Ano nga ba ang “gay agenda”??Ito ang hangarin ng mga homosexuals o mga bakla at tomboy na gawing hindi lamang katanggap-tanggap kundi isang “norm” o pamantayan sa sosyedad ang same-sex marriage (SSM) o same-sex union (SSU). Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbangin:
Dapat nating tandaan na ang pagiging bakla ay hindi maaring maipantay sa issue o usapin tungkol sa “gender equality” at “racial discrimination” dahil hindi sila magkatulad. Ang SSM o SSU ay isang gawain o behavior at hindi race. At kahit ang bakla, kung gender rights ang?paguusapan, ay may karapatan na bilang?isang?lalaki at ang tomboy naman ay may karapatan na bilang isang babae. Anuman ang itawag nila sa kanilang kasarian, dalawang klase lang naman ng “ari” meron sa sanlibutang ito: isang panlalaki at isang pangbabae.
Sila ay kapwa may karapatan na mamuhay, makapag-hanap buhay, at bumoto sa batas ng tao. Hindi tulad noon na ang mga itim na lahi ay inaalipin ng mga puti o kaya ang mga kababaihan ay walang karapatang bomoto at mag-trabaho sa kasaysayan.
Hindi natin itinatanggi na?ang?isang gay or lesbian ay may karapatang maging malaya, mabuhay, makapag-hanap-buhay at bomoto. Sagradong karapatan nila ang mga iyan?at kinikilala na sa marami mga bansa, kaya?dapat lamang talaga nilang tamasahin.
Ngunit tulad ng hindi pagtanggap ng sosyedad sa pakiki-apid, paedophilia, bestiality at necrophilia, ang SSM o SSU ay isang behavior na dapat lamang idiscriminate. Hindi dapat bigyan ng reward ng sosyedad ang ganitong gawa sapagkat hindi naman ito nakakatulong bagkus ay nakakasama pa.
Sa Biblia ang ganitong gawain ay kasama sa mga itinuturing na karumaldumal ng?Dios?para sa kaniyang bayang Israel (Leviticus 20:10-23). Ngunit ito ay hindi lamang para sa Matandang Tipan ng Dios sa Israel kundi maging sa mga Gentil (non-Israelites). Katunayan pa nga ito?ng?paghatol ng Dios (Romans 1:18-32). Ang tawag dito ni Apostol Pablo ay “contrary to nature” o “shameless acts,”
“For this reason God gave them up to dishonorable passions. For their women exchanged natural relations for those that are contrary to nature; and the men likewise gave up natural relations with women and were consumed with passion for one another, men committing shameless acts with men and receiving in themselves the due penalty for their error” (Romans 1:26-27).
Ginawa pa ngang?halimbawa?sa Jude 1:7 ang Sodoma bilang isang patikim sa magaganap ng kaparusahan ng Dios sa sanlibutan. Tinawag niya itong “sexual immorality” na mula sa “unnatural desire,”
“Just as Sodom and Gomorrah and the surrounding cities, which likewise indulged in sexual immorality and pursued unnatural desire, serve as an example by undergoing a punishment of eternal fire” (Jude 1:7).
Ganun pa man, kahit ganitong klaseng kasalanan ay hindi nawawalan ng pag-asa. Sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Panginoong Jesus, ang bugtong na anak ng Dios na namatay para sa kasalanan ng buong sanlibutan ngunit?muling nabuhay upang ang sinumang sasampalataya sa Kaniya ay mapatawad. Sila ay tatalikuran ang masasamang gawa at sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay makakalakad ng may taglay Niyang katuwiran, Katulad ng ipinangaral nila Apostol Pedro, ito rin ang ating ipinapangaral para sa lahat ng nilalang,
“The time has come, he said. The kingdom of God is near. Repent and believe the good news!” (Mark 1:15).
Recent Comments