“Older women likewise are to be reverent in behavior, not slanderers or slaves to much wine. They are to teach what is good, and so train the young women to love their husbands and children, to be self-controlled, pure, working at home, kind, and submissive to their own husbands, that the word of God may not be reviled.”
Titus 2:3-5
Maliban sa pagiging mga alagad na tahimik na nagpapasakop (sa Ikatlong Bahagi), ang mga kababaihan ay maari ring maging tagapagturo sa mga kabataan (sa Ika-Apat na Bahagi), sa pagkakataong ito matutunghayan natin na sila rin ay inatasang maging tagapagturo sa mga nakababatang kababaihan sa iglesia. Yan naman ay mababasa natin sa pamamagitan ng liham ni Apostol Pablo kay Titus (o Tito).
Dapat raw nilang ipangaral ang mabubuti at sanayin ang mga nakakababatang kabaihan nila na mahalin ang kanilang mga asawa’t anak. Hindi ito mga batang paslit na kababaihan o kadalagahan lamang kundi may mga asawa na ang tinutukoy dito. Bagamat mas nakababata kaysa sa kanila, ang pagsasanay ay gagawin ng mas nakakatandang kababaihan sa iglesia.
Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
Dalawang mahahalagang salita ang ginamit sa talatang binasa natin:
Teach – ito ay “kalodidaskalos” sa Griego o sa KJV “teacher of good things.”
Train – ito naman ay “sophrinozo” sa Griego o literally “to make of sound mind.”
Nagpapatunay ang mga salitang ito na ang mga nakatatandang kababaihan sa iglesia ay inaatasang mangaral sa mga nakababatang kababaihan sa iglesia. Hindi lamang sila mangangaral sa mga batang lalaki ng iglesia kundi sa mga mas nakababata ngunit adult na kababaihan ng iglesia.
Recent Comments