Mga Alagad na Kababaihan

“Soon afterward he went on through cities and villages, proclaiming and bringing the good news of the kingdom of God. And the twelve were with him, and also some women who had been healed of evil spirits and infirmities: Mary, called Magdalene, from whom seven demons had gone out.”

Luke 8:1-2

Sa ministeryo ng Panginoon may mga kababaihang naging mga alagad, gaya ng sabi sa talatang nasa itaas ay “also some women” at pinangalanan pa nga ang ilan sa kanila tulad ni Mariang taga-Magdala.

Ngunit ano bang papel ang ginamapanan ng mga kababaihang ito sa ministeryo ng Panginoon? Kasama ba sila sa hanay ng tinaguriang “The Twelve”? Kasama sila ng labing dalawa pero hindi sila kabilang sa tinaguriang The Twelve dahil ang sabi sa talata ay “also some women were with Jesus.” Dahil kilala naman na siguro natin kung sino-sino ang labing dalawang apostoles?

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Una na si Simon Pedro at ang kapatid niyang si Andres; Ang magkapatid na anak ni Zebedee na sila Santiago (James) at Juan; pagkatapos ay sila Felipe, Bartolomeo, at Tomas; pagkatapos ay si Mateo na isang kolektor ng buwis; ang isa pang Santiago na anak ni Alphaeus; Si Jude Thaddaeus; ang isa pang Simon at ang isa pang Jude o mas kilala sa tawag na Iscariote (Mat. 10:2-4).

Kaya makatitiyak tayo na di man kasama sa tinaguriang The Twelve ang mga kababaihan, kasama sila ni Jesus bilang mga alagad.

Basahin natin ang mga susunod na talata mula sa Luke 8:

Now as they went on their way, Jesus entered a village. And a woman named Martha welcomed him into her house. And she had a sister called Mary, who sat at the Lord’s feet and listened to his teaching. But Martha was distracted with much serving. And she went up to him and said, ‘Lord, do you not care that my sister has left me to serve alone? Tell her then to help me.’ But the Lord answered her, ‘Martha, Martha, you are anxious and troubled about many things, but one thing is necessary. Mary has chosen the good portion, which will not be taken away from her.’

Luke 10:38-42

Maliban kay Maria na taga-Magdala, binanggit din ang dalawa pang kababaihan, ang isa pang Maria at ang kaniyang kapatid na si Martha.

Sa salaysay na ito, si Martha ay naging abala sa pag-asikaso sa mga alagad samantalang si Maria ay taimtim nakikinig habang nasa paanan ni Jesus.

Kapansin-pansin ang mataas na trato ni Jesus sa pakikinig ni Maria kaysa sa ginagawa ni Martha na naging abala sa gawaing bahay. Ang sabi sa talata ay, “Mary has chosen the good portion” at iyun ay ang kaniyang ginawang pakikinig sa mga pangaral ng Panginoon sabi pa, “Mary, who sat at the Lord’s feet and listened to his teaching.”

Hindi sinabi ng Panginoon na dapat nang abandonahin ang mga gawaing bahay o ang paglilingkod sa iglesia, ngunit ang makikita rito ay ang kahalagahan ng pakikinig o pagiging alagad, disciple o learner ng higit kaysa sa mga gawaing bahay at sa iglesia.

Jacopo Bassano’s Christ in the House of Mary, Martha & Lazarus

Susunod: Mag-aral Habang Tahimik na Nagpapasakop (Learn With Quiet Submission)

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther