Dapat bang ipagdiwang?natin ang Pasko gayong wala namang utos tulad ng mababasa natin sa Lev. 23:1-44 patungkol sa mga pista sa Israel??Yan ang isa sa mga katanungan na natatanggap ko sa tuwing sasapit?ang panahon ng kapaskuhan.?Ang iba pa nga ay nagsasabing pagan practice daw ang ganitong celebration?kaya?dapat na iwasan. Ngunit bilang mga Bible-based Christians ano ba ang dapat nating gawin?
Wala mang utos na ipagdiwang bilang pista ang kapanganakan ng Mesiyas (nung una ang tawag dito ay “Feast of the Nativity of the Sun of Righteousness”), wala rin namang pagbabawal laban dito. Kaya sa puntong ito ay magandang hiramin?ang prinsipyong ginamit ni Pablo sa 1 Cor. 6:12a,
“Everything is permissible for me”–but not everything is beneficial. “Everything is permissible for me”–but I will not be mastered by anything.
Oo nga’t ang pasko ngayon ay?sobrang sa kumersialismo?at?materialismo, but?of?all the people who celebrates Christmas, tayong mga Bible-based Christians na mas nakakaunawa at mas nakaka-alam ng kabuluhuan ng kapanganakan ni Kristo ang dapat na?manguna sa isang meaningful celebration?nito.
Ang pasko ay punong-puno ng mga sagisag na maari nating gamitin ipang ipangaral ang Ebanghelio sa ating mga kaibigan at kaanak lalong-lalo na sa mga kabataan. Tulad halimbawa ng mga Christmas gifts bilang?simbolo ng tinamasa nating kaligtasan na hindi nababayaran (Eph. 2:8-10), ang Christmas tree?na maaring gamiting simbolo ng pagkapako ni Kristo sa krus na tumubos sa atin sa kasalanan (Gal. 3:13) at ang Star of Christmas at Christmas lights?bilang kapahayagan na si Kristo ang ating?tanglaw (John 8:12) kaya?dapat?ipinagniningning natin ang Kaniyang liwanag sa sanlibutan (Mat. 5:14).
Maraming alegasyon na ang mga sagisag na ito ay hiniram sa mga pagano?nung unang panahon. Ganun pa man, ang mga pagan practices na iyon ay naglaho na dahil napalitan ng pagdiriwang ng kapaskuhan. Sa halip na ang gunitain ay?ang?mga paganong dios-diosan, ang itinatanghal?na ngayon ay ang Dios sa Kaniyang kabutihang-loob at pag-ibig na ipinadama ng?ibigay?Niya bilang kaloob ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya?ay magkaroon ng buhay na walang-hanggan (John 3:16).
Kahit pa hindi naman talaga Dec. 25 tunay na ipinanganak ang Mesiyas, ito ay ipinagdiriwang sa buong mundo at karamihan ng mga bansa ay may?mahabang?bakasyon sa pagsapit nito.?Isa pa itong pagkakataon?para magsama-sama ang mga nalayong magkakaibigan at magkaka-anak na?nagkahiwa-hiwalay dahil sa kaniya-kaniyang mga gawain. Maganda itong pagkakataon upang makapag-bakasyon at?sama-samang magpadama?ng pagmamahalan sa isa’t-isa na unang ipinadama ng Dios sa pamamagitan ni Kristo (Rom. 5:8; 1 Jn. 4:19).
Isang makabuluhang pasko sa ating lahat!
Recent Comments