Bakit Maraming Sumusuway?

Bilang huling bahagi ng seryeng ito, pansamantala tayong magbalik-tanaw sa ating mga naunang tinalakay bago tayo dumako sa mga huling pananalita.

Sa Ang Ipinagbabawal (Ika-10 Bahagi), napag-aralan natin kung ano ang limitasyon sa mga pwedeng ganaping papel o paglilingkod ng mga kababaihan sa iglesia at kung ano ang orihinal na diwa ng utos na pananahik sa kanila ( 1 Tim. 2:12; 1 Cor. 14:34). Napatunayan din nating hindi ito universal gag order sa lahat ng kababaihan na nasa iglesia at bagamat ang basihan ni Apostol Pablo ay ang Kautusan (Torah) ito ay mula sa salaysay sa Genesis 2 at 3 o ang pinaka-unang aklat na bahagi ng Law (Torah).

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Una na rin nating binanggit sa Mga Kababaihan Sa Iglesia (Unang Bahagi), kung bakit maraming kababaihan simbahan ang binigyan ng kampamahalaang magturo o teaching authority ang iba pa nga ay tumatayong tagapanguna o pastor sa kanilang lokal batay sa paniniwalang kultural lamang ang pagpapatahimik sa mga kababaihan tulad ng pagsusuot ng belo.

Ngunit sa Bilang Katuwang (Ika-10 Bahagi) at sa Ang Ipinagbabawal (Ika-11 Bahagi), napatunayan natin na kahit pa kultural ang pagsusuot ng mga kababaihan ng belo sa iglesia, hindi naman kultural ang ginamit na basihan ni Apostol Pablo sa pagbabawal sa mga kababaihang magturo sa mga kalalakihan kundi batay sa mga naganap sa Genesis. Kaya ang kaniyang mga tagubilin ay maituturing na timeless precepts na hindi maaring baliktarin kailan o kahit saan man. Ang pagiging ulo, ang headship ng kalalakihan sa kababaihan, ay itinakda ng Diyos mula pa sa pagkakalikha. Katunayan, mabigat ang saling ginamit ng King James Version sa 1 Tim. 2:12, “nor to usurp authority over the man,” ang turing sa paglabag ay isang pang-aagaw o pangangamkam.

Sa makatuwid, mananatili ang utos na kahit pa maihayag ang Ebanghelyo sa bawat nilalang, lalaki man o babae–para sa kanila na kapwa nakatanggap ng Espiritu at kapwa pinamanahan ng buhay na walang-hanggan, dapat magtungan sa kaniya-kaniyang mga papel na dapat gampanan, ang lalaki bilang tagapanguna at ang babae bilang katuwang.

Ang utos na ito ay para sa pangkalahatan kaya kung itutuloy natin ang tekstong binasa natin mula sa 1 Cor. 14:34 haggang talata 37,

“Women should remain silent in the churches… If any man think himself to be a prophet, or spiritual, let him acknowledge that the things that I write unto you are the commandments of the Lord. But if anyone ignores this, they will themselves be ignored. ”

1 Corinthians 14:34a, 37-38

Nakasaad dito na ang tagubilin ni Apostol Pablo ay hindi isang mungkahi lamang kundi isang utos mula sa Panginoon. At kung itinuturing ninoman ang sarili nila bilang propeta o espirituwal, dapat nilang makilala na ang mga ito ay utos mula sa Panginoon.

Kung itutuloy pa natin ang pagbasa hanggang talata 38, yaong mga ayaw kumilala sa utos na ito mula sa Panginoon ay hindi rin daw dapat kilalanin, “But if anyone ignores this, they will themselves be ignored.” Sila kasi ay umaayon sa agos ng panahon, nakiki-isa sa espiritu ng mundo sa halip na panghawakan ang Salita ng Diyos. Hindi sila tunay na mga propeta at maaring karnal pa at hindi pa espirituwal. Dahil sa dinamirami ng gawain na maaring ipaglingkod ng babae sa iglesia, iyon pang ipinagbabawal ang nais nilang agawin. Hindi ba kawangis ito ng unang pagsuway na ginawa sa Eden, kung saan napakaraming maaring pitasan na bunga, iyon pang ipinagbabawal ang kanilang kinain?

Ngayon, kung kayo ay may nalalabi pang alinlangan ukol dito. Kung kayo ay nagbabaka-sakali na hindi na talaga napapanahon ang ganitong utos para sa simbahan, magandang basahin ninyong muli ang sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo sa 1 Tim. 3:15 upang mabatid ninyo na ang kaniyang tagubilin ay patungkol sa mga kagawian sa iglesia, “know how people ought to conduct themselves in God’s household, which is the church of the living God, the pillar and foundation of the truth.” Basahin na rin ninyo ang sinabi ng Apostol sa kaniyang liham para sa mga Taga-Corinto, sa 1 Cor. 11:1-2, na kanilang dapat panghawakan, “holding to the teachings.” Sapagkat ang mga ito ay hindi lamang para sa kanila, kundi para sa lahat ng simbahan. Kung itutuloy natin ang pagbasa hanggang talata 16 ganito ang sinasabi,

“Follow my example, as I follow the example of Christ. I praise you for remembering me in everything and for holding to the traditions just as I passed them on to you… If anyone wants to be contentious about this, we have no other practice–nor do the churches of God.”

1 Corinthians 14:1-2, 16.

Ngayon naman para sa mga kababaihang masipag na na ginagamit ang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos na mga spiritual gifts, hayaan nilang sangkapan nila ito ng pag-ibig habang ipinaglilingkod sa kapatiran. Salamat sa Diyos kayo ay nananatiling tapat sa Kaniyang mabuting Salita,

  • Sa mga alagad na tahimik na nakikinig, salamat.
  • Sa mga nangangaral sa mga batang paslit sa iglesia, salamat.
  • Sa mga nangangaral sa kapwa nila kababaihan sa iglesia, salamat.
  • Sa kamanggawa sa iglesia at katuwang ng kanilang asawa sa sariling tahanan, salamat.
  • Sa inyong pananalangin, salamat
  • Sa inyong mga propesiya, kung meron man, salamat.
El Greco’s Pentecost

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther