“I am reminded of your sincere faith, a faith that dwelt first in your grandmother Lois and your mother Eunice and now, I am sure, dwells in you as well.”
2 Timothy 1:5
Sa kaniyang liham, pina-alalahanan ni Apostol Pablo si Timoteo sa pinagmulan ng kaniyang pananampalataya, ang kaniyang inang si Eunice at kaniyang lolang si Lois. Sa murang edad maaga siyang napangaralan pananampalataya sa Diyos ng Kasulatan sa pamamagitan ng dalawang mahalagang babae sa kaniyang buhay, ang kaniyang lola at ina.
Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
Ito ay malinaw na pag-kilala ni Apostol Pablo sa kakayanan ng mga kababaihan na maging tagapangaral sa kanilang mga kaanak na nakababatang lalaki. Sabi pa ng Apostol,
“But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed, knowing from whom you learned it
2 Timothy 3:14-15
and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus.”
Maagang nahubog si Timoteo sa banal na kasulatan na nagbigay sa kaniya ng karunungan para sa kaligtasang sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Dagdag kaalaman ang sabi pa sa Mga Gawa,
“Paul came also to Derbe and to Lystra. A disciple was there, named Timothy, the son of a Jewish woman who was a believer, but his father was a Greek.”
Acts 16:1
Na kaniya raw inang si Eunice ay isang Judiong mananampalataya samantalang ang kaniyang itay ay Griego, hindi ito naging hadlang para siya ay maturuan sa murang edad.
Nawa, sa ating mga nabasa ay nakilala rin natin ang kakayanan ng mga kababaihan sa larangan ng pangangaral sa mga kabataan, na sila rin ay biniyayaan ng Diyos sa larangang ito kaya hindi katakatakang nagagamit sila ngayon sa mga iglesia bilang Sunday School Teachers ng mga kabataan.
Recent Comments