Pattern of Compromises

1381191_1491669687782355_6160408277576801241_nSynopsis:?Pinapatunayan dito na mula pa 1998 ang ipinapakilalang “genuine prophet to the nation” ay nagko-compromise na dahil sa pulitika:

  • 1998 – JDV or Jesus declaration of Victory para kay Jose De Venecia.
  • 2004 – “I am a real Catholic” sa Biodata interview.
  • 2010 – Compromising speech kay Quiboloy at Manalo.
  • 2013 – ang pagkakbo sa Senado; contradicting his earlier commitment to only run for Presidency.

The Genuine?Prophet to the Nation

Malaki ang pananagutan ng isang ipinapakilalang “man of apostolicity” at “genuine prophet to the nation” na binigyan ng mandate “to speak the heart and mind of God.” Mababasa ang claim na yan sa website ng JIL Church Worldwide, last accessed Nov. 1, 2014,

Bro. Eddie?s prophetic mandate, that of speaking the heart and mind of God to the nation, was confirmed in November 1986 through a powerful word of prophecy given by Dr. Ralph Mahoney, founder of World MAP, and a world-respected Christian leader-statesman.? Through the years that prophetic word has been reaffirmed by other distinguished global Christian leaders such as Dr. Bill Hamon, Dr. Cindy Jacobs, Dr. Peter Wagner, to mention some.

Ayon mismo kay Bro Eddie, sa?kanilang website, ang propeta ay mouth piece ni God na may malaking gampanin sa wakas ng panahon,

To be commissioned to be a representative is to be deputized to be the oral ambassador, the visual model, and the actual portrait of a person, entity or organization. And this is precisely what a prophet is called to be: God?s representative. As such, a prophet inevitably plays a critical role in the Last Days. The specific and highly essential role of prophets in the Church of Jesus Christ has been handed to us through Apostle Paul in Ephesians 4:11-13.

Kaya naman para sa nagpapakilala bilang isang “bigatin” sa pananampalataya hindi dapat basta-basta ang mga binibitiwang pananalita. Ngunit sa loob ng mahabang panahon naobservahan natin ang “pattern of compromise” ng tinaguriang “geniune prophet to the nation” lalo na sa larangan ng pamumulitika.

Jesus Declaration of Victory (1998)

Noong 1998 sa kasagsagan ng pangangampaya sa pagkapangulo laban kay Erap Estrada, inindorso ni Bro Eddie as?God’s anointed successor ni President Fidel V. Ramos si Jose De Venecia. Ginamit pa nga ni Bro Eddie ang initials na JDV para maiugnay ang pangalan ni Jesus sa manok o sa kaniyang ikinakampanyang?kandidato. Pinamagatan nila ang event na iyo ng “Jesus Declaration of Victory” na akin mismong nasaksihan sa telebisyon. Narito naman ang sinabi ng ABS-CBN,

The JIL, he says, has always been supportive of whomever Ramos endorses. Case in point is former House Speaker Jose de Venecia Jr. whom the JIL even ?anointed? in 1998 as the next president.

Isa pang nagpapakilalang apostol na si Wilde Almeda ang nagbigay ng endorsement kay De Venecia noong May 4 2000 ganito ang sinabi ng isang opinion sa Philippine Daily Inquirer,

1459321_212429438939669_763204752_n

Para sa pinapakilalang genuine?prophet to the nation, hindi biro na gamitin mo ang pangalan ng Panginoon at sabihin mong si Jose De Venecia ang?”God-mandated next president of the Philippines” pero?ang mananalo naman pala ay si Joseph Estrada na lumamang kay De Venecia ng humigit kumulang na 6 na milyong boto (see this blogsite for his questionable prophecy).

Ganun pa man na?oust si Estrada sa pamamagitan ng isang popular uprising noong 2001 dahil sa?hindi natapos na impeachment complaint laban sa kaniya. Siya ay pinalitan ni Gloria Arroyo bilang pangulo ng bansa.

“I’m a Real Catholic”

Noong 2004, matapos ang termino ni Gloria Arroyo, tumakbo sa pagkapangulo si Bro Eddie na malugod naming sinuportahan at ikinampanya. Dalawa sa mga dahilan niya sa pagtakbo kasama sa layuning sugpuin ang kurapsyon sa Pilipinas ay ang pagsisinungaling umano ni Arroyo sa kaniya?na hindi muling tatakbo pagkatapos ng kaniyang termino.?Kapag tinatanong si Bro Eddie bakit hindi muna siya sa mababang pusisyon kumandidato ang kaniyang sinasabi ay sapagkat ang pagkapangulo ang pinakamataas na?pusisyon sa bansa na may?pinakamalakas na kapangyarihan para masugpo ang kurapsyon.

Sa isang interview sa pamamagitan ni Mike Enriquez,sa programang Biodata (masasaksihan ito sa 4:44 mark), ganito ang sinabi ni Villanueva,

“Ako kasi hanggang ngayon I believe I’m a real Catholic eh. Kursilista ako eh. Ang JIL is non-sectarian, non-denominational. Hindi ako ipinanganak na protestante.”

Bagamat alam naman nating ang ibig niyang sabihin diyan ay universal ang faith na pinaniniwalaan niya o non-sectarian o non-denominational, nilaro niya ang kahulugan ng term na “Catholic” para magmukha siyang Roman Catholic sapagkat sinamahan niya ng pagsasabing siya ay kursilista. Kailangan nga naman niya kasi ng boto mula rin sa mga Katoliko at hindi niya maipapanalo ang kaniyang pulitikal na ambisyon kung wala ang kanilang mga boto.

Ganun pa man, nangulelat siya sa bilangan at?naging pang-lima sa pangunguna?ni Arroyo na may lamang sa kaniya ng halos may 11 milyong boto.

Ngunit ang pinaka-malungkot, hindi namin inaasahan na magiging katulad siya ng?karamihan ng?mga pulitiko sa bansa na hindi tumatanggap ng?pagkatalo, Ayon sa kaniya, ang partidong Bangong Pilipinas ay?marami umanong nakalap na katibayan ng pandaraya?kaya inakusahan nila ang administrasyon ng pandaraya at sila ay nagprotesta ngunit nabigo.

“Natatanging Movement for the Kingdom of God” (2010)

Muli siyang tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 matapos ang termino ni Arroyo. Ang sumunod niyang compromise ay ang pagpunta niya sa kaharian ni Apollo Quiboloy sa Davao para makuha ang endorsement nito. Masasaksihan sa video na ito na kaniyang ipinakilala ang ministry ni Quiboloy bilang isang lehitimong pananampalataya, kung hindi ako nagkakamali sinabi niya ito noong Feb 3, 2010

“SA pangalan po ng JIL Worldwide movement…
AY BINABATI NAMIN ANG NATATANGING MOVEMENT FOR THE KINGDOM OF GOD in our country and in this world, ang Kingdom of Jesus Christ, the Name that is Above Every Name. Sa pangunguna po ng ating ginagalang na kaibigan, Pastor Apollo Quiboloy, at sa ngalan po ng mga pastors, workers, members, congratulations sa inyong thanksgiving worship presentation day…. ?Bago ko po taposin ang aking maikling pagbati. Nais ko po kayong encourage lahat. Mga kapwa ko tagalangit ang sabi po ng pangalan ng inyong ministry the Kingdom of Jesus Christ, narito kaming mga kandidato para hindi mangampanya, narito kami upang magsabi ng Amen sa inyong mission..”

http://www.youtube.com/watch?v=e5xlI3NUfsg

Si Quiboloy ay isang Oneness/Modalist Preacher mula sa Davao na nagpapakilalang siya ang?Son of God in the gentile setting. Bilang isang pinapakilalang genuine prophet to the nation isang kasinungalingang ipakilala mo ang isang nasa hidwang pananampalataya na nagsasabing siya ang kukumpleto sa kaligtasang hindi nakumpleto ng Panginoon bilang “kapwa tagalangit” para lamang makuha ang political endorsement nito.

Mindanews.com photo of the day (April 25, 2010).

Nabigo si Bro Eddie na makakuha ng suporta kay Quiboloy dahil ang dating Secretary of National Defense na si Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr.?kaniyang?napusuan.

Noong taong din na iyon pinarangalan din?niya ang yumaong leader ng Iglesia ni Cristo (1914) sa pamamagitan ng pagdalaw sa lamay nito at sa pamamagitan ng ganitong pahayag,

His quiet commanding commanding presence in many social and national affairs will be particularly missed. However, ka Erdy has left a legacy of contributing to no-nonsense nation building.

Bilang genuine prophet to the nation na oral ambassador ng Dios, ipinakilala niya ang legitimacy ng isang?ministerio?na nangangaral na hindi Dios si Kristo sa ngalan ng boto sa pulitika.

Kinain Niya ang Kaniyang Salita (2013)

Kung noong 2004 ikinagalit niya ang pagtakbo ni Arroyo dahil nagsabi raw ito sa kaniya na hindi na muling?tatakbo sa pagka-pangulo. Ang kaso ay hindi rin naman siya nagalit sa kaniyang sarili nang siya ay?kumandidato sa pagka-senador, gayong noong 2004 ay sinabi niyang hindi siya tatakbo sa mas mababang position kaysa sa pagka-pangulo.?Sabi niya noong 2004 na ang pagka-pangulo lamang ang may pinaka-makapangyarihang pwesto sa bansa na maaring mabilis na makasugpo laban sa?kurapsyon?kaya hindi siya tatakbo sa mas mababa pa rito dahil wala rin naman siyang political ambition.

Sa pagtakbo niya sa Senado noong 2013, binawi niya ang lahat ng kaniyang sinabi. Hindi na dapat niya itanggi?na hangad niya talaga na makakuha ng pwesto sa bansa kahit pa sa mas mababang pwesto. Ngunit sa kanilang 35th JIL Anniversary mariin pa ring sinabi ni Bro Eddie na,

“I have no any iota of political ambition”

Sa kakailanganing 12 mga bagong senador ng bansa, muling natalo?si Bro Eddie. Siya?ay puma-19 at nalamangan ng halos 7 milyong boto ni Senator Gregorio Honasan na nasa ika-12. Kahit na sa mas mababang pwesto ay hindi pa rin siya nanalo.

Sa ika-4 na pagkakataon,?na-establish natin ang pattern of compromise ni Bro. Eddie sa kaniyang ng pananampalataya sa larangan ng pulitika.?Sa ika-4 na pagkakataon, nagkamali ng hula ang isang genuine prophet to the nation. Meron bang genuine prophet to the nation na mas marami pang sablay na hula kaysa sa itinama? Ano bang tawag sa ipinapakilalang genuine prophet na hindi naman tama ang ihinuhula?

Sinabi?ni Moses sa bayan ng Israel noon sa?Deuteronomy 13:1-4 ay wag paniwalaan ang mga mapagpanggap, sa halip ang Dios lamang sa pamamagitan ng kaniyang kautusan ang sundin

If a prophet, or one who foretells by dreams, appears among you and announces to you a miraculous sign or wonder, 2 and if the sign or wonder of which he has spoken takes place, and he says, “Let us follow other gods” (gods you have not known) “and let us worship them,” 3 you must not listen to the words of that prophet or dreamer. The LORD your God is testing you to find out whether you love him with all your heart and with all your soul. 4 It is the LORD your God you must follow, and him you must revere. Keep his commands and obey him; serve him and hold fast to him.

Maging si Pedro ay nagbabala na mula sa sambahayan ng Dios magmumula ang mga bulaan sa?2 Peter 2:1-3,

But there were also false prophets among the people, just as there will be false teachers among you. They will secretly introduce destructive heresies, even denying the sovereign Lord who bought them–bringing swift destruction on themselves. 2 Many will follow their shameful ways and will bring the way of truth into disrepute. 3 In their greed these teachers will exploit you with stories they have made up. Their condemnation has long been hanging over them, and their destruction has not been sleeping.

Hindi sa labas ng iglesia magmumula ang mga bulaan ayon sa sinabing ito ni Pedro. Sila ay magmumula sa?hanay ng mga mamamayan ng Dios. Marami silang ipapasok na mapahamak na?katuruan sa?sambahayan ng Dios, lalaitin nila ang daan ng katotohanan. Ngunit marami?rin ang susunod sa kanilang mga gawa hindi natin sila dapat paniwalaan.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther