Ano ang Hyper Grace, Hyper Faith at Hyper Calvinism?

Ang salitang “hyper” ay mula sa Griego na nagpapakahulugan ng kalabisan (over; above).?Ginagamit ito ngayon bilang prefix sa grace (biyaya), faith (pananampalataya) at sa Calvinism.

Ano-ano ba ang kahulugan ng mga ito?

hyper

Hyper Grace

Ang “Hyper Grace” ay?kilusan, pananaw o paniniwalang ang grace o biyaya na lamang ng Dios ang dapat ipangaral. Isinasantabi dito?ang pangangaral tungkol sa?Matandang Tipan, Kautusan at sa Kasalanan.??Taliwas ito sa pinapangaral sa Biblia sapagkat kahit pa lumipas na ang Matandang Tipan, umiiral naman?sa Bagong Tipan ay batas?ni Kristo (Gal. 6:2). Mababasa rin?natin sa maraming talata Revelation 3, ang ginawang?pag-saway?ng Panginoon ang mga nagkakasalang iglesia. Ibinigay din ng apostol?ang?kahalagahan?ng pagkaka-batid sa?katutusan upang?malalaman natin kung ano ang kasalanan (Rom. 7:7). Hindi naman nawalan ng batas matapos palitan ng?Bagong Tipan ang Matandang Tipan, sapagkat ito ay?binago (Heb. 7:12).

Hyper Faith

Ang “Hyper Faith” naman ay isang pananaw na karapatan umano ang pagkakaroon ng pisikal na kagalingan at material na yaman bilang pagpapala sa?mga tunay na anak ng Dios na may matibay na pananampalataya. Hindi kinikilala ng mga ito ang papel ng hirap at?pagpapakasakit (hardship and suffering) bilang katibayan ng?paghahari ng Dios (2 Thes. 1:5), hindi nito kinikilala ang pagpapakasakit bilang pagsasalamin ng pagpapakasakit ni Kristo (Phil 1:29; 3:10), at hindi?rin nito kinikilala ang paghihirap bilang?paraan ng Dios sa?pagpapalago sa?Kaniyang mga anak?(Rom. 5:3).?Tutol din ang mga ito sa?pagpapatingin o pagpapagamot sa mga?doktor?sa paniniwalang ang tunay na mananamapalataya ay kusang papagalingin ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Subalit sa Biblia?maging ang isang tunay na propeta ng Dios gaya ni?Elisha ay pumanaw sa karamdaman (2 King 13:14). Kahit nga?ang Panginoong Jesus ay nagpahayag na ang ginagamot ng mga doktor?ay ang mga may karamdaman o sakit ?(Mat. 9:12).?Maging isa sa mga naging?alagad noong?Unang Siglo na sumulat ng dalawang aklat sa Biblia: “Gospel According to Luke” at “Acts of the Apostles” ay isang ring kilalang mangagamot (Col. 4:14).

Hyper Calvinism

Ang “Hyper Calvinism” naman ay?isang pananaw na dahil umano sa itinalaga na ng Dios ang mga maliligtas at mapapahamak, mag-evangelize man o hindi ang iglesia ay maliligtas at maliligtas pa rin ang mga hinirang na iyon ng Dios. Taliwas ito sa ipinapangaral sa Biblia sapagkat kung itinalaga man ng Dios ang mga maliligtas noong una pa, itinalaga rin ng Dios ang paraan kung paano sila maliligtas: iyan ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa katotohanan (2 The. 2:13). Ngunit?ang katotohanang iyan ay dapat na ipinapangaral (Rom. 10:15). Dito rin nagmula ang paniniwalang POSAS?na ang mga hinirang ay?mananatiling ligtas?kahit pa ano ang kanilang gawin: mabuti man o masama tulad ng pagtalikod sa Dios?o magpakamatay.?Pinapasubalian ang kaisipang ito?sa Rom. 6:1 na?ang sabi ay, ?What shall we say, then? Shall we go on sinning so that grace may increase? By no means! We died to sin; how can we live in it any longer??

 

 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther