Tanong: Yung pagkatok ba sa Rev. 3:20 ay may kinalaman?sa pagpapatanggap sa mga hinahayuan ng ebanghelyo?
May sariling diwa ang pagkatok doon partikilar?sa iglesia sa?Laodicea. Simulan ang pagbasa mula?sa t.14. Ibig sabihin mga mananampalataya?na sila hindi na “pinatatanggap” pa sa ebanghelyo.
Sa t. 16 kasi hindi sila mainit at hindi malamig kaya idudura sila, ibig sabihin, patalinhagang sinasabi na nasa bunganga na sila idudura pa lang.
Sa t.17, dahil sa kanilang yaman, yung kahirapan nila ang hindi nila napapansin. Paradoksikal ito ng yamang materyal sa kahirapang espirituwal.
Sa t.18 naman kailangan nila ng disiplina na maaring sinasagisag ng gintong dinalisay ng apoy; katuwirang pusibleng sinasagisag ng puting kasuotan; at katotohanang, kung tama ang interpretasyong ito, ay sinasagisag ng pampahid sa mata.
Tapos ay sa?t. 19 sabi nya,
“Those whom I love I reprove and discipline so be zealous and repent.”
At sa t. 20,
“Here I am! I stand at the door and knock. ?If anyone hears my voice and opens the door, I will come in and eat with him, and he with me.”
Sa madaling salita, ang pagkatok ng Panginoon dito ay nagpapakahulugan ng pagtutuwid at pagdidisiplina Niya patunay?ng Kaniyang pagmamahal (t. 19). Kaya’t kung pagbubuksan nila, ibig sabihin tinatanggap nila ang Kaniyang pagdidisiplina (gold refined by fire), katuwiran (white garment), at katotohanan (salve). Ang sinasabihan dito ay mga mananampalataya na hindi hinahayuan pa lamang.
—Nariyan na Bibliya?ang diwa kaya hindi na mahirap hanapin ang kahulugan.
Recent Comments