Panimula. Maraming papel na ginagampanan ang mga kababaihan sa iglesia halos lahat na ata ng posisyon dito ay maari nilang ganapan ngayon. Ngunit hindi lahat ng denominasyon ay sumasang-ayon dahil may kaniya-kaniya silang mga kadahilanan. Ngunit ang kadalasang pinagtatalunan ay kung maari bang magkaroon ng pastora o bilang babaeng tagapanguna o pangulo ng isang simbahan.
Oo, maraming pastora ngayon sapagkat, una sa lahat, ito ay pinapahintulot ng ating batas–hindi ito ipinagbabawal at dahil na rin sa ating Freedom of Religion ang bawat denomination ay may karapatang mag-halal o mag-ordina ng kani-kanilang tagapanguna, lalaki man o babae.
Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
Kaya ang basihan ng karamihan ay ang By Laws at Constitution ng kanilang denominasyon kung maari ba o hindi ang magkaroon ng pastora. At tunay ngang maraming pastora na sa ngayon, lalong-lalo na sa mga independent na charismatics o pentecostal churches. Maging ilan na rin sa mga nagpapakilalang reformed at evangelical churches sa buong mundo ay may tinatanghal na ring mga pastora sa kanilang mga denomination.
Ano naman ang kadahilanan bakit may mga tumututol dito? Ang pagtutol nila ay sa prinsipyo dahil wala naman silang magagawa kung ipinapahintulot ito ng batas ng bansa nila at batas ng kanilang iglesia. Ano-ano ba ang mga pusibleng dahilan? May kaniya-kaniyang tawag sa kanila. Ang iba ay tinatawag na misogynist o yung mga namumuhi sa kababaihan, yung iba ay tinatawag na chauvinist o yung sinasabing may mga superiority complex, ang iba naman ay dahil sa pagiging conservative dahil ang mga talata sa Biblia na umano ang nagsasabing bawal ang pamumuno ng babae sa mga kalalakihan sa iglesia.
Ito ang mga realidad na ating kinakaharap sa usapin ng mga papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa iglesia, bago natin talakayin ang pagbabawal sa kakabihan na maging tagapanguna o pastora sa iglesia unahin nating talakayin ang mga papel na ginampanan nila sa sinaunang iglesia.
Recent Comments