Isipin natin sandali na may isang “lobo na nagbabalat-kayongtupa” gaya ng nasa larawan ang nagpakilala na siya raw ay anointed ng Dios. At dahil nga siya nga raw ay anointed, siya rin ay “untouchable” na ang ibig sabihin hindi mo maaring punahin ang kaniyang mga ginagawa at mga sinasabi.
Pero matatandaang ipinagbigay babala ng Panginoon sa Mat. 7:15 na maraming magbabalat-kayong tupa pero mga mababangis na lobo naman talaga. Sila raw ay makikilala natin sila sa kanilang mga gawa. Sumasang-ayon din dito ang mga babala ni Pablo sa iglesia sa Acts 20:29 at ni Pedro sa 2 Pet. 2:1.
Ngayon, paano nga kung ang mga nagpapanggap na pastol ng tupa ay nagsabing hindi mo siya maaring salungatin sa kanilang mga maling ginagawa, ano pa ang maari mong panghawakang katotohanan kapag inalis na niya sa iyo ang karapatang ibinigay ng Panginoon?–
Kapag inalis nila ang karapatang ibinigay sa atin ni Lord sa Mat. 7:15 na inulit ng mga apostol sa Acts 20:29 at 2 Pet. 2:1, wala nang matitira pang basihan para sila ay tunay na makilala natin. Dahil lahat ng sasabihin nila sa atin ay magmumukhang totoo na kahit pawang mga kasinungalingan lamang. Yan ay dahil ultimong kanilang mga gawa ay lagi na lang nating iisiping tama kahit hindi na pala.
Ganyan ang taktika ng Kaaway. Ganyan ang espiritu sa likod ng “touch not the anointed” (TNTA). Isa siyang tunay na panganib sa iglesia kaya nga paulit-ulit itong ipinangaral ng Panginoon sa mga alagad Niya:
“Makikilala ninyo sila nang lubos sa pamamagitan ng kanilang mga bunga.” Mat. 7:16
“Kaya nga, sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila.” Mat. 7.:20
“Ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga.” Mat. 12:33
Gusto nilang palabasin na ang mga mangangaral, porket sila ay mangangaral, ay “beyond reproach” na kahit pa ano ang kanilang pinapangaral o ginagawa. Ngunit nang sabihin ni Pablo kay Timoteo na ang Obispo (“Overseer” or “Bishop” sa English; “Episkopos” naman sa Griego) ay dapat “beyond” o “above reproach” sa 1 Tim. 3:2, hindi niya sinasabing ang mga Tagapangasiwa (Overseers) ay hindi nagkakamali. Bagkus, ibinibigay niya ito bilang pamantayan sa mga itatalaga ni Timoteo na mga Tagapangasiwa sa mga iglesia sa bawat ciudad na ang mga itatalaga niya ay wala dapat kapintasan. Tagubilin pa ni Pablo sa?1 Tim. 5:19,
“Do not entertain an accusation against an elder unless it is brought by two or three witnesses.”
Na nangangahulugan lamang na maaring kahit ang mga itatalaga niya na sa simula ay walang kapintasan (beyond reproach) sa simula pero sa kalaunan ay maari nang mapulaan kapag ito ay nalihis ng landas.
Ang mga katagang “touch not the anointed” ay mababasa natin sa 1 Sam.26:9,11,23; 1 Chronicles 16:22 at Psalm 105:15.
Ang ibig sabihin naman ng “anointed” una, ay literal na pinahiran ng langis:
Ang pangalawang kahulugan ay non-literal na pinahiran ng langis, figuratively speaking ay anointed:
Ang pinaka-popular na palusot (alibi) ng mga nagpapakilalang “untouchables” ay ang mababasa sa 1Sam. 26:2-23. Patungkol ito sa pagkakataon sana ni David na paslangin ang haring si Saul na tumutugis sa kaniya. Ini-alok ni Abishai, isa sa mga heneral ni David, ang pagkakataong ito noong nagpapahinga si Saul sa pagtugis. Sabi ni Abishai kay David sa 1 Sam. 26:8,
“Today God has delivered your enemy into your hands. Now let me pin him to the ground with one thrust of my spear; I won’t strike him twice.”
Ngunit ito ay tinutulan ni David na nagsabi sa 1 Sam. 26:9,
“Don’t destroy him! Who can lay a hand on the LORD’s anointed and be guiltless?”
Laban din sa “physical harm” ang diwa (context) ng 1 Chr. 16:22 at Psa. 105:15,
“Do not touch my anointed ones; do my prophets no harm.”
Sa madaling salita, ang 1 Sam. 26:9; 1 Chr. 16:22 at Psa. 105:15 ay inaabuso ng mga nagpapakilalang “untouchables” upang hindi sila mabisto (exposed) sa kanilang mga maling ginagawa o mga hidwang katuruan dahil ang tunay na diwa ng mga katagang ito ay laban sa pananakit o pagpatay (physical harm) sa mga itinalaga ng Dios sa Israel.
Ang salita ng Dios ang ating pamantayan sa pagkilatis ng mga nagpapakilalang “untouchables.” Nang mangaral si Pablo sa Berea sa Acts 17:11 ay hindi basta-basta siya pinaniwalaan ng mga Judio doon. Bagkus sinaliksik nila ang Banal na Kasulatan kung totoo nga ang ipinapangaral sa kanila ni Pablo,
“Now the Bereans were of more noble character than the Thessalonians, for they received the message with great eagerness and examined the Scriptures every day to see if what Paul said was true.”
Dahil sa kanilang ginawang pagsusuri, tinawag silang “of more noble character.”
Maging si Pedro nang ikompromiso ang Ebanghelio ay sinaway ni Pablo sa harapan ng marami (Gal 2:11-21) upang ma-expose at maiwaksi ang pagkakamali na tinutularan na ng iba (Gal. 2:13). Ganun din ang ginawa ng propetang si Nathan laban kay Haring David sa 2 Sam. 12:1-15 na naging dahilan para si David ay magsisi.
Ang Salita ng Dios ang ating dapat panghawakang pamantayan. Hindi porket nagpapakilalang “anointed” sila ay tatanggapin na lang natin ng tatanggapin sila ng walang pagsusuri sa salita ng Dios. Paano kung sa hukay nila tayo dadalhin (Mat. 15:14; Luke 6:39)? Sabi pa nga sa 1 Cor. 14:29,
“Let two or three prophets speak, and LET THE OTHERS JUDGE.”
Kapag magbulag-bulagan lamang tayo, hindi natin sinusunod ang utos ng Panginoon na magbantay (Mat. 7:15) at ang utos Niyang huwag maniwala sa kanila (Mat 24:23-26). Bagkus ay nakikibahagi pa tayo sa kanilang kasamaan tulad ng sinabi sa 2 Jn. 1:10-11,
“If anyone comes to you and does not bring this doctrine, do not receive him into your house nor greet him;?for he who greets him SHARES IN HIS EVIL DEEDS.”
At sa Eph. 5:11,
“Have nothing to do with the fruitless deeds of darkness, but rather expose them.”
Lahat ng bagay ay dapat nating suriin at pakahawakan lamang ang mabuti (1 Thes. 5:21) sapagkat itinakda ang mga araw na maraming maniniwala sa mga hidwang pananampalataya (2 Tim. 4:3), dapat natin silang sawayin (Luke 17:3; 2 Tim. 4:2; Tit 1:13) baka sakaling sila ay magsisi at tumino.
Dangan nga lang ay hindi dapat “partial or bias” ang ating paghatol, o kaya ay patungkol lamang sa panlabas na kaanyuan (John 7:24; Gal 2:6), o kaya ay patungkol lamang sa mga motibo, o kaya ay sa mga araw ng pagsamba o sa mga pagkain at inumin lamang (Mat. 7:1-2; Luke 6:37; Rom. 14:4, 10; Col 2:16; 1 Cor. 4:5).
Dapat ang ating paghatol ay makatarungan at ayon patotoo ng higit sa iisang tao 1 Tim. 5:19. Yan ang karapatan ng bawat-isa sa loob ng iglesia ayon sa Salita ng Dios (1 Cor. 5:12-13; 6:2-5) bilang mga tunay na mga alagad na nananahan sa Kaniyang Salita sa John 8:31,
“If you abide in My word, you are My disciples indeed.”
Recent Comments