Uso na naman ang usapin sa “rapture” dahil sa pelikulang “Left Behind” na ginanapan ni Nicholas Cage. Maraming nahuhumaling sa katuruang ito pero marami ring nasusuya?dahil hindi raw ito Biblical tulad ng mga naniniwala sa Amillennialism. Biblical nga ba ang rapture? Kung Biblical ang rapture, ano ang dapat gawing paghahanda?
Sa librong “A Case For Amillennialism” na sinulat ng isang Amillennialist na si Kim Riddlebarger, ang rapture umano ay ang pagta-transport ng mga mananampalataya sa lupa patungo sa langit sa pagbabalik ni Kristo,
“The rapture conveys the idea of the transporting of believers from earth to heaven at Christ?s second coming.”
Maging si RC Sproul, sa aklat na “Essential Truths of the Christian Faith” ay kanyang sinabing sa muling pagdating ni Kristo, ang iglesia ay ?makakaranas ng rapture, kukunin ang iglesia papuntang langit upang katagpuin ang Kristo sa?Kaniyang pagdating,
“At the coming of Christ, the church will experience a rapture–being taken up in the air to meet Christ as He comes.”
Kung gayon pala bakit maraming nagsasabing wala raw rapture sa Biblia? Unang sumagi sa isipan ko ay dahil sa kakulangan nila ng kaalaman. Pangalawa ay dahil marahil ang nakasulat sa English Bible ay “caught up” (NIV, NASB, KJV, ESV, etc) sa halip na rapture, sabi?sa 1 Thes. 4:17,
“After that, we who are still alive and are left will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord forever.”
Ngunit ipinaliwanag ng Amillennialist na si Riddlebarger?kung bakit rapture ang tawag batay?sa sinabi?Hoekema sa aklat na “The Bible and the Future,”
Though the word ?rapture? does not occur in our English translations of the Bible, it is derived from the [Latin] Vulgate rendering of the verb ?caught up? (harpagesometha) in 1 Thessalonians 4:17, rapiemur.?
Lumalabas na ang mga nagsasabing unbiblical ito ay hindi talaga nauunawaan ang tunay na isyu. Ano nga ba talaga ang isyu sa usaping rapture?
Una, Biblical ang rapture. Ang etymology o ang pinagmulan ng salitang?ito ay Latin na ang kasing-kahulugan sa Griego ay may salitang ugat na “harpazo.” Kaya hindi na dapat pinaglalabanan kung nasa Biblia o wala ang?konsepto nito.?Hindi rin dapat hinahanap ang salitang “rapture” sa English Bible?sapagkat ang katumbas ng salitang ito ay “caught up” sa English at sa mga Tagalog na Biblia naman ay “aagawin.”
Pangalawa, ang?dapat pag-usapan ay kung?kailan ito magaganap. Hindi sa kung anong petsa, dahil sinabi ng Panginoon na walang makaka-alam kung kailan Siya muling babalik (Mat 24:36; Mark 13:32; 1 Thes. 5:2; 2 Pet. 3:10), kundi kung mauuna ba ito bago makita ng lahat si Kristo o kasabay nitong magaganap ang “Parousia” o yung tinatawag na Revelation o Appearance ng Panginoon mula sa langit. Ang tinututulan?ni Riddlebarger ay yung tinatawag na “secret rapture,”
“Those who believe this sudden, secret event takes place seven years before Christ?s bodily return to earth hold to a premillennial, pretribulational view of the rapture. This is the position taken by dispensationalists”
Kasi para?sa kaniya na isang “Reformed Amillennialist,” magaganap ang rapture kasabay ng pagpapakita ng Panginoon sa langit,
“Those who place this event at the visible return of Christ to the earth hold to a postribulational view of the rapture. Historic premillennialism, amillennialism, and postmillennialism are all committed to this view. Christ returns at the end of the tribulation period, which is understood to be?the entire church age (amillennialism) or the time of great apostasy that occurs immediately before the return of Christ, marking the end of the millennial age on the earth (postmillennialism).”
Hindi rin tinututulan ni?Sproul ang pagiging Biblical ng rapture.?Tulad ni Riddlebarger, ang tinututulan?din ni?Sproul ay ang secret rapture, o yung tinatawag na Premillennial Pretribulational Rapture ng mga Dispensationalists.
Naniniwala kasi ang mga Reformed Amillennialist na kasalukyang nagaganap na ang tinukoy na 1000 year reign ni Christ na binanggit sa Rev. 20. Para kay Riddlebarger, ang rapture ay isa lang sa aspeto ng muling pagkabuhay sa wakas ng panahon. Para sa mga nabubuhay pang mananampalataya ang rapture upang makasama nila ang mga namatay na nananalig kay Kristo,
“The rapture, therefore, refers to the catching away of believers who are living at the time of Christ?s bodily return to earth. When they are caught away in the resurrection, they join those who have died in Christ.”
Ngunit hindi lahat ng Kristiano ay naniniwala tulad ng pinaniniwalaan ng mga Reformed Amillennialists.
Nang isulat?ni Juan ang Apocalypsis, na mas kilala sa aklat na Revelation (“Pahayag” naman sa Tagalog), unang magaganap ang pagbabalik ni Kristo (Rev. 19:11-16) bago sya maghari dito sa lupa ?(Rev. 20:1-6). Kaya hindi kataka-taka na ang mga unang nakabasa ng sinulat na Pahayag ni Juan ay hindi mga Amillennialists kundi mga Premillennialists.
Naniniwala ang mga sinaunang Kristiano bilang Premillennialists na talagang babalik si Kristo upang maghari dito lupa.
Itinala naman ni Roy B. Zuck sa kaniyang aklat na “Basic Bible Interpretation” ang mga sumusunod na mga?sinaunang mananampatayang Premillennialists:
Mas kilala sila ngayon bilang “Historic?Premillennialists.” Nabago na lang ang “trend” nang?simulang nauso ang pag-a-allegorize sa pagbasa ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan nila?Origen at Clement of Alexandria, pero si Augustine talaga ang sinasabing may pakana?ng Amillennialism sa sinulat nitong “City of God.”
Ganun pa man, Premillennialism or Amillennialism man ang tama, dapat manatiling handa ang lahat ng mananapalataya. Walang nakaka-alam kung kailan ang petsa nito kaya bilang paghahanda, hindi dapat basta-basta magpapaniwala sa mga bulaan na nagsasabing alam nila kung kailan?darating si Kristo, o kung alam nila na dumating na si Kristo, o kung?nagpapakita lagi sa kanila si Kristo, o kung panhik-panaog man sila sa langit upang makipagkita kay Kristo. Tagubilin?ng Panginoon,
“Watch out that no one deceives you. For many will come in my name, claiming, ‘I am the Christ,’ and will deceive many…?At that time many will turn away from the faith and will betray and hate each other,?and many false prophets will appear and deceive many people.” (Mat. 24:6, 10-11)
Recent Comments