Paano nga naman masasabing ang isang cute na baby na dependent pa sa magulang sa lahat ng bagay na wala pang kamuwang-muwang ay masasabing makasalanan??Wala pa nga siyang sariling pag-iisip o malisya para gumawa ng masama, kaya paano bang masasabi na ang mga sanggol ay makasalanan na??Parang hindi ata makatarungan.
Ilan lamang ito sa mga common objections na ating naririnig kapag “Original Sin” ang paksa. Paano nga naman masasabing ang cute na nilalang,?na mala-anghel ang mukha, kapag namatay, ay maparusahan lamang sa?impierno lalo na yung mga?kapapanganak pa lamang?
Una sa lahat, hindi sinasabi na porket ang sanggol ay ipinanganak na masama kapag namatay ay paparusan na agad ng Dios sa impierno, tanging ang Dios lang ang nakakabatid ng mga tungkol sa bagay na ito.?Tanging ang Dios lamang?ang makapagbibigay ng makatarungang hatol. At dahil alam natin na ang?Dios?ay makatarungan nga, matitiyak natin?na?walang inosente ang mapapahamak sa impierno dahil Kaniyang paghahatol. ang sabi sa?Ezekiel 33:20,
“Yet, O house of Israel, you say, ‘The way of the Lord is not just.’ But I will judge each of you according to his own ways.'”
Ang hatol ng Dios ay nakabase sa ating mga ginagawa, mabuti man o masama (2 Cor. 5:10; Rom. 2:6; 1 Pet. 1:17). ?Ayon pa sa?Prov. 11:21, ang mga makasalananan ay hindi maaring makawala sa parusa,
“Be sure of this: The wicked will not go unpunished, but those who are righteous will go free.”
Kung wala pang ginagawang masama ang mga sanggol, bakit sila?namamatay?
Ang totoo niyan, namamatay ang lahat ng tao, sanggol man o hindi. Ito ay sa dahilang nakapasok na ang?kasalanan sa pamamagitan ng?isang tao. At dahil nga sa kasalanan niya noon, nakapasok rin?ang kamatayan. Ang buong detalyeng ito ay mababasa natin sa Genesis:
Yan ang puno’t dulo?kung bakit?lahat ay namamatay.?Kung hindi nagkasala si Adan, hindi sana napalayas ang sangkatauhan?sa Eden at napawalay?puno ng buhay (Gen?3:24).
Ngunit base?sa?Rom. 5:12,?namamatay ang lahat dahil lahat?ay nagkasala,
“Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all men, because all sinned”
Ang ibig bang sabihin ng talata, nagkasala na?ang lahat kahit hindi pa sila ipinapanganak noong?ang tanging si Adan pa lang ang sumuway?
May mga?nangangaral ng ganitong klaseng theory na kung tawagin ay “Natural Headship” at “Federal?Headship.”
Ibig sabihin,?kahit si Adan pa lamang ang tao noon, ngunit dahil lahat ng tao ay nasa balakang pa niya (?loins? sa KJV), kasama ni Adan silang?lahat na gumanap sa?kasalanan. ?Ang tawag sa theory na ito ay “Natural Headship”.
Ibinase?nila ang theory na ito sa?sinabi sa Heb 7:9?10 na porket nagbayad si Abraham ng ikapu kay Melchizedec, si Levi na hindi pa ipinapanganak ay nagbayad na rin ng ikapu dahill siya ay?nagmula kay Abraham.
Naayon din ito sa grammar ng “because all have sinned” na ang ibig sabihin, ang action ng pagkakasala ay natupad na noon pa: “all have sinned” as a completed past action.
Ibig sabihin ng Natural?Headship, kasama tayong nagkasala noong nagkasala si Adan. Kaya nga ang hatol?kay Adan, ay hatol sa?lahat ng sangkatauhan.
FEDERAL HEADSHIP
Sa “Federal Headship” naman, ay may dalawang representante. Base?sa?1 Co. 15:22,
“For as in Adam all die, even so in Christ shall all be made alive.?”
Sa talatang ito ipinaghambing ang dalawang representante: Si Adan, bilang representante ng buong sangkatauhan at si Kristo bilang panganay sa mga hinirang (Rom 8:29).
Sa theory na ito, Ipinasakamay ng?Dios kay Adan ang kinahinatnan ng buong sangkatauhan. At dahil nga sa kaniyang sariling pagsuway, lahat ng sangkatauhan ay ibinilang na masama at nahatulang mamatay.
Samantala, ipinasakamay?naman ng Dios kay Kristo ang kahihinatnan ng mga hinirang. At dahil naman sa Kaniyang pagsunod, biniyayaan?sila ng buhay na walang hanggan.
Pelagians?at ?Arminians naman ang tawag sa mga tutol sa?Natural and Federal Headship.
Bagamat aminado silang totoong?sa pamamagitan ng kasalanan ni Adan nakapasok ang kamatayan sa lahat?ng tao, ang sanggol para sa kanila ay hindi ipinapanganak na masama, kundi sila ay mga inosente (Mat. 18:1-3; 19:13-14; 1 Cor. 14:20).
Para sa kanila nagiging?makasalanan lamang ang isang tao kapag nasa wastong pag-iisip na o sa panahong kung tawagin ay “Age of Accountability.”?Nagsimula na lang silang maging makasalanan matapos nilang?malaman kung ano ang mabuti at masama (Rom 9:11;?1 Jn. 3:4; Isa 7:15-16; Jer. 19:4).
Nagiging mabuti o masama ang tao sa pamamagitan ng?impluensya ng kanilang paligid. At kapag alam na nila kung ano ang mabuti at masama,?sa una nilang pagsuway, doon pa lang sila masasabing unang nagkasala (Rom 7:9;?Isa. 59:1-2). Kung sila naman ay magpapatuloy sa kanilang pagsuway, saka pa lamang?sila masasabing nagiging manhid na sa kabutihan o masasabing pinatigas sa pagiging?labis na?masama.
Lahat ng?ito ay?dahil sa wari nila hindi makatarungang ibilang ng Dios na masama ang lahat ng tao dahil kay Adan o kaya parusahan silang lahat dahil lamang sa pagkakasala ng iisang tao?(Ezek. 18:1-4; 18-20; Jer. 32:29-30).
At?dahil nga sa tutol sila sa Federal Headship, nakasalalay din sa kanilang mga kamay ang kanilang kaligtasan. Kahit para sa mga Arminian, sa pamamagitan umano ng “Prevenient Grace” ay mabibigyan ng layang pumili ang tao kung sila ay sasampalataya sa sarili nilang kagustuhan?(Josh. 24:15; Luke 13:3; Acts 2:40; Phil. 2:12).
Gaya ng sinabi ng mga Arminians at Pelagians ang mga sanggol ay inosente, ngunit ito ay sa larangan lamang ng kung tawagin ay “personal sins” (Mat. 18:1-3; 19:13-14; 1 Cor. 14:20). Pero pag dating sa epekto ng “Original Sin” o dahil sa sala ni Adan, gaya nga?ng sinabi sa?Federal at Natural Headship, silang lahat ay binilang na makasalanan at nahatulan ng kamatayan.
Sa madaling salita, sila man masasabing?inosente pa pag dating sa kanilang??”personal sins,” apektado at dawit pa rin sila ng?Original Sin?(Rom. 5:12; 1 Cor. 15:22), maliban na lamang kung sila ay pasok sa mga sumusunod na exemptions:
Sino ba sa buong sangkatauhan ang masasabing hindi tao lamang, walang kapintasan ang mga magulang, hindi naging masama nung siya ay lumaki?at nang ipinanganak ay espiritual na maliban lamang sa Panginoong Jesus?
Bagamat ang Kaniyang ina ay may kapintasan at nagpalinis (Luke 2:22) si Jesus ang bugtong na anak ng Dios ay ipinanganak ng birhen (Mat 1:23) ay banal (Mark 1:24) lumaking handog na walang kapintasan (2 Cor. 5:21; Heb 4:15) at labis na kinalugdan ng Ama (Mat. 3:17).
SAAN MAPUPUNTA ANG MGA SANGGOL KAPAG SILA AY NAMATAY?
Dahil ang lahat ng sanggol na namatay o namamatay?dahil sa kasalanan ni Adan ay wala silang personal na kasalanan, walang dahilan para hindi sila kahabagan at bigyan ng buhay na walang-hanggan?sa pamamagitan ng ginawa ni?Kristo (Mat. 19:14). Magagawa iyon dahil Siya ang?tumayong representante (Federal Head) para sa kanila.
Sabi nga sa Westminster’s Confession of 1646 at nang London Baptist Confession of 1689,
“Infants dying in infancy are regenerated and saved by Christ through the Spirit, Who works when, where, and how He pleases. So also are all elect persons who are incapable of being outwardly called by the ministry of the Word.”
Recent Comments