Kamakailan ay naging viral ang itim na kabayo sa YouTube at maraming mapamahiing Kristiyano pa nga ang nagpapakalat nito sa mga social networking sites sa paniniwalang ito na ang isa sa Four Horsemen of the Apocalypse.
Sa Aral ng Itim na Kabayo, hindi birong sitahin ang mga mapamahiing sumasanto sa mga kabayong ito?dahil sa?madali silang magalit. Katunayan, hindi?man lang nila?naisip na ang nakalagay sa?Revelation 6 ay “horsemen” hindi “horse” lamang.
Hindi rin nila naisip na ang Apocalypse o mas kilala sa tawag na “Revelation”?ay isang aklat na puno ng “mixed metaphors” o mga pinaghalo-halong talinhaga at mga simbolo. Kaya ang paraan ng interpretasyon dito ay hindi kasing tulad ng interpretasyon ng ibang aklat ng Bibliya. Tulad halimbawa sa Acts 23:23, dahil ang Acts of the Apostles ay isang “narrative” sa “genre,” ang?pagbasa nito ay ay tulad ng pagbasa ng isang nagsasalaysay ng kasaysayan. Kaya ang kabayo rito ay literal na kabayo, at?may?mga nakasakay na nangangabayo gaya ng sabi sa salaysay.
Ngunit ang ipinahayag ni Juan sa Revelation 6 ay?isang pangitain o vision?ng mga magaganap at punong-puno ang pangitain niya ng mga?simbolo o sagisag.?Ganun pa man,?ang Four Horsemen of the Apocalypse ay isa sa pinaka-madaling ipaliwanag dahil ang kahulugan nila ay nakasulat na.
Ang apat na ito ay sagisag ng kamatayan sa malaking bahagi (1/4) ng populasyon sa pamamagitan ng digmaan, kagutuman, salot at mababangis na hayop (Rev. 6:8). Lohikal ang kanilang pagkakasunod-sunod: una ang tanda ng agression sa presensya ng mananakop, ang lohikal na kasunod nito ay ang digmaan sanhi ng agression o pananakop. Ang lohikal na kasunod nito ay ang pagtaas ng bilihin o?kasalatan sa pagkain resulta ng nagaganap na digmaan; at lohikal na kasunod naman nito ay kamatayan sanhi ng?salot o mga sakit.
Hindi naman kinakailangang makita pa ng tao ang mga kabayo bago maganap ang mga bagay na ito sapagkat nakita na ito ni Juan sa kaniyang pangitain.
Hindi man niya ito nakitang pisikal na nasa langit gaya ng gustong mangyari ng mga superstitious na mga Kristiyano. Nakita niya ang pangitain ?ng mangusap ang Dios sa kaniyang isipan.
Ang katuparan nito ay literal na madarama ng malaking bahagi ng populasyon sa pamamagitan ng digmaan, kagutuman, salot at mababangis na hayop. Natiyak natin ito dahil ang kasulatan na ang nagpaliwanag,
“They were given power over a fourth of the earth to kill by sword, famine and plague, and by the?wild beasts of the earth. “
Ngunit hindi ito ang unang pagkakataong binanggit ang mga kaparusahang ito, sa Apocalyptic?vision sa?Ezekiel 14:21-23, binanggit ang apat na ito: ang espada, ang kagutuman, ang mababangis na hayup at ang salot.
“For this is what the Sovereign LORD says: How much worse will it be when I send against Jerusalem my four dreadful judgments-sword and famine and wild beasts and plague-to kill its men and their animals!”
Hindi ang mga kabayo o mga nangangabayo ang literal na makikita kundi ang kahulugan ng mga sagisag, hindi ang symbol ang literal kundi ang referrent.
Previously: Ang Aral sa Itim na Kabayo
Recent Comments