Ang Ipinagbabawal

Ngayon naman ay dadako na tayo sa dalawang kontrobersyal na mga talata, ang 1 Timothy 2:12 na nagsabing “I do not permit a woman to teach or to have authority over a man; she must be silent” at ang 1 Corinthians 14:34, “Women should remain silent in the churches. They are not allowed to speak, but must be in submission, as the law says.”

Sabi ng iilan, ang “she must be silent” o “should remain silent” sa mga ito ay dapat ipatupad ng literal sa mga simbahan kaya ang kinalalabasan tuloy parang binusalan sila sa bibig. Ang sabi naman ng karamihan, ang utos na ito ay hindi na napapanahon, outdated na raw katulad ng pagsusuot ng belo. Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na bagamat hindi na uso ang belo dahil ang pagsusuot nito sa simbahan ay kultural at hindi maituturing na timeless principle, ang pagkakalikhang una kay Adan at ang pagtatalaga sa kaniya ng Diyos bilang tagapag-ingat ng Eden sa pamamagitan ng Salita ay hindi kultural, hindi ito magbabago, walang itong pinipiling panahon, timeless hindi katulad ng pagsusuot ng belo.

Bahagi | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |

Sa Mga Alagad na Kababaihan (Ika-2 Bahagi), Mag-aral Habang Tahimik na Nagpapasakop (Ika-3 Bahagi), sa Mga Babaeng Nangangaral sa Kabataan (Ika-4 na Bahagi), sa Mga Babaeng Nangangaral sa Kababaihan (Ika-5 Bahagi), sa Kamanggagawa sa Iglesia (Ika-6 na Bahagi), at sa Mga Hindi Pangkaraniwang Gawa (Ika-9 Bahagi) napag-aralan na natin ang iba’t-ibang papel na ginagampanan ng kababaihan sa sinaunang iglesia:

  • Bilang mga alagad na tahimik na nagpapasakop
  • Bilang tagapagturo ng mga kabataan
  • Bilang tagapagturo ng kababaihan
  • Bilang katuwang sa tahanan at sa iglesia
  • Tagapanalangin at naghahayag ng propesiya

Lahat ng mga ito ay ginampanan ng mga kababaihan sa sinaunang iglesia at nagsisilbing patunay para sa atin ngayon na hindi dapat “binubusalan” ang kanilang bibig sa iglesia. Kaya, ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng utos sa kanila na pananahimik?

Ang katahimikang ito ay may kinalaman sa larangan ng pagtuturo sa mga kalalakihan na hindi na mga batang paslit. Hindi pinapahintuluan ang mga kababaihan sa iglesia na mangaral mga kalalakihan, “adult”, sa halip, sila umano ay dapat na manahimik.

At makatitiyak tayong ang utos na ito limitado sa kultura ng kanilang panahon kundi isang timeless principle sapagkat ang mga batayang ibinigay ni Apostol PAblo kay Timoteo na katulad rin ng basihan ng Apostol na binigay sa iglesia sa Corinto, ay walang pinipiling lugar at panahon:

  • Si Adan ang unang nilikha (1 Tim. 2:13).
  • Ginawa ang babae (Eba) para sa lalaki (Adan, 1 Cor. 11:8).
  • Bilang isang katuwang o help-meet (Gen. 2:18).
  • Hindi ang kabaliktaran (1 Cor. 11:9).
  • Nagmula ang babae sa lalaki (1 Cor. 11:11), nagmula sa kaniyang tadyang (Gen 2:21-23).
  • Ang Salita ng Diyos sa Eden ay sa lalaki nagmula (1 Cor. 14:36).
  • Hindi si Adan ang nalinlang, ang babae ang nalinlang (1 Tim. 2:14).

Katunayan, parang naging Andres de Saya pa nga si Adan sa lagay na ito dahil siya ay sumunod o nakinig sa babae, ang sabi sa Gen 3:17, “because you listened to your wife,” sa halip na sa Salita ng Diyos.

Ang mga ito ay hindi nababago sa kahit anong panahon at kultura, ang mga basihang ito ay naaangkop sa alinmang panahon, kaya ang utos ay timeless. Ang sabi pa ng Apostol, kung sino man ay propeta o espirituwal dapat nilang makilala na ang utos na ito ay utos ng Panginoon,

“If anyone thinks they are a prophet or otherwise gifted by the Spirit, let them acknowledge that what I am writing to you is the Lord’s command.”

1 Corinthians 14:37

Samakatuwid, hindi ito limitado sa lokal na iglesia katulad ng nais palabasin ng marami, hindi ito para sa mga taga-Corinto lamang, dahil ang sabi pa ni Pablo wala silang ibang gawi sa larangan ng pagsamba sa mga iglesia ng Diyos,

“If anyone wants to be contentious about this, we have no other practice–nor do the churches of God.”

1 Corinthians 11:16

Sa madaling salita, hindi lamang ito ito timeless para sa mga taga-Corinto, kundi para sa lahat ng iglesia.

Peter Preaching

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther