Bilang Katuwang (As Help Meet)

Sinabi sa Gen. 2:18, “It is not good that the man should be alone; I will make him a help meet for him.”

“Help meet” ang pagkaka-salin ng King James Version, KJV, dahil pinagsama ang dalawang salitang Hebreo, ang “ayzer” at “neged.” Sa ibang salin naman ay “helper suitable” (sa New International Version, NIV, at New American Standard Bible, NASB), “helper fit” (sa Revised Standard Version, RSV, at English Standard Version, ESV), “helper comparable” (sa New King James Version, NKJV). Samadaling salita, nilikha ng Diyos ang babae bilang katuwang ng lalaki.

Ganun pa man, ayon sa Gen. 2:15-25 ang unang nilikha ng Diyos ay si Adan (Gen 2:15) upang pangalagaan ang Eden. Si Adan din ang tanging nag-iisang inutusan sa Gen. 2:16-17, at si Adan din ang nag pangalan sa mga hayup sa Gen. 2:20 at maging si Eve ay pinangalanan nya sa Gen. 2:23.

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Sa sulat ng apostol sa 1 Peter 3:1-7, ginawang magandang halimbawa ng mga “holy women” (1 Pet. 3:5-6), isa rito ay si Sarah para sa kaniyang asawang si Abraham dahil sa kaniyang pagpapasakop sa kaniyang ulong si Abraham.

Sa iglesia naman ay ganun din ang larawang ibinigay ni Apostol Pablo lalo na sa 1 Cor. 11:1-9. Sabi niya tularan natin ang Panginoon, ang Kristo na nagpapasakop sa kaniyang ulo (ang Ama, sa 1 Cor. 11:1-3) para ito sa mga kababaihan sa iglesia na magpasakop sa kanilang mga ulo, ang kanilang mga asawa, sa 1 Cor. 11:3; gayon din sa Eph. 5:22, 24; at Col. 3:18.

Mababasa rin natin sa 1 Cor. 11:5 na nakaka-panalangin at nakapagpo-propesiya sa iglesia ang babaeng nagpapasakop sa kanilang mga ulo sa pamamagitan ng paglalagay nila belo.

Bagamat masasabi natin na noong mga panahong iyun ang belo (head covering) ay bahagi ng sinaunang kultura na sumasagisag ng pagpapasakop ng babae sa kaniyang asawa na hindi na ito nanatiling uso sa panahon ngayon. Ang iba pang dahilan ni Pablo ay ang naganap sa Genesis na hindi na mababago kahit ilang panahon at kung anong kultura ang lumipas at mapalitan.

Tandaan ang iba pang mga doktrinang itinagubilin ng mga apostol:

  • Ginawa ng Diyos ang babae para sa lalaki (1 Cor. 11:8) upang maging katuwang o help-meet (Gen. 2:18) hindi ang kabaliktaran nito (1 Cor. 11:9).
  • Nagmula ang babae sa lalaki (1 Cor. 11:11), mula sa kaniyang tadyang (Gen 2:21-23), hindi ito maipagbabaliktad.

Sa ganitong paraan nalulugod ang Panginoon (Col. 3:18) sa mga holy at devout na kababaihan sa kanilang pagpapasakop sa mga asawa (1 Pet. 3:5).

Sa kabilang banda, inatasan naman ng mga apostol ang mga kalalakihan na mahalin ang kanilang mga asawa. Gaya ng sinulat ni Pedro,

“In the same way you husbands must live with your wives with the proper understanding that they are more delicate than you. Treat them with respect, because they also will receive, together with you, God’s gift of life. Do this so that nothing will interfere with your prayers.”

1 Peter 3:7

Pareho silang may papel na ginagampanan: (1) ang lalaki, bilang ulo ng babae na may pagmamahal sa asawa (modelo niya si Kristong nagmahal at inalay ang sariling buhay para sa kapakanan ng katawan iglesia). (2) Ang babae naman na mula sa katawan o tadyang ng lalaki ay bilang katuwang (help-meet) na nagpapasakop sa lalaki sa paglilingkod sa iglesia (modelo rin ng babae si Kristo na nagpasakop sa kaniyang Ama). Sa pagkakaiba ng kanilang papel, kapwa silang biniyayaan ng buhay. Sabi pa sa 1 Peter 3:7, “together with you, God’s gift of life.”

Magkaiba man ang kanilang papel, sila ay kapwa nabiyayaan ng buhay na walang-hanggan. Walang pagkakaiba sa biyayang tinanggap nila sa kaligtasan kahit magkaiba pa sila ng tungkuling ginagampanan sa iglesia. Sabi nga sa Gal 3:28-29, “So there is no difference…. between men and women; you are all one in union with Christ Jesus. If you belong to Christ, then you are the descendants of Abraham and will receive what God has promised.”

Crispin van den Broeck’s Creation of Eve

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther