Bakit sinabing “just and perfect” (KJV) o “righteous and blameless” si Noah sa Gen. 6:9?
Basahin natin simula 6:5 na ang sabi’y, “the wickedness of man was great” at “every imagination of the thoughts of his heart was only evil continually.” Singular ang “man” dito sapagkat nag-generalize ang author hinggil sa tunay na kalagayan ng sankatauhan.
Dahil dito marapat lamang na ang tao ay maparusahan sabi ng Panginoon, “I will destroy man whom I have created from the face of the earth.” Wala ritong exempted. Lahat ayon sa 6:12 ay bulok ang pamamaraan, “for all the people on earth had corrupted their ways.” Paano naiba si Noah sa kanila?
Ang turning point dito ay nasa 6:8 na nagsasabing, “But Noah found grace in the eyes of the LORD.” Sa ibang salin ay “favor.” Si Noah lamang ang biniyayaan (sampu ng kaniyang pamilya) at hindi ito nakasalalay sa sarili niyang katuwiran sapagkat sa talata 5 at 12 ay hinatulan na ang buong sangkatauhan. Pero sa buong sangkatauhang makasalanan ay si Noah ang sinabing biniyayaan. Kaya ang paliwanag sa Heb. 11:6-7, sa pamamagitan ng kaniyang pagsampalataya sa salita ng Dios (“when warned about things not yet seen,” Heb. 11:7), siya ay naging tagapagmana ng katuwiran na kaniyang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya (Heb. 11:7).
Samakatuwid, ang katuwiran ni Noah na sinasabi sa 6:9 ay hindi orihinal na kaniya kundi minana lamang niya, ito ay kaniyang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay ayon mismo sa sumulat ng Aklat ng Hebreo. Tulad ni Abraham na binilang na matuwid dahil sa pananampalataya (Gen. 15:6) at naging Ama ng lahat ng sumasampalataya (Rom. 4:11), si Noah rin ay ibinilang na matuwid at walang kapintasan dahil sa kaniyang pagsampalataya sa mabuting balitang kaniyang tinanggap.
Recent Comments