Effectual Call

Maraming ibig sabihin ang salitang “call” maaring pinapalapit mo ang isang tao (Mat. 20:8) sa isang panawagan (James 5:14) o kaya tinatawagan mo siya sa telepono para makausap.

romans-8-30-called-by-god-pic-001

Meron pa nga ang ibig sabihin ay pinapangalananan o binabansagan (Mat. 1:23; Eph. 2:11) o kaya ang ibig sabihin ay “vocation” (calling, see Acts 16:10; Rom. 1:1). Minsan sa katawagan malalaman mo kung ano ang relasyon nila sa isa’t-isa (John 15:15; Heb. 2:11) at marami pang ibang kahulugan na hindi na natin tatalakayin sa ngayon.

Ang “effectual call” naman na tinutukoy ng mga “Reformed” ay katumbas sa salitang pag “summon” ng isang Hukom. Kapag nakatanggap ka ng “summon” ilegal ang hindi mo pagharap sa korte.

Kapag sinabing “effective call” particular ito sa mabisang pag-summon ng Dios sa Kaniyang mga hinirang. Mabisa ito at makapangyarihan (2 Tim. 1:8) sapagkat ang Espiritu Santo ang Siyang nagbibigay ng bagong pagkatao sa mga tinatawag ng Dios upang sila ay makasunod. Kung wala ang pagkilos ng Espiritu Santo, maaring tanggihan ng pinahayagan ng pagtawag ang pagkaka-summon sa kaniya.

Ang bagong pagkatao na iyon ay resulta ng sumusunod na terminong ipinahayag sa Biblia:

  • Circumcision of the heart (Deut. 30:6),
  • New heart (Ezek. 36:26),
  • Heart of flesh (Ezek. 11:19), o
  • New spirit (Ezek. 11:19).

Ang iba pang tawag dito ay: “regeneration”, “spiritual birth”, “born again”, “born anew”, “born of God” o kaya “born from above”.

Sa “mabisang pagkakatawag ng Dios” (effectual call), ang mga hinirang ay lumalapit at sumusunod. Resulta ito nang bigyan sila ng bagong pagkatao. Kaya sila ay sumasampalataya at sumusunod sa Dios. Sa ilalim ng Bagong Tipan, tinatawag sila upang sumampalataya sa Anak (Acts 2:39) para sila ay maging mamamayan Niya (Rom 9:25) na nabubuhay sa kabanalan (1 Thes. 4:7; 1 Pet. 2:9). Ang pagtawag sa kanila ay sa pamamagitan ng Ebanghelio (2 Thes. 2:13-14). Sa ganitong paraan kasi itinakda ng Dios na maligtas ang mga pinili Niyang mabiyayaan ng kaligtasan (2 Thes. 2:13). At maaring ang tinig ay magmula sa bibig ng iba:

  1. Mula sa tinig ng Anak (Mat. 9:13);
  2. Mula tinig ng mga Apostol (Rom 1:5); at ng mga
  3. Mangangaral (Rom 10:14).

Ang effectual call ay hindi nababali o hindi binabawi ng Dios (Rom 11:29). Iba pa rito iyong pag-tawag ng Dios sa isang malakihang pagtitipon sa wakas ng panahon (Mat. 24:31; 1 Cor. 14:8; 1 Thes. 4:16).

Gaano ito kabisa? 100%! Kaya tawag ng iba rito ay “irresistible.” Dahil sa pamamagitan ng salita ng Dios, tinawag ang sanlibutan mula sa kawalan (John 1:1-3; Gen 1:1). Sa pamamagitan ng salita ng Dios tinawag si Lazaro mula sa libingan at nabuhay (John 11:43). Sa pamamagitan ng salita ng Dios ang mga ipinagkaloob kay Kristo ay lalapit kay Kristo upang Siya ay maging panganay sa kanila (Rom. 8:29-30). Bahagi ito ng tinaguriang “unbreakable chain of salvation” (Rom 8:30). Sabi sa 2 Tim 1:8-12,

“So do not be ashamed to testify about our Lord, or ashamed of me his prisoner. But join with me in suffering for the gospel, by the power of God, who has saved us and called us to a holy life–not because of anything we have done but because of his own purpose and grace. This grace was given us in Christ Jesus before the beginning of time, but it has now been revealed through the appearing of our Savior, Christ Jesus, who has destroyed death and has brought life and immortality to light through the gospel. And of this gospel I was appointed a herald and an apostle and a teacher. That is why I am suffering as I am. Yet I am not ashamed, because I know whom I have believed, and am convinced that he is able to guard what I have entrusted to him for that day.”

Ang magagandang paglalarawan nito ay nasa Mat. 21 at 22, sa pamamagitan ng: “Parable of Two Sons” (Mat. 21:28-32), “Parable of the Tenants” (Mat. 21:33-46), at lalong lalo na, sa “Parable of the Wedding Banquet” (Mat. 22:1-14). Dahil sa talinhagang ito, iyong mga unang tinawag ay hindi nagsidalo pero iyong mga “common folks” na tinawag ay nagsidalo. Itong huli ang naglalarawan ng “effectual call.” Dahil dito natupad ng propesiya sa Hosea 2:23 na ipinahayag rin sa Rom. 9:25,

“As he saith also in Hosea, I will call them my people, which were not my people; and her beloved, which was not beloved.”

Purihin Siya.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther