May dalawang klase ng Sabatista ngayon. Yung naniniwala na dapat ipangilin ang ika-7th day of the week samantalang yung isa naman ay dapat raw ipangilin na yung Sunday dahil raw ito ang araw ng resurrection ni Lord. Pero alin ba sa dalawang ito ang dapat paniwalaan ng mga Kristiyano?
Sa Romans 14:1 tinuring ni Pablo ang usaping ito bilang isa sa mga “disputable matters” na ayon sa context nito ay hindi dapat pagtalunan sa puntong hahatulan o mamaliitin mo ang iyong kapatid na hindi mo katulad sa iyong pinaniniwalaan.
Alalahanin natin ang batang iglesia noong mga panahong sinulat ang liham na ito ni Pablo binubuo ng mga Gentil at mga Judio na maaring hindi pa naaawat sa kautusan ni Moses. Katulad na rin ng ibinabang pasya ng Church Council sa Jerusalem na mababasa natin sa Acts 15:20-21 na pina-iiwas sila sa mga pagkaing binigti at may dugo sapagkat ang kautusan ni Moses ay ipinapangaral pa.
Sa madaling salita, may mga kapatid na mula sa Judaism na hindi pa lubusang naawat sa paniniwalang may mga pagkaing “nakakarumi” na dapat na iwasan dahil sa Lev. 11:1-44 at mga araw na dapat ipangilin (Lev. 23:1-44).
Base sa tema ng kaniyang pinapangaral mula Rom. 13:8,10 hinihimok ni Pablo?na ang magkakapatid ay?magmahalan sapagkat ito ang katuparan ng kautusan.?Kaya naman aniya ay huwag hahatulan ang mga kapatid na may mahinang pananampalataya na gulay lamang ang kinakain (Rom. 14:2), huwag siyang hatulan tungkol sa kahinaan niyang ito (Rom. 14:4).
Isinama niya rito ang tungkol sa pagpapahalaga sa araw o mga araw.?Sabi niya sa Rom. 14:5 na may taong nagpapahalaga sa isang araw kaysa sa ibang araw alang-alang sa Panginoon samantalang may iba naman na pare-pareho lang ang trato sa bawat-araw. Alinman ka man sa mga ito, ay hindi mo dapat hatulan o kaya hadlangan ang iyong kapatid alang-alang sa pagmamahal mo sa kaniya at alang-alang kay Kristo na namatay para rin sa kaniya (Rom. 14:15).
Ganun pa man, dahil sinabi niyang “another man considers every day alike” (Rom. 14:5) at sinabi rin niyang “let us stop passing judgment on one another” (Rom. 14:13), kahit wala naman ang salitang “alike” sa orihinal na kasulatan, ipinapabatid nito?na sila ay pantay-pantay at walang araw na mas nakahihigit (one day above the other) sa ibang mga?Kristiyano. Patunay ito na may kalayaan sila tungkol sa usaping ito.
Kaya sa tanong na kung alin sa dalawang klaseng Sabatismo ang dapat paniwalaan ngayon ng mga Kristiyano, ang sagot ay wala sa kanila,?sapagkat nang isulat ito ni Pablo, bata pa ang iglesia at marami pang hindi nakakaunawa sa kalayaang ibinigay ni Kristo na sa halip sila ay lumago ay maari pang matisod kaya dapat bigyan pa sila hindi lamang ng panahon para matuto?at makaunawa na hindi kinukundena o kiya hinahadlangan dahil sa kalayaang tinatamasa na ng iba.
Continued: Hollow and Deceptive Philosophy.
Recent Comments