Anong Ibig Sabihin ng ‘Do Not Give Dogs What is Sacred’ at ‘Do Not Throw Your Pearls To Pigs’?

Sabi sa Matthew 7:6, “Do not give dogs what is sacred; do not throw your pearls to pigs. If you do, they may trample them under their feet, and then turn and tear you to pieces.”

swine

May mga nagsasabi na ang application?daw ng talatang ito ay ganito: “Huwag nang paliwanagan pa ang mga kritiko, iskeptiko, o yung?sobrang?matanong patungkol sa pananampalataya dahil itinatapon lang sa kanila ang sagrado at mahahalagang bagay ngunit?masasayang lang ang mga ito sa kanila.”

Ang kaso mo, ang talatang ito ay bahagi ng diwa o konteksto?na nagsisimula sa Matthew 7:1 hanggang sa Matthew 7:6 na bahagi naman ng mahabang sermon na nagtatapos sa Matthew 7:27.

Mababasa ito sa New International Version (NIV) na may heading na “Judging Others.” Ganito ang sinabi sa Mat. 7:1-7,

“Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you.

“Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye? How can you say to your brother, ‘Let me take the speck out of your eye,’ when all the time there is a plank in your own eye? You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye.

“Do not give dogs what is sacred; do not throw your pearls to pigs. If you do, they may trample them under their feet, and then turn and tear you to pieces.”

Samakatuwid, ang talatang ito sa Mat. 7:6 ay patungkol sa paghatol ng isang ipokrito. Dahil kung ang ipokrito raw ay hahatol sa kapwa, siya rin ay hahatulan sa pamamagitan ng sarili nyang ipinanukat (Mat. 7:1-2). Hindi raw dapat humatol (Mat. 7:1) sa puwing ng iba ang isang taong may troso sa kaniyang sariling mata (Mat. 7:3-4) sapagkat iyon ay kapaimbabawan lamang. Ang kaniyang paghatol ay itinulad sa isang perlas na mahalaga sa kaniya ngunit walang halaga sa baboy kaya ito’y aapak-apakan lamang o kaya sa isang sagradong bagay na wala ring halaga sa aso, na yuyurakan lang at siya’y pagbalingan lamang.

Hindi nito ipinagbabawal ang paghatol na makatuwiran (Luke 12:57). Hindi rin nito ipinagbabawal na matiyagang pangaralan ang mga may katanungan sa pananampalataya (1 Peter 3:15;?2 Timothy 2:25).

 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther