Conditional vs Unconditional Election

Ang election at predestination ay ilan lamang, isa sa mga kontrobersyal na usapin sa mga Bible-based Christians. Ang kadalasang isyu ay umiikot sa tanong na: Ang pinili ba ng Dios na iligtas ay yung sasampalataya sa Kaniya o hindi? Nakasalalay ba sa gagawin ng tao ang paghirang sa kaniya ng Dios o hindi?

Continued from: Chosen To Be Saved.

Ayon sa ilang maka-DAISY, ang pinili o hinirang ng Dios bago lalangin ang sanlibutan (Eph. 1:4; 2 Thes. 2:13) ay iyong mga sasampalataya. Para sa kanila ang kahulugan ng “foreknew” at “foreknowledge” sa Rom. 8:29 at 1 Pet. 1:1-2 ay “prescience” o napag-alaman ng Dios kung sino sa lahat ng tao ang magsisi-sampalataya. Ang tawag sa ganitong klaseng paniniwala ay “Conditional Election”, sa TULIP naman kasi ang pinaniniwalaan ay “Unconditional Election” dahil bagaman “prescience” ang isa sa kahulugan ng “foreknowledge,” meaning ng “foreknow” ay “to love someone in advance.”

Paano nga naman makakasampalataya ang tao gayong hindi pa nililikha ang sanlibutan at hindi pa siya ipinapanganak? Pwede bang makasampalataya ang wala pa? Ginagawa nilang manghuhula ang Dios.

Sabi nga sa Rom. 9:11, bago pa nakagawa ng mabuti o masama ang kambal itinalaga na ang panganay na si Esau upang maglingkod sa mas nakababata niyang kapatid. Kaya ito ginawa ng Dios ay upang Siya na pumili sa biyaya ang maitayo hindi ang gawa ng tao (Rom. 9:12). Kaya para sa TULIP, hindi nakasalalay sa gagawin ng mga tao ang paghirang ng Dios.

Isa pang problema sa Conditional Election ay mga pahayag sa Kasulatan na ang tao ay nabubulagan dahil sa pagiging karnal. Ang tawag dito ay “Total Depravity.” Dahil sa masamang kalagayang ito ng tao, kaalitan niya ang Dios at itinuturing niyang kahangalan lamang ang mga bagay na patungkol sa Dios (1 Cor. 1:18; 2:14; 4:3; 12:3; Rom. 3:11-12; 8:7). Kaya kung taong kusang sasampalataya ang pipiliin, walang ni isa man sa kanila ang mahihirang.

LDC

Dahil sa problemang ito, naisip ng mga maka-DAISY ang solusyon na kung tawagin ay “Prevenient Grace.” Para sa kanila kasi pantay-pantay na minamahal ng Dios ang lahat ng tao kaya gusto Niyang maligtas silang lahat (Ezek. 18:23; John 3:16; 1 Tim. 2:4; 2 Pet. 3:9). Yan ay kung papayag sila na maligtas. Sa pamamagitan umano ng Prevenient Grace, binubuksan ng Dios ang isipan ng taong nakakapakinig ng Salita kaya malaya na niyang mapapasyahang sumampalataya o hindi. Kaso lang nanganak ang solusyong ito ng bagong problema. (Para sa TULIP, ang solusyon sa Total Depravity ay “regeneration” ang ang muling kapanganakan. Basahin dito ang regeneration series: Born Again.)

Kung alam ng Dios ang mga sasampalataya sa una pa lang, maari pa bang mabago ang naisip Niya? Sa oras na pahayagan sila ang Ebanghelio yun bang naisip Niyang sasampalataya pwede bang hindi sumampalataya? At yung naisip Niyang hindi sasampalataya pwede pa bang sumampalataya?

Kung iba ang mangyayari kaysa sa unang naisip ng Dios, ibig sabihin pala nagkakamali ang Dios. Hindi maari yun! Ang Dios ay hindi nagkakamali. At dahil ang Dios ay hindi nagkakamli, ibig sabihin, Siya talaga ang nagtakda kung sino ang sasampalataya. Kaya kahit pa mabiyayaang lahat ng Prevenient Grace, ang hinirang lang Niya ang sasampalataya at sa Unconditional Election pa rin ang uwi nito.

Please also read:?Chosen To Be Saved.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther