuracy typical of prophecies labelled as presumptive. Two inaccuracies, among others, stand out: geographic and inconsistency between prediction and actual event. These are very serious errors and are enough to negate any positive statement the messages may have.

Para kay Dr. Castillo dahil sa inaccuracy ng mga sinuring pahayag at hinambing sa aktuwal na kaganapan hindi ito maituturing na DIVINE PROPHECY (o pahayag na mula sa Diyos) kundi tinatawag na PROPHECIES OF PROBABILITY, ipinaliwanag nya ang kahulugan nito,

When something is probable, there is no sufficient proof that it cannot happen. An Improbable statement means it is unlikely to be true or to occur. When something is probable, it can happen or it may not happen; either way there is no proof.

Prophecies of Probabilities are not true prophecies but are only statements of guesses made by people. These can be refused without fear and discarded as a product of man?s confusion not of God?s revelation of facts.

Di tulad ng prophecies of probability ang divine prophecies or mga pahayag/propesiya na talagang nagmumula sa Diyos ay masasabi nating 100% accurate tulad na lang ng ipinahayag sa 1 Samuel 3:19,

?And Samuel grew, and the LORD was with him and let NONE OF HIS WORDS fall to the ground.?

Sa madaling salita, si Sadhu Sundar Selvaraj at ang kasamahan niyang si Vincent Selvakumar?ay mga?propeta ng tsamba.

BABALA NG PANGINOON AT MGA APOSTOL PARA SA ATING MGA KAPATID

Bago inakyat sa langit ang Panginoong Jesus, nagbigay sya ng mahigpit na tagubilin sa kaniyang mga alagad na huwag silang magpapadaya Kaniyang winika,

?See that no one leads you astray? And many false prophets will arise and lead many astray,? Matthew 24:4,11 (ESV).

Gayun din si Pedro ay nagbigay ng palaala sa katiyakan ng pagkakaroon ng mga mandaraya,

?But false prophets also arose among the people, just as there will be false teachers among you, who will secretly bring in destructive heresies, even denying the Master who bought them, bringing upon themselves swift destruction,? 2 Peter 2:1 (ESV).

Maging ang apostol Pablo sa kaniyang pamama-alam ay binigyan ng tagubilin ang mga kapastoran na ingatan ang kanilang pinapastolang tinubos ng Diyos sa pamamagitan ng dugo,

?Pay careful attention to yourselves and to all the flock, in which the Holy Spirit has made you overseers, to care for the church of God, which he obtained with his own blood. I know that after my departure fierce wolves will come in among you, not sparing the flock; and from among your own selves will arise men speaking twisted things, to draw away the disciples after them,? Acts 20:28-30 (ESV)

Sa kabilang banda hindi ito nangangahulugang dapat na hamakin ang paghahayag sa halip ay maging mas lalong mapanuri,

?Do not despise prophecies, but test everything; hold fast what is good,? 1 Thessalonians 5:20-21 (ESV).

Sapagkat ang iglesia ay hindi napapailalim sa kapahayagang extra-biblical bagkus ang mga pahayag na extra-biblical ay napapailalim sa paghahatol ng bawat-isa sa iglesia,

?Let two or three prophets speak, and let the others judge,? 1 Corinthians 14:29? (NKV).

Kaya mabuting maging higit na mapanuri at maingat kaysa sa agad-agad na pagsisiwalat ng mga bali-balita tungkol sa mga propesiya sa mga panahong ito hindi lang upang mapanatiling ang kredibilidad ng kapastoran kundi alang-alang sa mga tagubilin ng Panginoon sampu ng kaniyang mga apostol.

Para sa inyong babala, paala-ala, kapakinabangan at kaalaman.

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther