Chosen To Be Saved

releaseNoong January, 2012 si Gov. Barbour ay nag-pardon ng 210 na nasa bilangguan ng Mississippi. Dahil dito siya ay umani ng kritisismo sapagkat ang mga pinalaya niya ay mga kriminal na hinatulan dahil panggagahasa, pagnanakaw at pagpatay. Mababasa ang kwentong ito sa ulat ng ABC News. Ayon sa ulat, ang pardon ay “full, complete and unconditional.” Maaring itulad sa pangyayaring ito ang katuruan ng Biblia tungkol sa election at predestination.

ELECTION AT PREDESTINATION

Ang election at predestination ilan lamang sa mga kontrobersyal na usapin sa mga Bible-based Christians. Ang kadalasang isyu ay umiikot sa tanong na: Ang pinili ba ng Dios na iligtas ay yung sasampalataya sa Kaniya o hindi? Nakasalalay ba sa gagawin ng tao ang paghirang sa kaniya ng Dios o hindi?

Magkasingkahulugan ang election (pagpili/paghirang) at predestination (pagtatalaga), pero ang diin sa salitang election ay nasa pagpili ng Dios. Samantalang sa predestination naman ay mas nakatuon sa layunin o destination ng pagpili kung saan siya itinalaga. May mga pinipili ang Diyos para maging daluyan ng pagpapala at may pinipili rin ang Dios para pagbubuhusan ng mga pagpapala. Kumuha tayo ng apat na halimbawa sa Biblia ng mga piniling maging daluyan ng pagpapala.

Ang Pharoah ng Egypt ay pinili ng Dios upang maipakita ang Kaniyang kapangyarihan at upang maitanghal Siya sa daigdig (Rom. 9:17). Si Haring Cyrus ng Medo-Persia naman ay pinili upang maipakilala na tunay ang Dios sa Israel (Isa. 43:10; 46:11). Si Judas Iscariote naman ay pinili kahit pa tinawag siyang isang Diablo (John 6:70) o anak ng kapahamakan (John 17:12). Pinili siya na mapabilang sa labing-dalawang apostol upang matupad ang layunin ng Dios. Ngunit sa lahat, wala nang hihigit pa sa pinakadakilang hinirang ng Ama, ang Panginoong Jesus (1 Pet. 1:20; John 10:36).

Dumako naman tayo sa pinagbubuhusan ng pagpapala. Noong una, nang umiiral pa ang Matandang Tipan, sila ay ang bayan ng Dios, ang Israel (Psa 33:12). Ngunit sa Bagong Tipan, ito na ay ang sambahayan ng Dios, ang Iglesia (1?Pet. 2:4-5, 9-10; Eph 1:3-4). Ang mga pinili ng Dios sa sambahayan Niya ay sinabing recipient ng “every spiritual blessings in Christ” (Eph. 1:3). Ang pagkakapili sa kanila ay nauna pa kaysa paglikha ng sanlibutan (Eph. 1:4; 2 Thes. 2:13) at ginagawa ng Dios ang lahat para sa kanila mula pagkaka-pili, pagkaka-talaga, pagkaka-tawag, pagpapa-walang-sala, hanggang sa sila ay maluwalhati sa piling ni Kristo (Eph 1:11; Rom 8:28-32; 2 Thes. 2:14). Lahat ng pagpapala ng langit ay ibinubuhos ng Dios sa kanilang mga hinirang (Rom. 8:33) kaya walang makapagwawalay sa kanila sa pag-ibig ni Kristo (Rom. 8:35, 38-39).

PREDESTINED TO BE LIKE CHRIST

Maraming dapat ipagpasalamat sa Dios para sa mga hinirang. Una, sa kaligtasan. Sabi sa 2 Thes. 2:13, “because from the beginning God chose you to be saved.” Pangalawa, para maging kawangis ni Kristo, sabi sa Rom. 8:29, “predestined to be conformed to the likeness of his Son.” Na ang ibig sabihin sa Eph. 1:5 ay para maging banal at walang-kapintasan, “to be holy and blameless in his sight.” At upang ampunin bilang mga anak ng Dios sa pamamagitan ni Kristo (Eph. 1:5) para sa kapurihan ng Kaniyang kaluwalhatian (Eph. 1:6, 12) na Siya ang maging panganay sa kanilang lahat (Rom. 8:29).

Pati ang pamamaraan kung paano sila ililigtas ay itinalaga ng Dios. Sabi sa Eph. 1:7 sa katubusan sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Sabi naman sa 2 Thes. 2:13 ay sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at sa pamamagitan ng pagsampalataya nila sa katotohanan ng Ebanghelio na ipinantawag sa kanila (2 Thes. 2:14). At ang sabi pa sa Eph. 1:13, sila ay napabilang kay Kristo nang marinig nila ang salita ng katotohanan, ang Ebanghelio ng kanilang kaligtasan at tinatakan ng Espiritu Santo nang sila ay sumampalataya.

CHOSEN BY GRACE

Nang ipaliwanag ni Pablo na kahit marami sa bayan ng Dios mula sa Matandang Tipan ay hindi sumampalataya at naligtas, meron pa ring natirang maliit na bahagi mula sa hanay nila na tinaguriang “chosen by grace” (Rom. 11:5). Para sa Apostol, ito ay dahil sa biyaya kaya’t hindi ito maaring sa pamamagitan ng gawa. Ibinigay niyang halimbawa ang kambal na si Esau at Jacob sa?Rom. 9:11-15 kung saan kahit taliwas sa kultura nila noong unang panahon, ay itinalaga si Esau na isang panganay na maglingkod sa mas nakababatang kapatid na si Jacob kahit hindi pa nakagawa ng mabuti o masama ang alinman sa kanilang dalawa (Rom. 9:11). Ito raw ay upang ang layunin ng Dios sa paghirang ay manatili: hindi sa gawa kundi sa Kaniya na tumatawag (Rom. 9:11).

IS GOD UNJUST?

Hindi ba makatarungan kung ang pagpili at ang pagtatalaga ng Dios ay hindi sa pamamagitan ng gawa? Tulad ni Gov. Barbour na umani ng puna dahil sa pag-pardon niya sa mga kriminal sabi ng ulat ay karapatan niya iyon.

“Even critics say it was his right to issue the pardons, and he probably had his reasons.”

Tulad ni Gov. Barbour, karapatan ng Dios ang pumili ng kaniyang kahahabagan (Rom. 9:15) at hindi sa pamamagitan nito makukuwestyon ang Kaniyang katarungan (Rom. 9:14). Anuman ang dahilan ni Barbour sa kaniyang mga napili, nagbatay man siya sa pagbabago nila sa loob ay hindi sinabi sa ulat ng ABC News. Pero sa Dios, ipinahayag sa atin na ang pagkakapili ay hindi nakasalalay sa “man’s desire or effort” kundi sa Kaniyang habag (Rom. 9:16). Sabi sa?Rom 9:18,

“Therefore God has mercy on whom he wants to have mercy, and he hardens whom he wants to harden.”

Lahat ng tao ay nahatulan na makasalanan (Rom 3:23) kaya wala ni isa man sa kanila makakapag-kwestyon kung silang lahat ay mapaparusahan. Ngunit para sa mga na-pardon o kinahabagan ang Dios, ay wala ni-isa mang makapagmamalaki dahil sa pamamagitan ng biyaya sila naligtas (Eph. 2:8-10), hindi dahil sa sarili nilang pagsisikap o sariling kalooban kundi sa pamamagitan lamang ng awa’t habag ng Dios.

Continued here: Conditional vs. Unconditional Election.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther