Paghahambing: Church Building Projects

Matapos kong makalap ang mga datos, naipaghambing ko ang proyekto ng dalawang simbahan mula sa pag-drawing ng plano, ground breaking at?kung ano na ang kasalukuyang hitsura ng mga proyekto nila ngayon.

Ang nasa gawing itaas ay ang Cornerstone, Balintawak Building Project ng Jesus is Lord Church samantalang ang nasa ibaba naman ay Every Nation Building Phase 2 ng Victory Christian Fellowship.

building project comparison

Akala ko naka-move on naman ng kaunti ang proyekto sa Balintawak pero ayon sa natanggap kong ulat, ang nasa larawan ay lumang istruktura na dapat pang gibain.

Sa madaling salita, inabot na ng limang (5) taon mula nang ilabas ang drawing o magtatatlong-taon (3) na mula ng kanilang “ground breaking ceremony”?nanatili pa ring naka-pako sa drawing ang kanilang proyekto.?Sa kabilang banda,?naging magandang naman ang progreso ng proyekto sa Taguig na magkakaroon ng apat na palapag. Sa loob lamang ng apat na taon (4) mula nang ito ay i-drawing, nahukay ang malalim na pundasyon, naitayo ang apat na palapag, nailagay ang facade, sa ngayon balita ko ay nasa interior?decoration na sila.

Ano sa inyong palagay ang mga pusibleng dahilan bakit may mga nabibinbing proyekto sa simbahan at ano ang iyong magagawa para makatulong na maitayo ito sa halip na?magmukhang proyekto lang ng gobyerno?

Comment lang po sa ibaba.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther