Kamanggagawa sa Iglesia

“Meanwhile a Jew named Apollos, a native of Alexandria, came to Ephesus. He was a learned man, with a thorough knowledge of the Scriptures. He had been instructed in the way of the Lord, and he spoke with great fervor and taught about Jesus accurately, though he knew only the baptism of John. He began to speak boldly in the synagogue. When Priscilla and Aquila heard him, they invited him to their home and explained to him the way of God more adequately. When Apollos wanted to go to Achaia, the brothers encouraged him and wrote to the disciples there to welcome him. On arriving, he was a great help to those who by grace had believed. For he vigorously refuted the Jews in public debate, proving from the Scriptures that Jesus was the Christ.”

Acts 18:24-28

Sa eksenang ito sa Mga Gawa, Acts 18:24-28, magkatuwang ang mag-asawang Priscilla at Aquila sa pangangaral kay Apollos sa kanilang tahanan. Dapat nating tandaan ang iglesia noon ay nagpupulong sa kani-kanilang mga tahanan hindi tulad ng mas madalas na kalagayan ngayon. Ang salitang Griego na ginamit dito ay “ekitheime” base sa Lexicon ay “expound; expose” at ang tinutukoy dito ay ang “Word of God.”

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Samakatuwid, maari ring maging katuwang ang kababaihan kasama ang kanilang mga asawa sa personal na pamamaraang makapagpaliwanag ng Salita ng Diyos tulad sa pagkakataong ito. At dahil nga sa kanilang ginawa, si Apollos ay sinasabing naging kapaki-pakinabang sa iglesia, ang sabi pa nga ay “great help” sa mga mananampalataya, o doon sa mga tinaguriang “by grace had believed.” Kapansin-pansin din ang unang pagbanggit kay Priscilla na siyang babae sa kanilang dalawa. At hindi lamang iyan ang unang pagkakataon kung saan si Priscilla ang unang binanggit sa talata, mababasa rin sa Roma 16:3

“Greet Priscilla and Aquila, my fellow workers in Christ Jesus.”

Romans 16:3

Hindi lang unang binanggit si Priscilla kaysa kay Aquila, bagkus sila ay itinuring pang kamanggagawa ni Apostol Pablo kay Kristo: “my fellow workers in Christ Jesus.” Siya nga pala, si Aquila ay gumagawa rin ng tolda ayon sa Mga Gawa, Acts 18:3. Ganun din sa 2 Timothy 4:19.

Hindi naman natin nais pang palakihin kung may mga pagkakataong inuuna ang pangalang ng babae sa mag-asawa dahil sa 1 Cor. 16:19, ang unang binanggit ay si Aquila. Ganun pa man ang gusto nating bigyan ng diin dito ay ang paglahok ni Priscilla (o Prisca) sa gawain ni Aquila na mag paliwanag (expound) ng salita ng Diyos kay Apollo. Oo, maaring sabihing si Aquila ang nagpaliwanag kay Apollo ngunit hindi maitatanggi na naging katuwang niya si Prisca. Hindi lang katuwang sa pamilya ang kababaihan kundi sa ministeryo rin ng kanilang mga asawa, sa pagkakataong ito bilang ekspositor ng salita ng Diyos sa personal nilang pamamaraan.

Aquila, Priscilla, and Apollos

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther