Sinabi Ba Sa Matthew 7:1 Na ‘Do Not Judge’?
Isa?sa mga popular na dahilan (excuses) kapag ang paniniwala o ginagawa ng isang tao ay pinupuna ay ang “Do not judge”, pero sinabi nga ba ito sa Biblia?
Ang sagot ay oo at hindi. Oo, sapagkat talagang mababasa natin ito bilang bahagi ng Mat. 7:1. Hindi, sapagkat hindi lang naman iyan?ang sinabi?sa talata. Ang talagang mababasa natin ay, “Do not judge, or you too will be judged.” Hindi naman, “Do not judge (period).”
[Basahin din ang?Top Ten?Excuses Na Binibigay Kapag Napupuna Ang Maling Pananaw O Paniniwala.]
Ang Mat. 7:1-6 ay bahagi ng isang mahabang sermon ng Panginoon sa paanan ng bundok (Mat. 5:1) na naglalaman ng maraming paksa:
Pagkatapos Niyang mangaral, bumaba Siya sa bundok at nagpagaling ng mga may sakit (Mat. 8:1-17)
Ang Mat. 7:1-6 ay isang babala laban sa paghatol nang hindi rin mahatulan ng kapwa. Ang sinabi ay,
“Huwag humatol upang hindi matulan.”
Hindi naman basta lang,
“Huwag humatol.”
Ang dahilan ay ibinigay sa Mat. 7:2-5 laban sa kapaimbabawan (double standard or hypocritical judgment). Kahit pa sagrado at mahalaga (tulad ng perlas) ang hatol na iyon, kung mula naman sa isang mapagpa-imbabaw (Mat. 7:4), yuyurakan lang at siya pa ang mapagbabalingan (Mat. 7:6). Bago raw ituwid ang pagkakamali ng iba, itama muna ang sarili (Mat. 7:5) dahil kung paghahambingin sa pamamagitan ng iisang panukatan, ang mapagpaimbabaw na hatol ay puwing lamang kumpara sa trosong nasa mata ng humahatol (Mat. 7:3-4).
Ang makatuwirang paghatol ay hindi ipinagbabawal. Tinalakay na ito sa Mat. 5:21 na ang sabi ay, “anyone who murders will be subject to judgment” at sa Mat. 5:21, “anyone who says to his brother, ‘Raca,’ is answerable to the Sanhedrin” at sa Mat. 5:25, “Settle matters quickly with your adversary who is taking you to court. Do it while you are still with him on the way, or he may hand you over to the judge, and the judge may hand you over to the officer, and you may be thrown into prison” na nangangahulugang may mga tagahatol pa rin. Iba pa ang paghatol na ito sa paghatol ng Dios sa Araw ng Paghuhukom (Mat. 10:15; 11:22, 24; 12:36).
Sa Mat. 18:15 sinabi ng Panginoon na kung may kapatid na magkakasala, siya ay dapat pagsabihan sa kaniyang pagkakasala. Isang uri na ito ng makatuwirang paghatol. Para masabi mo na may mali ang isang kapatid dapat alam mo kung ano ang tama at mali. At dahil sasabihan mong siya ay nagkakamali o nagkakasala, ikaw ay nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng isang sukatan kung ano ang tama at mali. At kung ayaw ka niyang pakinggan, sabi sa Mat. 18:16, inaatasan kang magsama ng dalawa o tatlo pang kapatid na tatayong saksi. Isa na naman itong uri ng paghatol, at ang mga gaganap nito ay ang dalawa o tatlong saksi na iyong isasama upang siya ay maiwaksi. Ngunit kung ayaw pa rin niya silang pakinggan, inaatasan na ang buong iglesia sa Mat 18:17 na hatulan siya sa pamamagitan ng pagturing sa kaniya bilang isang pagano.
Ang mga taong humahatol ay may sariling standard ng tama at mali, kung ano ang katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap. Ang problema ay kung ang humahatol ay nagiging “subjective” o may “double-standard” na ginagamit (Mat. 7:1-6),?karnal o base sa pamantayan ng sanlibutang ito (John 8:15), base lang sa panlabas na kaanyuan lamang (John 7:24; 1 Cor. 4:5), o kaya ay patungkol lamang sa pagkain o araw na pinapahalagahan (Col. 2:16). Pero mayroon namang?paghatol na matuwid at makatarungan, ang sabi pa nga ng Panginoon,
“Huwag kayong humatol ayon sa nakikita. Humatol kayo ng matuwid na paghatol.” (John 7:24)
Narito ang ilan sa mga matuwid na paghatol:
Nang mangaral si Pablo sa mga Taga-Berea sa Acts 17:11, sinaliksik ng mga ito ang kaniyang mga ipinahayag batay sa banal na kasulatan. Kahit nga pahayag pa ng isang anghel base naman sa Gal. 1:9 ay dapat ding hatulan kung ito ay taliwas sa pamantayang Ebanghelio.
Hindi tayo iniwanan ng Panginoon para mangapa sa dilim. Sa pamamagitan ng Ebanghelio at pagbabago ng pag-iisip (Rom. 12:2), pananagutan nating lahat na maging mapanuri (1 John 4:1; 1Thes. 5:21) at maging matuwid sa paghatol (John 7:24) sa mga binanggit.
Recent Comments