Biblical Gift of Tongues

What if ganito ang nangyari sa Acts 2:1-13, may sumampalataya kaya sa kanila?
10715936_873997982634670_641756772_nPara sa mga lokal o mga katutubong taga-Jerusalem, hindi nila naunawaan ang mga winika ng mga alagad kaya napagkalamalan lamang silang mga naka-inom ng alak (Acts 2:13). Ngunit para sa mga dayuhang naroon para makikipagdiwang ng Pentecost sa Jerusalem, naunawaan nila ang sinabi ng mga alagad (Acts 2:9-11).

Inakyat na ang Panginoon sa langit nang maganap ang pangyayaring ito. Pinaghintay ng Panginoon ang mga alagad sa Jerusalem sa pangakong bibigyan sila ng kaloob na Espiritu Santo upang mabiyayaan sila ng kapangyarihang makapagpa-totoo mula sa Jerusalem hanggang sa makarating sila iba’t-ibang dako (Acts 1:4-8).

Nang ibinuhos sa kanila ang Espiritu Santo, nagkaroon sila ng kakayanang magsalita ng iba’t-ibang wika (Acts 2:1-4). Dahil dito, naulinigan sila at pinuntahan ng mga nakarinig na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa (Acts 2:5-11).

Nang malaman nilang taga-Galilee pala ang nagsasalita, sila’y namangha. Nagkaroon tuloy si Pedro ng pagkakataong ipaliwanag ang dahilan ng pangyayari. Ipinahayag niya sa kanila ang Mabuting Balita kaya tatlong-libo ang bilang ng sumampalataya at binautismuhan nung araw ding iyon (Acts 2:12-41).

Pero papaano kung ang salita nila ay ang kadalasan nating naririnig na “rabashika-rabara-barakanda-shula-la-la-manda”? May sumampalataya kaya sana?

Saan mang dako, ito ang paulit-ulit nating naririnig. Binubuo lamang ng iilang syllables: “ra, ba, shi, ka, kan-da, shu, la, at man-da.” Tapos ay dominante pa ng kombinasyong “bara-bara.”

Masasabi ba natin na ito ay isang lehitimong wika gayong paulit-ulit din lang ang sinasabi? Subukan, subukan, subukan, subukan, subukan, subukan, subukan, ko kayang paulit-ulitin ang iilang salita lamang may mauunawan ka kaya o katuturang mapupulot?

At bakit sa dinami-dami ng ng nagsasabi ng ganito, paulit-ulit lang naman katulad ng iba? Bakit hanggang ngayon wala pa ring makaunawa sa kahulugan nito?

THE GIFT OF TONGUES AS A SIGN FOR UNBELIEVERS

Isa sa mga layuning nakita natin sa Acts 1 and 2 kung bakit ibinigay bilang kaloob ang Espiritu Santo ay upang sila ay makapagpa-totoo sa mga dayuhang hindi pa sumasampalataya. Ganito ang sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto sa 1 Cor. 14:22,

“Tongues, then, are a sign, not for believers but for unbelievers; prophecy, however, is for believers, not for unbelievers.”

Dahil kung dayuhan nga naman ang papahayagan mo ng Ebanghelio sa pamamagitan ng sarili niyang wika, magsisilbi itong palatandaan sa kaniya na bagaman ikaw na isang dayuhan ay biglang nakapagsalita ng wikang hindi mo naman pinag-aralan, maari siyang mamamangha. Maari din siyang makumbinse na ikaw nga ay nagpapahayag ng mabuting balitang totoong nagmumula sa Dios. Ngunit kung sa simbahan ay ganito pa rin ang ipapahayag mo wala namang makakaunawa.

Ayon sa 1 Cor. 14:26-28, dahil wala kang kasamang interpreter sila ay walang mapapala, walang matututunan. Hindi ka makakapag-bigay sa kanila ng kalakasan. Kaya ang pangaral ni Apostol Pablo sa kanila ay mas mabuti pang manahimik ka na lamang at sa iyong sarili mo na lang salitan kasama ang Dios (1 Cor. 14:28)

“If there is no interpreter, the speaker should keep quiet in the church and speak to himself and God.”

559295_267315176716368_593861577_nHindi naman ipinagbabawal ng apostol ang pagsasalita ng kakaibang wika (1 Cor. 14:39), ngunit dapat raw ito ay nasa kaayusan (1 Cor. 14:40).

Sa Genesis 11:1-9 unang ibinigay ng Dios ang iba’t-ibang wika sa lahat ng tao bilang parusa o sumpa dahil nagkakaisa sila kapalaluan (Gen. 11:4). Sa pamamagitan ng iba’t-ibang wika na binigay sa kanila ng Dios, sila ay nagkawatak-watak (Gen. 11:8-9).

Ngayon naman, dahil sa kapayapaang dulot ng pagtutubos sa pamamagitan ni Kristo (Eph. 2:15) ibinibigay ng Dios ang kaloob na Espiritu sa sinumang sumasampalataya sa Kaniyang Bugtong na Anak (Eph. 1:13). Pinag-iisa na ng Dios ang lahat ng bahagi sa iisang katawan (1 Cor. 12:12-13). Ngunit ang kaloob na makapag-salita ng iba’t-ibang wika ay nakasalalay sa Espiritu Santo kung kanino Niya ito ipagkakaloob (1 Cor. 12:11). Wag mong pilitin ang sarili mo na mag-salita ng wikang katulad nila o gayahin lamang sila. Ito ang nakikita kong dahilan kaya pare-pareho lang ang sinasabi nila.

Sa iglesia naman, ayon sa Biblia, ang dapat na sinasalita natin ay may katuturan. Kung ang ating sasalitan ay wala namang makakaunawa, sarilinin na lang natin ito at ipasa-Dios.

 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther