Malisyosong “gay agenda” ginagamit ang halik sa Biblia para palabasing bading sila David at Jonathan,
“And as soon as the boy had gone, David rose from beside the stone heap and fell on his face to the ground and bowed three times. And they kissed one another and wept with one another, David weeping the most” (1 Samuel, 20:41).
Ngunit sa diwa ng talata ang halik sa mga taga Gitnang Silangan ay ang kanilang paraan ng pagbati. Makikita sa mga larawan maging kung paanong sa ngayon ang kustumbreng pagbati sa maraming bansa lalo na sa Gitnang Silangan ay ang halik.
Sa Luke 22:47 naman mababasa natin ang katuparan ng hula ni Jesus na ipagkakanulo siya ni Judas sa pamamagitan ng isang halik,
“While he was still speaking, there came a crowd, and the man called Judas, one of the twelve, was leading them. He drew near to Jesus to kiss him” (Luke 22:47).
Bagamat ang kadalasang binibigyang diin dito ay ang ginawang pagkakanulo ni Judas, maraming di nakakapansin na kaya hinalikan ni Judas si Jesus dahil ito ay kustumbre ng kanilang pagbati sa Palestina. Ngunit bilang katuparan ng hula, ang halik ding ito ang siya ring ginamit ni Judas upang ipakilala si Jesus sa mga kasamahan niyang darakip sa kaniyang kaibigan.
Sa Roma 16:16 naman mababasa nating muli ang halik bilang tanda ng walang malisya kundi isang banal na pagbati bilang magkakapatid,
“Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you” (Romans 16:16).
Next:?Balabal ni Jonathan ibinigay kay David.
Recent Comments