Maybahay (Homemakers)

Kung nabasa ninyo ang mga naunang bahagi malinaw na hindi naging “mysoginst” o “woman hater” si Apostol Pablo sapagkat nabasa natin kung paano niyang kinilala ang ginawang paghuhubog ng mag-inang Lois at Eunice kay Timoteo. At kahit maging si si Priscilla na tinatawag sa palayaw na Prisca ay kinilala nyang kamanggagawa o “fellow worker” kasama ang asawang nitong si Aquila.

Bago magpatuloy napag-aralan na natin na sa sinaunang iglesia nabasa natin ang mga naging papel ng mga kababaihan sa batang iglesia ay:

  • Bilang mga alagad na tahimik na nagpapasakop
  • Bilang mangangaral ng mga kabataan sa iglesia
  • BIlang mangangral ng mga kababaihan sa iglesia
  • Bilang katuwang ng kanilang asawa sa ministeryo ng Salita

Hindi sila naisantabi sa gawain ng Panginoon, hindi naging mababa ang pagtingin sa kanila ng kapatiran.

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

“So I counsel younger widows to marry, to have children, to manage their homes and to give the enemy no opportunity for slander.”

1 Timothy 5:14

Makapangyarihan ang kultura natin sapagkat malakas itong makaimpluensya, maging ang mga simbahan ay apektado rin kahit ang pagiging ina ng tahanan para sa ibang ay tao minamaliit na lamang ang tingin at ihinahambing sa pagiging atsay o kasambahay, minsan ang nga alila pa nga ang turing nila. Kaya tuloy, ang tingin ng mga tao sa panahong ito na ang pagiging ina ng tahanan ay isa lang second class office para sa mga kababaihan.

Bilang iglesia dapat tutulan natin ang mababang pagtingin ng kultura sahalip ay maituring muli na isang first class office for women ang pagiging ina ng tahanan. Ito ay sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nila sa paghubog sa mga kabataan (lalaki man o babae), sila ay maituturing din na mangangaral o Disciple Makers ng mga kabataan at kapwa kababaihan.

Habang ang mga kalalakihan ay nasa kaniya-kaniyang vocation, ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na panatilihing buo (intact) ang kanilang mga tahanan. Hindi ito maaring maisang-tabi na lamang. Pero kung gawaing bahay naman ang pag-uusapan, ibang usapan na iyan. Hindi natin sinasabing ang mga-ina lang ang dapat humarap sa mga atupagin o mga gawaing bahay, dapat nga makatulong din ang mga kalalakihan. Ganun pa man isa sa mga tagubilin ni Apostol Pablo kay Timoteo na dapat niyang ipangaral sa mga babaeng balo, tulad ng bilin niya,

“So I counsel younger widows to marry, to have children, to manage their homes and to give the enemy no opportunity for slander.”

1 Timothy 5:14

Papaano na lang kung ang pagiging maybahay (homemakers) ay isinantabi na ng lipunan? Paano pa pananatilihing buo ang mga tahanan? Hindi kaya maging pagkakataon ito para sa Kaaway na lalo pang sirain ang mga tahanan kung kapwa wala sa mag-asawa ang walang nagpapahalaga dito?

Engraving by J. Sadeler after Jodocus Winghe

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther