Magturo at Magpaalalahanan sa Pamamagitan ng Awiting Espirituwal

“Let the word of Christ dwell in you richly as you teach and admonish one another with all wisdom, and as you sing psalms, hymns and spiritual songs with gratitude in your hearts to God.”

Yan ang tagubilin ng apostol sa Col. 3:16. Ngunit tila nagkakaroon na ng “decline” sa aspetong ito ang mga pagtitipon sa mga simbahan. Sa halip kasi na gamitin ang mga awiting makalangit sa pangangaral at pagpapa-alalahanan ay nagiging emosyonal na lamang o kaya naman nagiging pang-entertainment na lamang ito. Hindi naman sa nilalahat natin, pero kung puro awitan at tugtugan na lamang ang ginagawa, nasaan na ang layong makapangaral at makapag-paalalahanan sa pamamagitan ng mga awiting makalangit?

JoyfulShoutTila sinasalamin nito ng siya ring pag-decline sa kaalaman ng mga nagpapa-awit. Iba ang talented singer at skilled musicians sa talented singer at skilled musicians na may nalalaman sa salita ng Dios. Dahil garantisado mang mahusay sila sa kanilang pag-awit at pag-tugtog, kung salat naman kaalaman sa salita ng Dios, anong salita ni Kristo ang maibabahagi nila sa buong kongregasyon?

Nasaan na ang dating ginagawa na nagpapahayag ng salita ng Dios habang nagpapa-awit? Hindi naman sa upang gampanan na ng buong-buo ang papel ng isang mangangaral kundi sa kahit man lang sa isa o dalawang pangungusap ay makapagpahayag ng mga katotohanang may kinalaman sa inaawit? Hindi ba ang layunin kung bakit nag-aawitan ay maging sagana sa salita ni Kristo sa lahat ng karunungan?

Pero walang karunungan tungkol sa salita ni Kristo anong maibabahagi ng isang tagapanguna? Kaya napakahalaga na ang isang mang-aawit ay hindi lang talented singer kundi aral sa salita ng Dios.

Narito ang ilang mga practical suggestions para maipanumbalik natin sa Biblical na layunin ang ating pag-aawitan:

  1. Ibigay ang background ng iyong awitin o kumposisyon. Makakatulong kung aalamin mo muna ang background ng isang composition na iyong aawitin. Kung alam mo ang history or background ng isang composition maari kang makapag-bigay ng maiksi ngunit malamang pahayag kung bakit ito nabuo o kung paano ito nabuo.
  2. Tandaan na hindi mo layuning gumugol ng mahabang oras para makapag-pahayag. Maari mo itong gawin habang nasa pasakalye (intro) pa lamang ang mga manunogtog o kaya in-between songs o kaya during the instrumental portion ng isang awitin.
  3. Makakatulong din ang ganitong disiplina sa? pagsasala ng mga aawitin. Dahil kung may background check, maari mong alisin sa iyong line-up ang mga awiting may kuwestyonableng pinagmulan. Ganun pa man, ito by-product lamang ng iyong pagsasaliksik dahil ang orihinal mong pakay ay makapagbigay-aral at paalala sa pamamagitan pagpapa-awit.
  4. Hindi natin sinasabi na ganito lagi ang gawin mo sa bawat kanta o kaya sa tuwing aawitin mo ang kantang napag-aralan mo nang mabuti. Isa lamang ito sa mga practical suggestions na maari mong gawin.
  5. Nauunawaan mo ba ang mga sinasabi o nilalaman ng iyong ipinapa-awit? Kung hindi pa, bakit hindi mo muna pag-aralan? Maaring maraming talinhaga o figure of speech ang isang kanta kaya mas mainam maunawaan mo ang kahulugan ng mga iyon hindi lang upang mai-interpret mo ng maayos sa pagkanta, makakatulong din kasi ito sa pagsasala ng mga awitin sa iyong line-up.
  6. Kung nauunawaan mo na ang nilalaman ng iyong inaawit, maari mo na ring ipaliwanag ang isa o dalawang talatang bahagi ng iyong kinakanta: ano ba ang kahulugan ng mga katagang ginamit niya? Ano ba ang relevance niyon sa pananampalataya? O kaya, ano ba ang relevance niyon sa kadakilaan ng Dios? O mga dapat ipagpasalamat sa Dios.
  7. Magpahayag ng talata sa Bibliya na nagsilbing inspirasyon ng awiting inyong kakantahin. Madalas kaysa sa hindi, may mga Biblical references na nagsilbing inspirasyon ang isang composition. Kahit ipahayag mo lamang ito “as-is”, magkapagsisilbing paala-ala ito sa buong kongregasyon.
  8. Magpatotoo. Habang tumutugtog ang mga instrumento, maari kang magbigay ng patotoo (testimony) sa kabutihan at kadakilaan ng Dios sa iyong buhay na dapat ipagpasalamat sa Dios.
  9. Makakatulong din, lalo na sa mga baguhan, kung ibibigay mo ang dahilan bakit nyo ginagawa ang inyong ginagawa habang nagpapa-awit. Bakit kayo pumapalakpak? Bakit kayo sumasayaw? Bakit kayo gumagamit ng ganyang klaseng instrumento?
  10. Maging aktibo sa lahat ng pagkakataong binibigay ng inyong iglesia para makapag-aral ng salita ng Dios tulad halimbawa ng mga small group Bible Studies, discipleship programs o mga theology programs.

Wag maging kontento lamang sa pagiging talented singer o skilled musician, sabi nga ng Apostol, “I consider everything a loss compared to the surpassing greatness of knowing Christ” (Phil. 3:18).

Know Christ more through the Word, and then tell others about Him through your songs.

Hindi natin sinasabing lahat ng suggestions na ito ay dapat mong gawin sa iyong pagpapa-awit. Maari kang pumili ng dalawa o tatlo mula rito na makakatulong sa pangangaral mo habang nagpapa-awit. Huwag ugaliing basta kumanta na lamang. Nawa’y sa pamamagitan ng mga ito at sa pamamagitan ng pananalangin, matupad natin ang tagubilin sa Col. 3:16: ang original na layunin kung bakit tayo nag-aawitan: Upang manahang sagana sa ang salita ni Cristo sa lahat ng karunungan sa pamamagitan ng salmo, himno at mga awiting espiritual.

 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther