Mag-aral Habang Tahimik na Nagpapasakop

“Let a woman learn quietly with all submissiveness.”

1 Timothy 2:11

Sa Mga Alagad na Kababaihan (Women Disciples), napag-aralan natin ang kahalagahan ng pagiging disciple, learner o ang taimtim na pakikinig sa mga pangaral ng Panginoon. Ang Panginoon na mismo ang nagsabi na mas mahalaga ito kaysa sa gawaing bahay o sa iglesia o yung “waiting on tables” kaya, kahit sa Mga Gawa (Acts 6:2) mababasa rin natin na nagtalaga pa nga ang mga apostol ng pitong mga alagad na tumayong diakono na naging tagapangasiwa sa pagpapakain sa mga balo upang hindi mabalam ang kanilang pangangaral ng Salita ng Diyos.

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Ngunit ang talatang ito mula sa 1 Tim. 2:11 ang kadalasang nagpapa-taas ng kilay sa ating kapanahunan dahil sa hangarin ng Women’s Liberation na maging pantay sa mga kalalakihan ang kababaihan sa lahat ng antas ng sosyedad. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng “let a woman learn quietly”? Ibig bang sabihin nito ay bawal silang magsalita sa iglesia? Kung bawal silang magsalita, bakit habang nangangaral si Jesus sa tahanan nila Martha at Maria at Lazaro at malaya naman silang nakapagsasalita? Hindi ba’t inusig pa nga ni Martha ang Panginoon Jesus kung bakit hinahayaan lamang niyang si Maria na makinig sa halip na tumulong sa kaniya?

Bago natin sagutin, bigyan muli natin ng diin ang pagpapahalaga sa pakikinig sa mga pangaral ng Panginoon. Maging ni Apostol Pablo ay nagsabi rin na, “Let a woman learn.” Sa isang patriarchal na pharisaic society pang katulad nila, hindi ba’t sila pa nga ang dapat mag-taas ng kilay? Ito’y dahil ang mga Judio noon ay hindi katulad ng mga nasa panahong ito, karamihan sa kanila ay hindi naniniwalang dapat pang mag-aral ang mga kababaihan dahil mag-aasawa rin lang naman sila, mag-aalaga ng mga bata at, gagawa ng mga gawaing bahay.

Sa madaling salita, mapupulot natin dito sa sinabi ni Pablo na isa nga sa mga papel ng kababaihan sa iglesia ay maging taimtim na tagapakinig ng Salita ng Diyos, ang pagiging disciple o learner dahil kung si Maria ay nakikinig na mabuti sa paanan ng Panginoon, naging hangarin din ni Apostol Pablo na makinig na mabuti ang mga kababaihan sa pag-aaral kaya niya sinabing, “Let a woman learn quietly with all submissiveness.”

Gaya ni Maria hindi sila tinawag para makatanggap lamang ng second-hand instructions kundi upang direktang makatanggap ng aral hanggat maari, ngunit kung may katanungan makinig sa kanilang asawa.

Johannes (Jan) Vermeer’s Christ in the House of Martha and Mary

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther