Kamakailan lang kumalat sa social networking sites ang video mula sa?YouTube tungkol sa itim na kabayong namataan umano sa Jeddah, Saudi Arabia. Gaya ng?inaasahan, madali itong pinaniwalaan ng mga taong sadyang?mapamahiin o superstitious.
http://www.youtube.com/watch?v=dOVduROwRrk
Mapapansin na maiksi lamang ang video (43 seconds)?na may?mababang resolution at patay-sinding liwanag na nagsilbing special effect para ito ay magmukhang gumagalaw. Umani na ito ng halos?400k?hits mula ng ipalabas ito noong Nov. 6, 2014.?Ngunit hindi ito ang unang pagkakataong pinangalandakan?ng mga superstitious na naturingan pa namang?mga Kristiyano. Noong 2011, may ipinalabas sa YouTube na “Fourth Horseman” umano ng “Apocalypse” (book of Revelation) ?habang nagkakaroon ng riot sa Egypt. Ngunit ito ay pinabulaanang isa lamang light/camera anomaly.
Dahil dito, nag-post ako ng “nawawalang itim na kabayo” sa pagbabakasakali na madali itong mauunawaan?ng mga napapaniwala ng video. Ang kabayong ito?ay isa lamang helium balloon na kasing-hugis nung?nasa video na napanood nila. Alam naman nating ang isang helium balloon ay nakakalipad kaya ito?ay tinatalian.
Naunawaan naman ng ibang mga kapatid ang aking punto at madali nilang ipinag-ugnay ang post na iyon sa video na kanilang nasaksihan,Ngunit sadya talagang may mga mapamahiin na handang ipagtanggol?ang?itim na kabayo mula sa?Jeddah,
Kaya upang maging mas malinaw, ang isinunod kong post ay tungkol sa pulang kabayo na lumilipad na namataan sa Sweden (http://www.hansrossel.com/fotos/fotografie/zweden/zw_d5658.htm). Isa naman itong hot air balloon.
Ngunit marami pa ring sa halip na?makaunawa ay?na-apektuhan ng husto ng mabatikos ang kanilang pamahiin,
Kinabukasan, tinanggal ng Administrator ng discussion group ang pulang kabayo sa Sweden at pati ang iba?ko pang post tungkol naman sa puting kabayo na nakadungaw sa bintana,
Pati na ang puting?kabayong sumalakay sa itim na Obispo ay binura na rin,
Bakit nga ba sila ganito mag-isip??Ang?pamahiing ito ay sanhi?ng maling akala na ang?magiging katuparan ng literal na?pagbasa sa Revelation 6:1-17 ay makakakita sila ng mga kabayong mula sa langit.
Ang isinunod kong post?ay larawan mula?REDDIT.com (http://i.imgur.com/hHBvPKf.jpg) ?na tinawag?kong “itim na kabayo sa perya” na sa kasalukuyan ay umani na ng 440 likes.
Marami mang mabilis na naunawaan ang puntos ng post na ito?at mabilis na nakumbinse na?ang?video ng kabayo sa Jeddah ay?isa lamang pandaraya (hoax), marami pa rin ang nagngitngit?sa?galit. Hindi naman ito nalalayo sa mga mapamahiing Hindu sa India na nagngangalit?kapag kinakatay na ang mga bakang kanilang dini-diyos.
Ayaw ng mga mapamahiing Kristiyano na masasaling ang kanilang paniniwala.?Sa halip na sila magpatuwid,?mas gusto nilang irespeto mo sila sa?kanilang kamangmangan sa pamamamgitan ng iyong?pananahimik na lamang.
Kaya ano nga ba ang mga aral na mapupulot natin mula?sa itim na kabayong ito?
Pero ganito ba dapat ang mga Kristiyano? Hindi!
Next: Ano ba ang tunay na kahulugan ng the?Four Horsemen of the Apocalypse?
Recent Comments