Naluklok sa kanan ng Oneness Ventriloquist

Sabi sa Mark 16:19, “After the Lord Jesus had spoken to them, he was taken up into heaven and he sat at the right hand of God.”

Tutal Ipinapangaral ng mga “Oneness” na si Jesus ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo, paano naluklok si Jesus sa kanan ng kaniyang sarili? Ang pinaka-malapit na human representation na mayroon ay ang tinaguriang “Ventriloquism.”

Sa ventriloquism, itinatapon ng lalaki ang kaniyang tinig sa malayo kasabay ng pagbuka ng bibig ng manyika. Ginagawa niya ito habang pinananatili niyang tikom ang kanyang bibig nang sa gayon mabuo ang ilusyon na ang puppet ang nagsasalita.sakanan

Makikita sa larawan na nakaupo sa kanan ng Ventriloquist ang kanyang manyika. Ito ang pinakamalapit na representasyon ng paniniwalang Oneness.

Ang paniniwalang Oneness ay hindi na bago. Isa ito sa tinatawag na “Trinitarian Controversy” sa kasaysayan ng iglesia na noo’y tinatawag na Sabellianism. Pinauso umano ni Sabellius noon ang katuruang ang Ama ay nagkatawag-tao at nagpakilalang Anak na si Jesus, at sa ikatlong pagkakataon ay nagpakilala bilang Espiritu Santo. Sa kanilang paliwanag ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay pawang “modes of manifestation” lamang ng iisang Dios na ang tunay na pangalan ay Jesus. Kaya tinatawag ding “Modalism” hidwang katuruang ito.

Sa Mark 3:13-17 naman ay mababasa natin na binautismuhan si Jesus at may tinig na nagsalita mula sa langit, ngunit dahil sa sa paniniwalang Oneness ay si Jesus din ang Ama, ang tinig sa langit ay mula rin pala kay Jesus.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther