Ang Pag-ibig ng Dios sa Sanlibutan

godsoloved“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.”

Yan ang sinabi sa unang bahagi ng John 3:16. Ginagamit iyan?ng iilan para palabasing?mahal ng Dios unconditionally ang lahat-lahat, individually without exception. Para sa kanila, ang salitang “world” sa?John 3:16 ay lahat ng tao, mabuti man o masama.

Kaya lang paano naman Psalm 5:5 kung saan ipinahayag na kinapopootan ng Dios?ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan? Gayon din sa?Prov. 6:16-19 nakasulat na namumuhi ang Dios?sa mga palalo, sinungaling, at mamamatay-tao? Paano rin ang sinabi sa Jer. 12:8 na?galit ang Dios sa mga rebelde o kaya?sa Rom. 9:13 na si Esau naman ang Kaniyang kinasuklaman?

Hindi biro ang mga salitang ginamit sa mga talatang nabanggit: kinapo-pootan, kinasu-suklaman, kinaga-galitan at kinamu-muhian.

Dahil walang salungatan sa Salita ng Dios, masasabi nating hindi tama ang pakahulugan ng iilan?tungkol sa tunay na?pag-ibig ng Dios. Ang pag-ibig na ito sa?sanlibutan ay hindi sa bawat individual kasama ang lahat?ng mga nahatulan na. “Ang masama ay hayaang magpakasama pa at ang marumi ay hayaang magpakarumi pa, at ang matuwid ay hayaang maging matuwid pa, at ang banal ay hayaang magpakabanal pa.” (Rev 22:11)

Ang kwento ng?John 3:16 ay nagsimula sa?John?3:1. Ito ay hango sa usapan nila Nicodemus at ?Panginoong?Jesus kung paano makapasok sa kaharian ng?Dios.

Ang salitang “sapagkat” sa simula ng talata 16 ay ginamit upang ipaliwanag kung bakit kailangang itaas si?Jesus gaya ng tansong ahas noong panahon nila Moses. Kung ilalagay ko sa sariling pangungusap ang pinaka-buod ng?kaniyang sinabi, ganito ang ibig sabihin,

Because God loved the world he sent his Son to be lifted up as a brass serpent so that only those who believe will be saved.

?The Son of Man must be lifted up? did not send.. to condemn? but to save…?through him.? – ito ang layunin kung bakit isinugo?ang Anak at?maitaas tulad ng tansong ahas (John 3:14), nang sa gayon sila na mga sumasampalataya ay maligtas?sa pamamagitan Niya (John 3:16), Siya ang tunay na ilaw na nagliwag sa kadiliman, ang tanglaw para?sa lahat?(John 1:5,9).

?God so loved the world?not to condemn the world.??- ?ang sanlibutang?ito na iniibig ng Dios ay?nilikha Niyang?mabuti (Gen.?1:1-31) ngunit napailalim sa?kasalanan at kamatayan. Ang mga tao?nito ay nananahan at?umiibig sa?dilim sa halip na sa liwanag sapagkat sila ay masama (John 3:19; 12:46).

Sabihin man nating unconditional ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan, ang?pagliligtas Niya ay hindi dahil “conditional” ang?John 3:18. Ito ay “qualified” ng?”whoever believes,”

?Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe stands condemned already??

Ang?pagliligtas ng Dios sa?sanlibutan ay sa pamamagitan ng pananampalataya.?Ngunit?dahil hindi lahat ay sumasampalataya, marami pa ang?nasa bingit ng kapahamakan.

Mayroon tayong dalawang katibayan sa ibang bahagi ng Kasulatan kung papaanong ililigtas ng Dios ang sanlibutan sa pamamagitan ng iilan. Mula sa nakalipas at mula sa?magaganap pa lamang:

  1. Mula sa nakalipas.?Mababasa natin mula sa Gen. 6:1?kung papaanong?iniligtas ng?Dios ang mahal Niyang sanlibutan?sa pamamagitan ng iilan.?Maraming napahamak na masasamang tao noon. Nadamay rin ang mga halaman at hayop. Katunayan sabi sa?1 Pet. 3:20, walo?lang?silang lahat na nakaligtas sa baha.?Hinatulan ng?Dios ang lahat sa?Gen. 6:7 samantalang si Noah lamang ang nakasumpong ng biyaya (Gen. 6:8) kasama ang kaniyang sambahayan.
  2. Mula sa hinaharap.?Sa aklat ng Pahayag o Revelation ay may mababasa tayong mga?dinamitan ng puti mula sa bawat bansa (Rev. 3:4,5,18;4:4;6:11;7:9; 19:14; 22:14). Ang puting damit na ito ay sagisag?ng paghuhugas ng dugo ng Kordero?(Rev. 7:15). Sa kabilang banda naman ang masasama (Rev. 21:8; 22:11,15), ang mga hinatulan dahil sa?kanilang mga ginawa (Rev. 20:11-15).

Mahal ng Dios ang sanlibutan, ginawa Niya itong mabuti ngunit naging masama kaya isinugo Niya ang Bugtong na Anak na si Jesus upang ang sinumang sumampalataya ay?hindi na mapahamak. Sila ay biniyayaan?ng buhay na walang hanggan habang?ang hindi sumasampalataya ay nananatili sa kahatulan.

Ipangaral natin na mahal ng Dios ang sanlibutan dahil gagawin Niya itong bago (Rev. 21:1,5) upang panahanan?ng mga sumasampalataya?kay?Jesus, ang mga tinubos sa pamamagitan ng Kaniyang dugo.?Ngunit?sa labas nito ay ang hindi sumasampalataya ang masasama.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther