Mabuti o Masama?

Minsan nyo na bang narinig ang dahilan na, “Salamat sa Dios at kalooban nya na si idol ang maging Presidente. Kahit pa maraming mamatay, ang mahalaga ay kung hindi man malilipol ay mabawasan ng husto ang krimeng sanhi ng droga”?

NOON kasi batid pa ng mga Kristiyano na maaring itutulot ng Dios ang mabuti o masama at ang batayan kung ito ay mabuti o masama, ang batayan kung ito parusa o pagpapala ay ang Biblia.

Ngunit ngayon nga, dahil sa huwad na pag-asa, inaakap ng marami ang panatisismo. Ang kaisipang umiiral ngayon ay dahil sa itinulot ng Dios ang bagay na ito, anumang kagagawan ng kanilang iniidolo ay laging mabuti at dapat suportahan kahit pa taliwas sa kasulatan.

Ang sabi sa, Lamentations 3:37-38,

“Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang MASAMA at MABUTI.”

Bagamat tinulot ng Dios na maluklok ang mabuti o masamang lider ng bansa, ang batayan kung ang ginagawa nya ay mabuti na dapat suportahan o masama na dapat tutulan ay ang nasusulat hindi sa haka-hakang dahil sya ay naluklok, lahat na ng kanyang gagawin ay mabuti.

ispeak_lam3

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther