Anong Pagkakaiba ng Debate sa Di-bati?

Image credit: www.thegazelle.org
Image credit: www.thegazelle.org

Ang “debate” ay pormal na palitan ng paliwanag (arguments) at paglalahad ng katibayan (evidences; basis) sa layong maipakita ang tama sa mali o ang advantage sa?disadvantage sa ikatitibay o ikahihina ng magkatungaling pinapahayag (propositions; claims). Ayon?sa?American Heritage?Dictionary,

“A contest of argumentation in which two opposing teams defend and attack a given proposition.”

Samantalang sa “di-bati” naman ay palitan ng maanghang na salita o kaya ay “batuhan ng putik.” Sa madaling salita,

  • DEBATE:?palitan ng kaalaman sa pamamagitan ng salita.
  • DI-BATI:?palitan ng maanghang na salita.

Sa kabilang banda, meron din namang “debate” na nauuwi lamang sa “di-bati,” di pagkakabati-bati o sa pakikipag-away. Kaya nga hindi nakapagtataka na maraming ayaw sa debate kasi ayaw nilang mauwi sa di pagkaka-bati-bati. Madalas nga nating maririnig na sa mga talakayan dapat raw na iwasang pag-usapan ang relihiyon at pulitika dahil nauuwi lang ito sa di pagkaka-unawaan. Pero ano bang mas gustong pagusapan ng mga tao? Tsismis, mga artista o ang salita ng Dios?

Tama naman na hindi dapat mauwi sa pagkikipag-away ang usapan tungkol sa salita ng Dios dahil sinasabi?sa Kasulatan na?hindi dapat nakikipag-away ang mga lingkod ng Dios (2 Tim .2:24),

“And the Lord’s servant must not quarrel; instead, he must be kind to everyone, able to teach, not resentful.”

Hindi dapat nakikipag-away ang mga naglilingkod sa Dios?ngunit dapat ay handa silang?makipag-debate sa layong maipahayag ang katotohanang makapagliligtas sa tao sa kapahamakan. Tulad halimbawa ng mga sumusunod:

  1. Si Pablo na nakipag-debate sa mga Judio sa Acts 9:29, dahil dito, ninais ng mga Judio na patayin siya dahil?sa kaniyang mga ipinangaral tungkol kay Jesus.
  2. Si Pedro ay?nakipag-debate sa kapatid sa simbahan sa Acts 15:2 upang ipagtanggol ang biyaya ng Dios laban sa maling katuruang nanghihimasok sa iglesia.
  3. Muli, si Pablo na nakipag-debate sa mga di-mananampalataya sa Acts 17:18 upang?ipangaral naman?ang?muling pagkabuhay ni Jesus.

Ginawa ito ng mga tunay na lingkod ng Dios sa layuning maipahayag ang katotohanan na ikaliligtas ng sinumang sasampalataya. Ibinuwis nila ang kanilang buhay (tulad ng nangyari sa Acts 9:29) upang maipangaral ang dapat na ipangaral, ang Salita ng Dios.

Nauunawaan ng Mangangaral ang kahalagahan ng debate, sabi niya sa?Prov. 18:17,

“The first to present his case seems right, till another comes forward and questions him.”

Ipagpalagay natin pansamantala na ang may boses lamang ay ang isang panig. Kung mananahimik lamang ang kabilang panig, maraming tagapakinig ang maaring mapahamak kung mali ang tinig na iyon. Pero?kung maglalakas-loob na magsalita ang kabilang panig, ang madlang nakikinig ay magkakaroon ng pagpipilian. Naunawaan ito ni Pablo, alam niya kung?bakit may pagkakaiba-iba sa iglesia, sabi niya sa?1 Cor. 11:19 na ito ay upang malaman natin kung alin ang katanggap-tanggap sa Dios.

“No doubt there have to be differences among you to show which of you have God’s approval.”

Kung isang panig lamang ang magsasalita, paano kung mali ang panig na iyon at maaring mauwi sa kapahamakan ng lahat ng kaniyang tagapakinig? Kaya nga napakahalaga na may tinig din ang kabilang panig alang-alang sa kapakanan ng mga?handang makinig.

Makikita sa larawan sa ibaba kung ano-anong klaseng pamamahayag mayroon. Ang tawag nila sa pyramid na rito ay “Graham’s Hierarchy of Arguments.” Makikita sa gawing itaas ng pulang guhit ang kalidad ng talakayan kung ito ay?debate, ngunit sa ibaba naman ng pulang guhit ay makikita natin kung ang usapan ay mauuwi?na?hindi pagkaka-bati-bati.

grahams-grading-og-disagrrement-argument

Kung nais nating maging alagad?ng katotohanan, dapat may lakas tayo ng loob na ipahayag ang katotohanang ipinagkaloob sa atin. Pero dapat rin?taasan natin ng antas o?kalidad ng ating pakikipag-talastasan.?Pag-aralan natin paano maglahad ng “counter-argument” at “refutation” hindi yung kontra lang tayo ng kontra ng hindi nagbibigay ng makabuluhang paliwanag at mga?dahilan.

Dapat kasi ay?USAP LANG WALANG PERSONALAN.

 

 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther