Nagkapatong-patong na asunto ng Dios dahil sa Ikapu

ASUNTO PARA SA MGA KUBRADOR NG IKAPU

Dahil walang utos na magikapu ng pera. Kaya ang unang kaso ng mga kumukubra ng ikapung pera ay ang pandaragdag ng utos (Deut. 4:2; Lev. 27:30-32).

Tapos nilang perahin ang di naman dapat piniperahang simbahan, kinakamkam pa nila ang dapat sana para lang sa mga (Levita Num 18:20-32). Mana nila yun ngunit inangkin lamang nila.

Matapos kamkamin ang para lamang sa mga Levita nahulog pa sila sa biyaya dahil isinasailalim nila ang mga tinubos ni Kristo sa sumpa ang mga nasa sambahayan ng Dios sa Bagong Tipan (Gal. 3:10-13; Gal. 5:4).

Samakatuwid, nagka-patong-patong na ang asunto sa kanila at dapat ituring na mga mga kumakalaban sa Evangelio (Rom. 11:28), hindi naman mga Judio pero pawang nagpapaka-Judio.

ASUNTO PARA SA MGA NAG-IIKAPU

At wala ring nag-iikapu na hindi nagbabatay sa Mal. 3:10. Aminin man nila o hindi, kaya sila nag-iikapu dahil minsan silng naturuan na:

1. Magnanakaw umano sila kapag hindi nag-ikapu,

2. Nasa sumpa umano sila kapag hindi nag-ikapu,

3. Kuripot umano sila kapag hindi nag-ikapu,

4. Hindi umano nagbibigay malibang higitan ang ika-sampung bahagi.

5. Hindi umano inaawatan ng mananakmal kapag hindi nag-ikapu

At dahil jinajustify nila ang kanilang sarili bilang matuwid sa hindi pag-iikapu sila raw ay;

1. Hindi magnanakaw dahil sila ay nag-iikapu.

2. Sila ay raw ay wala sa sumpa dahil sa pag-iikapu.

3. Hindi raw sila kuripot, generous daw sila dahil sa pag-iikapu.

4. Mapagbigay raw sila dahil mahigit sa 10% ang ibinibigay nila, o kaya,

5. PInapala sila ng mga ari-arian dahil walang nananakmal na sumisira sa mga iyo.

Ang mga ito ay nangangahulugan o nagpapatunay ng pagkahulog nila sa biyaya. Sabi sa Gal 5:4,

“Kayo’y hiwalay kay Cristo, kayong mga nagnanais ariing-ganap sa pamamagitan ng kautusan; nahulog kayo mula sa biyaya.” Gal. 5:4

Kaya isa talagang malaking hamon upang talagang malaya sa larangan ng pagbibigay ay huwag na ipagtanggol yang bulaang ikapu. Sa halip ay magbigay na na lamang ng tahimik sa nangangailangan sa iglesia (Mat 6:1-2). Kahit ilang porsyento pa yan! At kung ipinalilista pangalan nyo huwag na huwag papayag!

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther