Mga Hindi Pangkaraniwang Gawa

“Greet Andronicus and Junias, my relatives who have been in prison with me. They are outstanding among the apostles, and they were in Christ before I was.”

Romans 16:7

Sabi ng marami, ang pangalang Junias o Junia ay pambabae, kung totoo ito si Junia ay ipinakilalang kasama ni Andronicus na bantog “outstanding” sa mga apostoles.

Sabi ng iba ang kahulugan daw ng salitang ito ay kapiling si Junias sa hanay ng mga kinikilalang apostoles noon, subalit hindi natin ito mapapatunayan. Sa kabilang banda pusible rin kasing pangalan ito ng lalaki hango sa pina-iksing pangalang Junianus lalo’t sinasabing nakasama siya ni Apostol Pablo sa kulungan.

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Ang tiyak na mga kababaihan na masasabi nating may hindi pangkaraniwanag ginawa o papel, extra-ordinary role, sa iglesia ay tulad ng mga anak ni Felipe sa Mga Gawa,

“Leaving the next day, we reached Caesarea and stayed at the house of Philip the evangelist, one of the Seven. He had four unmarried daughters who prophesied.”

Acts 21:8-9

Meron mga anak na dalaga si Felipe na naghahayag ng propesiya. Ganun pa man, hindi sinabing mga propeta sila. Ang sinabi lamang dito ay nagpapahayag sila ng propesiya. Kaya kung may babaeng propetesa wala tayong katiyakan at mas lalong walang apostolesa. Ganun pa man sinabi sa hula,

“And it shall come to pass afterward, that I will pour out my spirit on all flesh; your sons and your daughters shall prophesy, your old men shall dream dreams, and your young men shall see visions.”

Joel 2:28

Ang espiritual na kaloob na pagpapahayag ng propesiya (prophecy) ay para din sa mga kababaihan. At hindi magiging kataka-taka na may mga mababasa tayong mga kababaihang naghahayag ng propesiya sa Biblia tulad ng ipinapahayag Acts 21:8-9 bilang katuparan ng pangako ng Diyos. Ang ganitong uri ng papel ng kababaihan sa iglesia ay hindi pangkaraniwan mas lalong madalang na ngayon kung meron man at hindi kataka-taka kung wala na dahil ibinigay na sa atin ang mas tiyak ng propesiya, ang Salita ng Diyos, ang Kasulatan gaya ng sinabi ni Apostol Pedro,

“We have also a more sure word of prophecy; whereunto ye do well that ye take heed, as unto a light that shines in a dark place, until the day dawn, and the day star arise in your hearts”

1 Peter 1:19
Daugthers of Philip

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther