Kulto ng Mga Bobo

Sana hindi pa huli ang lahat. Masagip pa ang mga kapatid?na napasali sa “kulto ng mga bobo.” Nagaganap na ito sa America, ngunit gaya ng laging nakagawian ginagaya natin si Uncle Sam,

Read: The Cult of Ignorance in the United States: Anti-Intellectualism and the “Dumbing Down” of America.

Pinapahiya ang mga nag-aaral at niluluwalhati ang kamangmangan. Dinadaan sa papopogian at pabebehan wala nang puwang sa kaalaman.

Iba ang karunungan ng sanlibutan (1 Cor. 1:21)?kumpara sa?karunungan ng Dios (1 Cor. 1:24). Hindi tulad ng talino’t galing sa kalokohan (Prov. 10:23a) kundi ang talinong nasa katuwiran o katarungan (Psa 37:30) at naririto lagi ang kaniyang kagalagakan (Prov. 10:23b).
kulto_ng_BOBO

Hindi yung puro lang damdamin ang pinaiiral kundi ang karunungang nagmumula sa Dios (Prov. 2:6) na?nanunuot sa puso (Prov. 2:10). Sila ang mga ang taong pinagpala (Prov. 3:13) hindi nawawala sa tamang ng landas (Prov,. 4:5, 11), dahil sa karunungang ito iniingatan sila (Prov. 4:6) kaya’t hindi?nagmamataas dahil sa kamangmangan (Prov. 11:2).

Ang simula ng karunungan ay ang pagkatakot sa Dios (Prov. 15:33) na higit na mahalaga (Prov. 4:7; 8:11) kumpara sa materyal ng salibutang ito (Prov. 16:16).

Ang tunay na nakay Kristo (1 Cor. 1:30) nakatatanggap nito (1 Cor. 2:13) sa pamamagitan ng kanyang biyaya (2 Cor. 1:12). Kung na-reliaze nyo na nawawalan nga kayo nito dahil sa kaka-FB at panonood ng tele-novela, hindi pa nga huli ang lahat, sabi ni Santiago,

“If any of you lacks wisdom, he should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to him.” (James 1:5)

Tiyakin nyo lang na ang makukuha nyo ay hindi sa Diablo (James 3:15). Ngunit papaano? Makikita ito sa buhay na mabuti at may kababaang-loob (James 3:13), nagpapasakop, tapat at totoo (James 3:17).

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther