May dalawang klase ng Sabatista ngayon. Yung naniniwala na dapat ipangilin ang 7th day of the week samantalang yung isa naman ay dapat raw ipangilin na yung 1st day of the week dahil ngunit wala sa dalawang ito (First Day or Seventh Day) ang dapat nating panghawakan.
Sa Rom.?14:1 tinuring ni Pablo ang usaping ito bilang isa sa mga “disputable matters” na ayon sa context ay hindi dapat pagtalunan sa puntong hahatulan o mamaliitin mo ang iyong kapatid na hindi mo katulad sa iyong pinaniniwalaan.
Inulit niya ang pahayag na ito sa Col. 2:16,
“Therefore let no one pass judgment on you in questions of food and drink, or with regard to a festival or a new moon or a Sabbath.”
Sabi niya sa mga taga Colosas na wag silang papahatol hihnggil sa pagkain o iniinum o kaya sa mga araw na pinapahalagahan o ipinagdiriwang. Tinukoy nya ang mga religious feasts na ito na:
Sabi pa nya sa Col. 2:23, sa biglang tingin, tila makakabuti ang ganitong klase ng pagsamba, ngunit sila ay katuruan na lamang at kautusan ng mga tao (Col. 2:23), hindi na ito katulad nung una sapagkat narito na si Kristo.
Maliban sa nasumpungan na ang katuparan ng mga aninong ito kay Kristo (Col. 2:17), pinawalang-bisa ang mga alintuntuning ito na noo’y nagsilbing hadlang sa tao,?kaya ang mga ito ay inalis at ipinako sa krus (Col. 2:14). Dahil sa dugo ni Kristo?ang?mga Judio at Gentil ay ipinag-isa at?inilapit sa Dios bilang si Jesus ang haing pangkapayapaan (Eph. 2:13-15).
Ang mga nagpapatupad na lamang nito ay sa pamamagitan ng pamimilosopiya,?pandaraya at tradisyon ng mga tao at hindi naayon kay Kristo (Col. 2:6-8). At hindi naipag-adya ang mga iglesia sa bansang ito dahil marami ngayon, sa pangunguna ng Intercessors For?the Philippines (IFP) ay patuloy na pino-promote ang ganitong mga alituntunin
Recent Comments