?Huwag kang papatay.?
Isa sa mahahalagang utos sa Matandang Tipan na naiukit sa bato para sa bayan ng Israel (Exo. 20:13) na ibinigay ng Dios sa kanila sa Sinai sa pamamagitan ni Moses. Ngunit masasabi ring ito ay ?batas? na nakaukit na sa puso ng tao (Gen. 1: 26; 4:9-13; 8:17; Rom. 2:14) sapagkat ang bawat-tao ay sinabing imahe ng Dios (imago dei. Gen. 1:26 cf. James 3:9). Kahit nga ang Dios na omniscient na ay nilitis at?dininig pa rin ang kaso nila Adan at Eba at Ahas sa Eden bago sila pinatawan ng kaparusahan.?Sabi pa nga ng isang abogadong si Atty. Rene Espina, Manila Bulletin, accessed: Jan. 4, 2016,
“The Bible says that when Adam and Eve disobeyed God?s prohibition, that they must not eat the forbidden fruit, the Lord did not immediately punish them. The first thing that he did was to ask: ?Where art thou Adam?? thereby giving him notice. When the culprit timorously appeared, the all-knowing Lord who did not need to be told nevertheless asked, ?Didst though eat of the forbidden fruit?? thereby giving him a chance to be heard. The minimum rights to notice and hearing were thus observed by the Eternal Judge. Thus the groundwork for justice and fair play was established.”
Ito ay pagpapatuloy ng serye na tumatalakay sa Biblikal na pamantayan sa pagpili ng lider ng bansa, partikular sa pagka-Pangulo. Basahin dito ang Part-1.?Biblical Election Guidelines.
Madalas nating naririnig ang mga katagang ito pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng due process of law? Ito ay ang karapatang ng bawat mamamayang ipagtanggol ang sarili na mabuhay at maging malaya sa ilalim ng batas. Ani Moreno, F. B, sa Philippine Law Dictionary, 3rd ed. (Quezon City: 1988), p.294,
“Due Process of law simply means that before a man can be deprived of his life, liberty or property, he must be given an opportunity to defend himself.”
Kaya ang dapat na ang ihahalal na Pangulo ay hindi mamamatay-tao o nagpapakilalang mamamatay-tao na walang pakundangan sa batas ng Dios at batas ng tao. Ito ay sapagkat kung ngayon pa lang kung bukambibig na niya ay pumapatay at papatay pa siya,?bakit mo pa bibigyan ng higit pang kapangyarihan? Upang mas marami?pa siyang patayin?
Sa Biblical narrative, maa-alalang may mga?”berdugong diktador.” Isa na rito?ay nasa katauhan ni Faraon na pumaslang ng mga kabataan kaedad ni Moses (Exo. 1:22). Ang isa pa ay nasa katauhan ni Herodes na pumaslang ng mga kabataang kaedad ng Panginoong Jesus (Mat. 2:16).
Dapat ang ihahalal sa pagiging lider ng bansa ay rumirespeto “due process of law” na nag-iingat sa karapatan ng bawat mamamayan, lalo na sa karapatang mabuhay.
Hindi natin sinasabing sa batas ng Israel sila sumunod kundi sa batas ng Dios na para sa lahat ng tao. Ang batas na ito ay matatagpuan rin sa batas ng ating Republika. Basahin din ang mga sinasabi sa Salita ng Dios: Deut. 17:4-13 na nagtataguyod ng due process sa bayang Israel. Maging sa Iglesia ay mayroon ding proseso di man akma sa una na nating ibinigay, mababasa ito sa Mat 18:15-18.
Dito’y mababasa natin na kailangan nila ng masusing pagsisiyasat sa karumal-dumal na krimen (o paglabag sa batas) na nagaganap. Dito pumapasok ang mga imbestigasyon ng kapulisan at mga paglilitis sa korte. Kailangan talagang may matibay na katibayan at mga saksi. Sa batas ni Moses para sa Israel, at least dalawa ang saksing kailangang magpatibay kung death penalty ang paguusapan. At ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay ipinasasakamay sa tumayong saksi at sa taong-bayan. Sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagpataw ng death penalty ay ipinasasakamay sa mga tinatawag na ?berdugo.?
Bago lapatan ng mabigat na parusa ang sinuman, dapat ay mapatunayan muna talagang may sala sa mamamagitan ng masusing pagsisiyasat o imbestigasyon gaya rin ng nakasaad sa Deut. 7:4, 6-7. Sa kasalukuyang Batas ng Pilipinas, ang pinakamabigat na parusa ngayon ay habang-buhay na pagkakabilanggo. Ito matapos isuspinde ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang death penalty bilang pinakamabigat ng parusa o capital punishment noong 2006 sa pamamagitan ng Republic Act 9346.
Kung magiging mahirap ang pagpapasya o paghatol sa krimen sa isang bayan sa Israel, dapat umanong idulog ang paglilitis sa lugar na itinakda ng Panginoon. Sa Pilipinas ang paglilitis sa mabibigat na krimen ay dinidinig sa isang Trial Court. Ngunit kahit pa mapatunayan na ang isang nagkasala, hindi agad-agad siyang ipinapatay (kung may death penalty) sapagkat maari pang iapila sa Court of Appeals ang kaso upang matiyak na mabuti kung naging wasto ang pagdinig sa Trial Court.
Sa batas civil ng Israel, kung ang isang kaso ay magiging mahirap para sa paglilitis sa isang bayan, itinakda ng Panginoon na dinggin ang kaso sa harapan ng mga Levitang saserdote at hukom na nasa katungkulan. Sila umano ang kanilang susundin sapagkat sila ang itinalaga ng Panginoon na dapat na magbibigay ng hatol kung dapat ngang patawan ng parusang kamatayan ang salarin. Sa batas ng Pilipinas, kahit pa mapatunayan na naging tama ang pagdinig sa pamamagitan ng Court of Appeals ay hindi pa rin agad-agad pinapapatay ang nahatulan?(kung may death penalty), muli itong didinig sa Korte Suprema para matiyak na ang mga imbestigasyon at mga paglilitis ay nasa tama. Sila ang may huling salita o ang may huling pasya sa kasong ito. Ganun pa man, sa oras na itinakdang papapataw ng death penalty, maari pa ring bigyan ng reprieve o kaya ng pardon ng Pangulo ang isang nahatulan.
Sa madaling salita, Biblical ang death penalty, yun nga lang may pinagdaraanan?ito at hindi agad-agad na ipinapataw ang kamatayan ng walang masusing imbestigasyon at paglilitis. Kung naniniwala kayo na makatuwiran ang?batas ng Dios di ba?dapat ding nakap-pattern doon ang?batas ng tao sa? At least sa karapatang mabuhay man lamang. Kaya ang batas na ito na orihinal?na?para Israel ay di kataka-takang?makita rin sa batas?Pilipinas, iba man ang format nito.
Ang problema nga lang ay sa mga taong maimpluensya lalo na sa mga nasa katungkulang may hawak na sandatang nakakamatay. Sa halip na ang bawat suspek ay dumaan muna sa mahabang proseso ng pagsisiyasat at paglilitis, mas ninanais nila ay mag- short-cut na lamang sa pamamagitan ng vigilantism, police brutality at rub-out.
Mahalagang sundin natin ang proseso na itinakda ng Panginoon sapagkat sinabi nga ni Sir William Blackstone,
?Better that ten guilty persons escape than that one innocent suffer.?
Si Blackstone ay nagsilbing mangangaral, hukom at mambabatas sa Inglatera mula 1758 hanggang 1768.?Siya na?sumulat “Commentaries on the Laws of England”?at?kinikilalang naging influential sa Saligang Batas ng?Estados Unidos. Hindi humanistic ang view ni Blackstone kundi Judeo-Christian. Ganito naman ang pakilala sa kaniya?sa Black Stone Institute website (accessed: Jan. 4, 2016),
“Blackstone taught that man is created by God and granted fundamental rights by God. Man?s law must be based on God?s law.?
Kaya mga kapatid, ang mga taong mahilig sa short-cut ay hindi dapat bigyan ng karagdagang kapangyarihang maging Pangulo ng bansa lalo na kung bukambibig niya ang pag-gamit ng short cut sapagkat buhay ng tao ang nakataya dito.
Nakasaad sa ating Saligang Batas, sa Constitution of the Republic of the Philippines (1987), sa Article III na kung tawagin ay Bill of Rights,
Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.
Section 14. No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.?In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy, impartial, and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his behalf. However, after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of the accused: Provided, that he has been duly notified and his failure to appear is unjustifiable.
At base naman sa Rule on the Writ of Amparo ng Korte Suprema ng?Pilipinas,
SECTION 1. Petition. ? The petition for a writ of amparo is a remedy available to any person whose right to life, liberty and security is violated or threatened with violation by an unlawful act or omission of a public official or employee, or of a private individual or entity. The writ shall cover extralegal killings and enforced disappearances or threats thereof.
Bagamat tinulot ng Dios ang Capital Punishment sa Israel, ang pagpatay ay hindi ipinasakamay sa Israel ng ng walang pagsisiyasat at paglilitis ng naayon sa batas ng Dios,
“You must investigate it thoroughly If it is true and it has been proved… come before your courts… and to the judge who is in office at that time… Act according to the law they teach you and the decisions they give you. Do not turn aside from what they tell you, to the right or to the left.? Deut. 17:4-13
Maging si John Calvin naunawaan ang kahalagahan nito, sabi niya sa kaniyang Deuteronomy 17 Commentary tinawag niya itong “mature inquiry”,
[M]oderation is to be observed, since diligent inquiry is to be made, nor is sentence to be pronounced unless the matter is fully proved; and again, that the trial may be lawful, the accusation of one man is not to convict the accused. God therefore would not have the judges, under pretext of zeal, shed blood inconsiderately; but only, after mature inquiry, the criminal was to be punished in proportion to his transgression
Itutuloy?
Recent Comments